46.2

100K 1.4K 810
                                    

FORENOTE: (BASAHIN MO, WAG KANG TAMAD)

Kung maselan ka, kung bata at isip-bata ka pa, kung wala pa ang salitang “maturity” sa vocabs mo, kung allergic ka sa mga mature scenes, kung dakilang ranter ka, kung super demanding ka, kung wala ka sa mood, kung strict si papa't conservative si mama at higit sa lahat ay kung kill joy ka ay marapat lamang po na wag ka ng tumuloy sa pagbabasa nitong chapter na ‘to. Para lamang ‘to sa mga reader kong open-minded. Ayokong makabasa ng reklamo sa comment box at sa message board ko dahil lang sa ayaw mo ng bs. Alam kong hindi naman “ata” masyadong malala ang mga scenes dahil hanggang kaya kong gawing light ay pinipilit ko pero kung may allergy ka sa mga obscene words ay maaari lamang na huminto ka na lang sa pagbasa at itikom ang iyong bibig. Alam ko ring hindi ganoon kaganda ang pagkasulat ko dahil hindi ko naman forte ang pagsusulat ng mga ganitong scenes. Nagiging paranoid na nga ako kakatingin kung may tao ba sa likod ko habang nagsusulat nito eh, baka kasi mamaya makita ako ng aking mga mahal sa buhay, yari na! Kung nakulangan kayo, pasensya na po. Isinaalang-alang ko rin naman ang mga bulilit readers ko. Tamang ka-L-an nga lang ika nga nila. Pero kung feeling niyo ay pangrestricted talaga siya ay wag kayong mag-alinlangang sabihin sa akin o i-pm niyo lamang po ako. Kung marami ang magmemessage sa’kin about making it a restricted/private chapter, then I’m very much willing to make it one. Ihihiwalay ko po siya at gagawing private o kaya naman ay tatanggalin ko na yung obscene scenes completely.

Isa pa, BAWAL ANG PASAWAY! Okay?

Enjoy reading!

xoxo

**************************YESHA'S POV*****************************

“Oh, okay na ba lahat?” tanong ko sa mga empleyado ko. It’s August 04 at napagdesisyunan kong isara muna ang bar and resto ko para sa espesyal na araw na ito.

“Yes ma’am!” sagot naman nila.

“Oh sige na, you can now take your day off guys! Enjoy your day, okay? Chop chop!” masiglang sabi ko with matching palakpak  pa ng kamay. Isa- isa naman silang masiglang nagpaalam sa’ken. Nung wala ng tao sa bar ay umakyat na muna ko sa kwarto ko. Habang hinihintay kong dumating yung personal make-up artist at hairstylist kong si Paula ay inayos ko na yung damit na isusuot ko para sa party mamaya. Maya-maya lang ay narinig ko ng may nagdoorbell galing sa backdoor. Dali-dali akong bumaba at tinignan kung sino, Si Paula.

“Girl!” bati niya sa’kin.

“Paula! Tuloy ka.”

Pinatuloy ko siya sa loob at inalok siya ng maiinom pero tumanggi siya kaya umakyat na agad kami sa kwarto ko para masimulan na ang pag-aayos sa akin. Tumingin ako sa orasan at nakitang 4 p.m. na. Seven pa naman ang party kaya may panahon pa para mag-ayos.

“Don’t worry girl, di ka malelate at gagawin kitang super dyosa!” baklang baklang sabi ni Paula. Nginitian ko lang siya.

Nagsimula na siyang ayusin ang buhok ko. Nilagyan niya ito ng konting curls sa dulo. Pagtapos ay nagsimula naman siyang lagyan ang mukha ko ng make-up. Marunong naman akong magmake-up kahit papaano pero hanggang foundation, blush-on at lipstick lang ang kaya ko. Maliban dun ay wala na akong alam na ilagay sa mukha ko. Matapos niya akong ayusan ay pinasuot niya na sa akin ang dress ko. Simpleng red with touch of black tube dress lang ang suot ko na pinartneran ng itim na stilettos. Nilagyan niya lang ako ng kung ano-ano pang kaartehan at pinaharap niya na ako sa salamin.

“Bongga! Antaray mo ‘teh, dyosang dyosa ang peg!” papuri niya sa akin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya pero medyo nag-aalangan pa rin ako dahil parang masyadong maikli yung dress na suot ko.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon