-7:30 a.m-
Napabangon ako bigla...kinusot kusot ko yung mata ko tapos pumunta ako ng banyo para magsipilyo...paglabas ko ng banyo...
*sniff sniff* para akong bomb sniffing dog na amoy ng amoy
Ang bango!
*snif sniff*
San kaya nanggagaling yun? amoy pagkain...nagugutom na ako.
Nakapikit pa ako paglabas ko sa banyo at parang zombie na naglakad palabas ng kwarto.
Pagbaba ko pumunta ko sa may dining table kasi mukhang dun nanggagaling yung amoy.
Pagtingin ko
O_O
Waahhhh ang daming pagkain!!!! may handaan ba? bakit may buffet sa mesa?Hindi naman buffet talaga pero bakit ang daming pagkain?
May bacon, egg, milk, saging, ham, buns, kanin, fried rice at kung ano ano pa. Nasa heaven na ba ako?
May Chocolate pa nga eh!!!! Nananaginip na ata ako eh!
"Naglalaway ka na naman diyan." sabi nung lalaki sa likod ko na ambango din
paglingon ko
Si SANDER BAKLANG CHUPI pala..
at bagong paligo siya...tsk, kaya pala mabango =.=" Panira siya ng magandang panaginip pero...
Ibig sabihin di 'to panaginip! Kasi kung panaginip 'to, wala dito si Sander!
Dahil isa siyang bangungot! XDD waaahhhh!!!! this is real!!!! ang daming pagkain!!!
Pumunta ako sa kusina at nakita si momsie colline na nagluluto...
May guso sana ako itanong kaso mamaya na lang. Busy kasi si momsie colline sa pagluluto.
BINABASA MO ANG
Just Married
RomanceThis is an ONGOING series. Copyright © 2012 by Bluedust. All Rights Reserved. No Softcopy | No Compilation | No to plagiarism.