25

171K 952 121
                                    

(Picture on the right: SHIN MY LABS♥)

**********************************************SHIN'S POV**********************************************

Kakadating ko lang sa airport nang itext ako ni Kuya este Sir Sander na pumunta daw sa disneyland. Ano namang ginagawa ng boring na lalakeng yun dun? Tsk.

Pumunta naman ako. Buti na lang may sasakyan na naghihintay sa akin dito...

Kaya walang nagtatagal na P.A. kay Kuya eh....kasi nga suplado tsaka kapag gusto ka niyang pasunurin sa isang lugar eh wala kang choice kundi sumunod. Kundi lang sa sinabi niyang ibibigay niya kahit anong gusto ko eh di ako papayag na maging P.A. ng monster na yun eh! Kahit di ko pa alam kung anong gusto kong hingin sa ngayon XD Mabait naman yun si kuya eh...medyo pilyo nga lang at suplado pero siya ang pinakaclose kong pinsan. Spoiled din kasi ako sa kanya kaya nga favorite ko siya sa lahat ng kuya ko.

Pinark ko na yung kotse at bumaba na.Disneyland?

Sino naman kaya kasama nun dito?Eh ang boring boring nun eh! Tsaka di yun mahilig pumunta sa ganitong lugar.

Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng stall ng cotton candies.

Wow! Cotton candies! *v*Tumakbo ako at bumili.

"One cotton candy please." sabay abot ko nung pera.

"Here." sabay abot nung tindero.

"Thanks!"


"Uwaaa cotton candy! Hmmmm....sweet!" masayakong sabi.

Mahilig ako kumain. Mahilig ako sa matamis. Makulit ako at maingay kapag gusto ko yung kasama ko. Isip bata daw ako sabi nila. Ano naman? cute naman ako :3

I admit it. I am ISIP BATA! :) Madali akong pasayahin parang bata! At least, masaya ako sa buhay ko!

Naglalakad ako para hanapin kung nasaan si Sir Sander habang nilalantakan ang matamis at masarap na cotton candy. Chaaaallllaaaappppp!

T-teka...

Si...

Si....

Si ate sammy! *v*

Huh?

Si kuya sander yun ah! ahhh...magkasama pala sila...

Nakatanaw lang ako sa malayo...

tsk...mukhang napagtitripan na naman ni kuya si ate sammy...papasok na sila ng haunted house..

oh? bakit huminto si kuya sa paglalakad? biglang lumabas si kuya...may kausap?

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon