ano ba 'to ang boring boring naman....=___________________=

Buong araw, nandito lang ako sa sofa...nanunuod ng tv at lumalamon. Ayoko namang magswimming dun sa may dagat kasi ang sakit ng init sa balat. Uuuggghhh...boredom kills! 

Wala akong magawa. Laslas na! De joke lang. Narinig ko ang mga yabag pababa ng hagdan at ang pagbukas ng pinto ng refrigerator.

Maya maya pa ay tumabi sa akin si Sander at akmang kukuha ng pagkain mula sa hawak kong chichiria.

Nilayo ko yung chichiriang hawak ko.

"Kumuha ka dun ng sharili mo! Shakin 'to eh!" inis na sabi ko sa kanya habang may nginangatang chichiria. Aagawan pa ako eh kita na ngang eto na lang ang libangan ko.

 

"Damot! Psshhh..kaya ka nagiging tabachoy eh!" bugnot na sabi niya. Wala siyang nagawa kundi pumunta sa kusina at kumuha ng sarili niyang makakain.

Pagbalik niya may dala siyang chocolates at chichiria. 

 

"San galing yang chocolates?! Bakit di ko yan nakita kanina? Pennggggeeee!!!" 

 

"Heh! Manahimik ka diyan, pinagdamutan mo ko kanina pwes maglaway ka ngayon! Bleh!" tapos binelatan niya ako.

"Ang sama mo!" inis kong sabi.


Aaagghhhhh ang borrriiiinnggg!!!! Mga isang oras din kaming nakaupo sa sofa at kung saang saang channel na nailipat ang tv. Ubos na rin yung kinakain namin at sawa na rin kaming makipag-inisan sa isa't isa.

"Sander! Samahan mo ko, labas naman tayo." sabi ko.

"Saan naman ha? Tsaka may gagawin ako eh wag na. Dito na lang tayo sa bahay." pangontra agad niya. Eto kahit kailan KJ!

"Samahan mo lang ako sa bookstore sige na. May hahanapin lang akong ilang libro."

 

"Eh wag na. Next time na lang tsaka ang init init oh!"

Ugghhh...may kotse namang tinatawag di ba?!