49

36.1K 619 98
  • Dedicated to Bea Sacdalan
                                    

************************************SAMMY’S POV***********************************

Isang buwan na rin ang nakalipas, normal naman ang lahat. Ganun pa rin si Sander, mapang-asar. Ganun pa rin ako, chimay/asawa sa umaga, estudyante sa gabi. Si Shaun naman, hindi pa rin nagpaparamdam. Nag-aalala na nga ako dun kay parekoy eh. Simula nung hindi ako nakarating sa “date” dapat namin, hindi ko na siya ma-contact. Cannot be reached palagi ang cellphone. Pumunta ako sa bahay nila pero wala naman siya dun. Sabi nung katulong, isang buwan na raw na hindi tumutuloy si Shaun sa bahay. Nung nakaraan daw pumunta lang para kumuha ng gamit tapos umalis rin agad. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, baka mamaya nagalit nga talaga si Parekoy sa’kin. Saan ko ba siya mahahanap, gusto ko magsorry at magpaliwanag sa nangyari. Isa pa, nawala ko ata talaga yung bracelet na bigay niya dahil kahit anong halughog ko sa mga gamit ko ay hindi ko makita. Lalo tuloy akong nakokonsensya sa nangyari.

Sa school naman, ilang buwan ko na ring di nakikita si Nathan. Ang sabi ni Sir Kay, personal problems daw. Dropped na nga siya eh. Wala naman akong cellphone number niya kaya hindi ko rin ma-contact. Kamusta na kaya ‘yun? Ano na kayang nangyari dun? Sana naman okay lang siya. Kahit naman lagi akong inaasar nun ni Nathan, siya naman ang lagi ko natatakbuhan kapag may problema ko. Para ko na rin siyang kuya. Haaay, bakit kaya MIA ang mga tao ngayon? Isa pa ‘tong si Sander, madalas ding umaalis. Tapos pakiramdam ko may problema ang mokong. Siguro tungkol sa kanilang dalawa ni Yesha pero ayoko namang mangialam. Baka mamaya, maulit na naman yung dati.

Tulad ngayon, anong oras na wala pa rin si Chupi. Inaantok na nga ako pero kailangan ko siyang hintayin kasi nakalock na ‘yung gate. Wala namang magbubukas kapag dumating siya kaya no choice. Ang lutang pa naman nun kanina, iniwan yung duplicate key niya, paano siya makakapasok di ba? Haay, minsan talaga shunga rin ‘tong si Sander eh tapos kung makaasar sa’kin na bolbi raw ako, sus, eh di ako na! Akin na ang title! Akin na ang korona! Tss, kaya nga nag-aaral para matuto pa more eh, duh! Hahahaha! Hindi naman kasi lahat nadadaan sa talino. Kaya nga may swerte eh. Kung walang swerte, may tinatawag na diskarte. Kung hindi pa rin kayang dumiskarte, daanin sa sipag at tiyaga. Oha! Pero malaking factor talaga ang talino aminado ako dun.

Ang tagal naman nun! Saan kaya galing ‘yun? Haayy, nevermind. Makapaggitara na lang muna. Kinuha ko ang gitarang bigay sakin ni Sander bago ang sakal este, kasal namin at sumalampak sa sofa. Dahil nga busy kami sa kanya-kanya naming buhay, basic lang ang naituro sa’kin ni Sander. Yung ibang chords na gusto kong matutunan ay hinanap ko na lang sa net at nanuod ng tutorial sa youtube. Sa ngayon ay pinapractice ko ang chords ng kanta ng Up Dharma Down na Tadhana. Natutuwa kasi ako sa kanta. Ang sarap pakinggan kaya naman naghanap ako ng chords sa net at sinubukan kong tipain sa gitara. Ayos naman.

Ilang oras pa ang nagdaan, halos kabisado ko na ang chords at paulit-ulit ko na ring napractice ito ay wala pa rin si Sander. Anoong oras na? 11 p.m. na. Inaantok na ako. Buti na lang sabado ngayon kaya walang klase at pwedeng magpuyat pero naman! Gusto ko na matulog!

Tinabi ko muna ang gitara ko sa tabi at nahiga ako sa sofa. Yung talukap ng mata ko hinihila na nga gravity pababa. Nakapikit na ako at on the way na to dreamland nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Sander. Napadilat agad ako. Yes! Buti naman nandito na si Pichu! Oh my bed, here I come! Pero bago ‘yan ay kinuha ko ang susi sa key holder at dali-daling lumabas papunta sa gate ng bahay. Binuksan ko ito at pinasok na ni Sander sasakyan niya. Pagkasara ko ng gate ay bumalik na ako sa loob ng bahay at nilock ang front door. Sa back door naman dadaan ‘yan si Sander eh, nandoon kasi sa likod ang garahe. Niligpit ko na lahat ng kalat ko sa sala at inakyat ko na rin sa kwarto ko ang gitara. Ready to sleep na ako nang may narinig akong kumakatok. Ay shrimp! Naka-lock nga pala ang back door. Sammy naman oh, kaya ka natatawag na starfish eh. Bumaba ako para pagbuksan ulit ng pinto si Sander. Hassle naman ‘tong si Chupi, dapat kasi sa susunod laging dadalhin ang susi. Ang common sense talaga ngayon, ‘di na masyadong common. Hahaha nagsalita eh ‘no?

Just MarriedWhere stories live. Discover now