39

149K 1.2K 541
                                    

Pagkababa ko ng kotse ay nagdrive na agad si Sander papuntang garage para ipark yung kotse. Pumasok na ako ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko.

Habang nakahiga ako sa kama ay ang dami-daming gumugulo sa isip ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Masaya ba ako?Bakit parang bigla-bigla na lang nag-iba si Sander?Yung pakikitungo niya sa akin, parang ang layo niya na. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip.

Pagkagising ko ay may narinig akong nagtatawanan sa may sala. Nag-ayos lang ako ng hinigaan at ng sarili ko bago ako bumaba. Sa hagdan pa lang rinig ko na agad ang boses ni Sander. May bisita ata siya. Pagkakita ko kung sino ay parang may dumagan sa dibdib ko dahil parang bumigat yung pakiramdam ko.

"Oh, hello Samantha!" nakangiting sabi ni Yesha.

Napatingin ako kay Sander na mukhang napansin lang ako nung binati ako ni Yesha.

"Ah, H-hello din Yesha." ngumiti naman din ako sa kanya.

"Oh Samantha! Sakto gising ka na, akala ko tatanghaliin ka na naman ng gising eh. Diligan mo na yung mga halaman sa garden, mukhang nalalanta na eh." Utos ni Sander.

Samantha? Bakit yun ang tawag niya sa akin? At saka isa pa, kakagising ko lang uutusan niya na agad ako? Wala man lang bang 'good morning' o kaya kahit 'kumain ka na muna.' ? Ano ba ako dito katulong? Chimay? Eh kahit nga chimay, papakainin muna ng amo bago pagtrabahuhin eh.

"Sandy ano ka ba! Naku Samantha, wag mong pansinin 'yan si Sander. Halika, pumunta tayo ng kusina. Gusto mo ba kumain? Anong gusto mo? Ipagluluto kita." nakangiting sabi niya habang papalapit sa akin.

Tumango lang ako.

"Psshh. Syempre papayag yan Yeshie, eh patay gutom 'yang si Samantha eh." sarcastic na sabi ni Sander.

Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Nakatingin din siya sa akin. Naramdaman kong uminit yung gilid ng mata ko ng wala sa oras pero pinigilan ko kaagad.

"Sandy!" napataas ng boses si Yesha sa pagsaway kay Sander. Nagkatinginan silang dalawa.

"Bakit? Totoo naman ah." inosenteng sabi ni Sander.

Gustong gusto kong manugod at suntukin siya ng mga oras na 'yun. Siguro nga nanginginig na ako sa sobrang inis eh. Napakuyom ako bigla ng kamao pero pumikit lang ako at bumuntong hininga bago nagsalita.

"Tama naman siya Yesha eh..." malumanay kong sabi tapos nginitian ko lang si Sander, Pinilit kong icompose yung sarili ko. Nakita ko sa mga mata niya na naguguluhan din siya kung bakit di ako nagalit pero halatang ayaw niyang ipakita. Umakto lang siya na parang walang nangyari, na parang di nakasakit ng damdamin yung mga salitang binitawan niya kanina.

"Samantha..." nag-aalalang sabi ni Yesha. 

Tumingin ako kay Yesha na nakatingin din naman sa akin, halatang halata mo sa mga mata niya na sincere yung pag-aalala niya. Di ko alam kung pag-aalala o awa. Alin man sa dalawa, wala na akong pakialam. Ngingiti na lang ako, para matapos na.

Just MarriedWhere stories live. Discover now