42

138K 1K 370
                                    

***********************************SAMMY'S POV************************************

 

Nagising akong wala na akong katabi, wala ng Sander na nakayakap sa akin. Nakatingin lang ako sa kisame at napaisip...si Sander ba talaga yung yumakap sa akin kagabi? Siya ba talaga yung nagcomfort sa akin? Baka naman nananaginip lang ako, si Sander? Naging mabait sa akin? Wow! 

Tumagilid ako para tumingin sa orasan sa side table kung anong oras na.

10 a.m. na pala, kaya pala nagugutom na ako. May napansin akong papel na nadadaganan ng alarm clock ko, kinuha ko ito at binasa.

 

Good Morning. Ready na ang breakfast mo, nasa kitchen. Text me kung aalis ka.

-Sander

Nakatitig lang ako dun sa papel, ayaw pang sumink-in sa utak ko yung nakasulat...

Seriously? Si Chupi nagsulat ng ganito?

I mean, di kasi normal para kay Sander ang mag-iwan ng note...oo nung birthday ko nag-iwan siya ng note pero para bumati dahil birthday ko pero iba 'tong ngayon eh, nag-iwan siya ng note para lang batiin ako ng good morning? para sabihing may pagkain na sa lamesa? para sabihing magtext ako sa kanya 'pag aalis ako? ay teka teka, bakit ko kailangang magtext? Sino ba siya?

"Siya si Sander, Sammy. Asawa mo. Ang dahilan kung bakit ka nandito sa bahay na 'to at kung bakit nagugulo ang tahimik mong buhay." sabi ng isip ko.

Pero...

anong nakain ni Sander ngayon? Napabuntong hininga na lang ako, kinuha ko yung unan at tinaklob sa mukha ko.

"Aaaggghhhh ang gulo gulo! Nakakainis ka Sander! Naguguluhan na ako sa 'yo! Aaaaggghhh!!!" sigaw ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko, paikot-ikot ako sa kama hanggang sa di ko namalayan nalaglag na naman ako.

"Aray ko!" inda ko habang ang kamay ko ay hinihilot ang balakang ko masakit,"naku kasalanan lahat 'to ni chupi eh! Ginugulo niya ang sistema ko nitong mga nakaraang araw! Aisshh!" busangot kong sabi. Iniling-iling ko ang ulo ko, umaasang mawala ang imahe ni Sander sa utak ko kahit ilang saglit ko."Aaaaaaggghhhhh nakakabuwang!" patuloy pa rin ako sa pag-iling, para na akong tanga. Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrama ng biglang magring ang cellphone ko. Tumayo ako kahit masakit pa rin ang balakang ko at iika-ikang umupo sa kama at kinapa kung nasaan ang cellphone ko. Nung makapa't makuha ko na ay tinignan ko kung sino ang tumatawag...

*Parekoy <3's calling*

 

Halalalalala! Lalong nagpanic ang sistema ko ng makita ko ang screen ng cellphone ko, tumatawag si Shaun! Anong gagawin ko? Sasagutin ko ba o hindi? Anong sasabihin ko?Anak ng tortang talong naman oh!

Huminga ako ng malalim, haaayyyy bahala na nga.

Pinindot ko ang answer button.

"H-hello parekoy?" nauutal ko pang sabi. Di ko alam kung kinakabahan ba ako o ano, basta di talaga ako kumportable sa sitwasyon ko ngayon...naguguluhan na talaga ako sa sarili ko.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon