50

36.7K 826 200
                                    

“S-Shaun!” napapitlag ako sa biglang pagyakap niya sa’kin. Muntik na akong ma-out-of-balance nang wala sa oras. Kumalas na siya sa pagkakayakap at tinignan ako sa mukha. Nagulat ako nang bigla na lang niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Ang cute cute mo talaga, Eya.” Nakangiting ani niya, “Ay, hindi, hindi sapat yung salitang cute. Ikaw ang pinaka most beautiful na babaeng nakilala ko!”

Hindi ko alam kung mata-touch ako sa sinabi ni Shaun or what. Kasi naman, nakakatouch naman talaga yung sinabi niya pero para sabihan ka ng ganun in this time of the day? Hindi ko mahugot kung nasaan ang romantic dun.

“Teka nga, saan ka ba galing ha? Anong oras na oh!”

“Sa airport! Dun sa may maraming airplane at maraming goodbye!”

“Airport? Anong ginawa mo dun?”

“Wala, ihahatid ko sana yung b-bestfriend ko kaso umalis na siya papunta duunn sa malayo. Iniwan niya na rin ako. Ha-ha-ha.”

“Eh bakit ka nandito? Saka paano ka nakapunta dito? Asan yung kotse mo?”

“Nagtaxi tapos naglakad! Naglakad ako, mahaaaaabang mahaba! K-kasi gusto kitang makita.” Nakangiting sabi niya.

“H-ha?”

“Kasi namiss kita!” masayang sabi niya.

Mas lalo akong nagising nang biglang nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para maitulak ko siya. Napalakas ata ang tulak ko dahil biglang napaupo si Shaun sa sahig.

“Oucchhh, that hurts! B-bakit mo naman ako tinulak prinsesang parekoy ko? Ayaw mo ba talaga sa’kin? Ayaw mo ba talaga kay Shaun? Wala na ba talagang may gusto kay Shaun?” malungkot na sabi niya. Eto na nga ba sinasabi ko eh, kapag nalalasing si Shaun madalas nawawala sa huwisyo. Parang bata!

Lumuhod ako para maging magkapantay kami ni Shaun.

“Hindi sa ganun, Shaun. Ano kasi, gusto naman kita, sa totoo lang gusting gusto ko talaga si Shaun” para akong kumakausap ng bata, “Kaso….”

Kaso? Kaso bakit nga ba? Hindi ko rin alam kung anong reason ko. Fishtea!

“K-kaso?” tanong niya. Sloppy na siya ngayon at pumipikit na rin ang mata niya.

“Kaso hmm….” Nasa kalaliman pa ako ng pag-iisip kung ano nga ba talagang kaso ‘yan muntik ng mapasubsob si Shaun sa harapan ko.

“Hala!” buti na lang at nahawakan ko agad siya sa balikat bago pa tuluyang dumagan sa’kin si Parekoy.

* * *

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para buhatin/kaladkarin si Shaun papunta sa sala ng bahay. Oo, alam kong amazona ako pero hindi naman por que amazona eh maskulada? Ang payat ko na nga tapos para pa akong nagbuhat ng ilang kabang bigas sa bigat nitong si Shaun. Partida wala pa akong tulog! Hindi ko alam na ganito ako ka-macho. Pero macho naman talaga ako. Machonurin kay Sander, fishtea!

Umakyat ako sa kwarto ko para kumuha ng kumot at unan para kay Shaun kaso pagbaba ko, aba ang loko nasa sahig na! Nalaglag mula sa sofa. Kunsabagay, hindi naman kasi kama ang sofa tapos ang laki pa ni Shaun. Syet naman. Kapag tinamaan ka nga naman ng lintek. Hindi ko alam kung awa o dahil ilang taon ko na rin namang kaibigan si Shaun kaya kahit alam kong may magagalit, iniakyat ko siya sa kwarto ko. Wag niyo ng tanungin kung paano, masakit na ang likod ko at balikat para magpaliwanag pa. Feeling ko tinalbugan ko ng bonggang bongga si kampanerang kuba dahil sa pag-akay ko kay Shaun paakyat ng hagdan.  Pagdating namin sa kwarto ko, inayos ko pa siya ng higa sa kama. Ang bigat, putek!

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon