43

144K 1.7K 881
                                    

Yung kanta sa gilid (The one that got away acoustic version by Katy Perry) ay yung kantang pinapakinggan ko paulit-ulit habang tinatype ang chapter na 'to, kung gusto niyong pakinggan go lang para mas mafeel niyo kahit wala siyang connect. Hahaha. Enjoy Reading!

********************************NATHAN'S POV********************************

Pagkagaling ko sa restaurant kung saan kami nagkita ni Frances ay dumiretso na ako sa condo ko. Balak ko sanang dalawin siya ngayong araw, sosorpresahin ko siya at dadalhan ng paborito niya chocolate. May pagkaisip bata rin kasi 'yun eh kaso pagbukas ko ng pinto...

"Surprise!" bungad niya agad sa akin. Makikita mong masaya siya, kahit kailan talaga napakalakas ng fighting spirit ng babaeng 'to. Para siyang si Samantha, laging high-spirited.

"Sabrina! What are you doing here? Hmmm..." may naamoy akong mabango. "Are you cooking something?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya at hinatak ako papunta sa kusina.

"Tada!!!" proud na sabi niya with matching hand gestures pa. Nakalatag sa mesa ang iba't ibang klase ng pagkain, from main course to dessert!

"Nagluto ka?"

"Ahuh." sagot niya na may kasama pang tango.

"Lahat 'to!?" mangha kong tanong.

"Yep." then she giggled. "gulat ka no?!"

"Honestly, yes. I...I was amazed! Luto mong lahat 'to?" namamangha ko pa ring tanong.

"Bakit? di ba...di ka ba naniniwala?" pout.

Hahaha, there she goes. Isip-bata rin siya, 'yan ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Lumapit ako at hinalikan siya sa ulo.

"Naniniwala ako, kahit ano pang sabihin mo...maniniwala ako." nginitian ko siya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya, those lips of her...matagal na iyon gustong dampian ng labi ko kaso nakahalata ata siya kaya kinurot niya ako sa tagiliran. Napatalon naman agad ako at tinignan ko siya ng masama.

"Silly!" natatawa kong sabi sa kanya habang hawak-hawak ang tagiliran ko, grabe 'tong babaeng 'to.

"That's what you deserve for being naughty, bleh!" sabay behlat sa akin at saka tumakbo.

Hinabol ko naman siya hanggang makorner ko siya sa sala.

"Uwaaahhhhhh!!!" pinagbabato niya ako ng unan galing sa sofa.

"H-hey! Hahaha stop it!" sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay para sanggaan ang mga lumilipad na unan. Tumigil naman siya at saka napaupo sa kama habang tumatawa. Lumapit naman ako at tinabihan siya. I stretched my arms at niyakap ko siya gamit ang isang kamay papalapit sa akin.

"Nag-aalala lang naman ako...baka kasi napagod ka." tinignan ko siya.

Tumingala siya at tumingin sa mga mata ko.

"Hindi naman ako baldado." nakangiti na sabi niya sabay pisil sa ilong ko. "Ikaw talaga!" then she giggled at tumayo na pero hinatak ko siya pabalik at niyakap.

"Wag ka munang tumayo, ganito muna tayo." sabi ko sa kanya habang nakayakap at nakasubsob ang ulo ko sa buhok niya. Sana ganito na lang kami habang buhay, hinding hindi ako magsasawang yakapin siya, kahit gaano pa katagal wag lang siyang mawala sa akin.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon