20

178K 1K 137
                                    

 Nakapagpalit na kami ng damit at si Sammy ngayon ay nakaupo sa may deck ng yate...umupo ako sa tabi niya.

Ano ba 'to?! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, kung paano ko kakausapin. Alam kong galit siya sa ginawa ko...pero di ko naman kasi alam eh na hindi siya marunong lumangoy.

Isang mabilis na tingin ang ginawa ko sa kanya....nakatingin na naman siya sa malayo.

"S-sorry." sabi ko tapos yumuko ako. Di ako makapagsalita ng maayos ano ba yan.

"S-orry sa nangyari kanina, di ko naman alam. Sorry." tapos tinignan ko siya.

Huminga siya ng malalim...

"Ok lang." then she gave me a warm smile.

Ano ba siya? ni hindi man lang ba niya ako aawayin? hindi man lang ba niya ako papaluin? Ineexpect kong magalit siya and all of a sudden, ok lang sa kanya?Heck! Nakokonsensya tuloy ako lalo sa ginawa ko sa kanya, sana pinalo niya na lang kesa magsabi siya ng ok lang siya. I deserve that. Mas pipiliin ko pang paluin at bugbugin niya ako kaysa ganitong inuusig ako ng konsensya ko.

Tumingin siya sa akin.

"Uhmmm Sander, saan nga pala tayo pupunta?" she calmly asked.

Damn! I hate this feeling. Inalis ko kaagad ang tingin ko sa kanya at tumingin ako sa malayo. 

"Pupunta tayo sa Hongkong." I firmly said.

"H-hong Kong? anong gagawin natin dun?"

 

"Apparently, si mama ang nagplano nito para daw may honeymoon kuno. Syempre para di mabuking na di peke ang kasal kaya di na ako tumanggi. I go with the plan of Mama.  I don't know also kung anong gagawin natin dun. Bahala na. Tsaka na lang natin alamin kapag nandun na tayo."

 

"Ahhh..." mahina niyang sabi.

And there was silence.

Bakit ang tahimik niya? 

"Ah Sander, mauna na ako sa loob. Magpapahinga lang ako." sabi niya at tumayo na siya't naglakad papasok ng cabin.

Anong nangyari dun?

Tsk. Wag mo na nga alalahanin yun Sander. Wala lang yun, sinasaltik lang kaya ganun.

Itutuon ko na lang ang oras ko sa pagbabasa at maglilibang na lang ako.

-After 2 hours-

*yawwnnn*

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon