Chapter 34: Signing of papers

2.4K 48 0
                                    

"This how the rule goes... No dating, No friends that have your opposite sex, Always smile in the camera, Don't say anyBad words because it can affect your image and also the whole band..." marami pang sinabing 'No' at 'Don't' ang manager ng banda at leader na rin ng Demonic band si kuya Clint.

Seryoso talaga ang kuya ko pagdating sa mga ganitong bagay, yung tipong gusto mong tumawa pero di mo magawa kasi parang anytime mananampal sila bigla. Pero alam kong mahal na mahal ako ng mga kuya ko kaya alam kong di nila magagawang saktan ako.

"Are we clear Princess?" nakatingin pa rin siya ng diretso sakin at ako naman ay nakanganga lang dahil ibang iba ang kuya Clint na nasa harapan ko ngayon. Natauhan naman ako ng tapikin ako sa balikat ni kuya Clint. Lumunok at umubo muna ako bago magsalita dahil feeling ko ay nanuyo ang lalamunan ko.

"Opo." sabi ko. Kinuha ko yung pipirmahan ko at kunwari ay binabasa. Di kasi ako sanay na ganito ang itsura ni kuya Clint eh di bagay lintek! Kanina pa ako nagpipigil ng tawa dito eh. Nakatakip sa muka ko yung papel kaya medyo hindi kita ang pigil kong tawa at ngiti. Sa totoo lang kanina ko pa to pinipigil, siguro kung si kuya Blaze ito baka hindi nasikip ang dibdib ko sa kakapigil ng hininga ko.

"Are you okay?" tamo nageenglish pa. Idol ata si kuya Blaze.

"Yeah. Pffft. Okay, okay ako. " kinagat ko ang labi ko upang pagpigil ang paglabas ng tawa.

"Oo na! Ayan, alam ko tawang tawa ka. Ge, tawa lang saya mo eh." inis na sabi niya.

Hindi ko na kasi napigilan ang tawa ko eh. Sorry naman tao lang.

"HAHAHAHAHA! Tae." tawa pa rin ako ng tawa pagkatapos ay hihinga ng konti para makapagsabi ng 'tae' or 'putik' lalangsss~

Ganto ako pag tawang tawang parang nagbaback-flip pa ako sa upuan kaya parang baliw na tawa ang ginagawa ko lage.

"Saya mo nuh? Ge ganyanan tayo. Nagaalala lang kasi ako sayo eh." napatigil ako sa pagtawa kaya tumigil din ang upuan ko sa pag-uyog. Medyo na out of balance pa dahil sa kalampahan ko buti na lang ay to the rescue ang kuya Clint ko.

"Ayaw mo ba talaga akong maging ... ---" napangisi ako sa naisip ko. "Aha! Alam ko na kung pano! Diba kaya ayaw mo kong maging drummer dahil babae ako? At mas astig kapag all boys right?" tuwang tuwang sabi ko. Feeling ko ay nasa anime ako at parang kumikinang kinang ang mga mata ko dahil sa sobrang tuwa.

"Mae. Hin--"

"Right!" huling sabi ko saka lumabas sa room ni kuya Clint na parang nagmamartsa at determinadong determinado. Bakit parang nahawa ako sa kabaliwan ng nanay ko? Feeling ko kasi ako lang din ang sumagot sa tanong ko eh.. Hmmm..

Huminto pa ako saglit upang pagisipan kung nababaliw na rin ba ako pero may bumulong sa utak ko na..

"Bakit iisipin mong baliw ka? Yo! Di ka katulad ng mama mo na baliw. Maloko ka lang.. Maloko ka lang.. MALOKO KA! NALOLOKA NA AKO! GE BYE! Off na ko ah? Oy. Off na nga ko. Papatayin ko na comp. Namin papagalitan ako ni mama.. Oy off na nga sabi ako! Aisssh! Bahala ka! KtnxBye!"

At bigla na lang siyang nawala sa utak ko.

Pagkarating ko sa kwarto ay halos tumulo ang laway ko kakangiti dahil dati ko pa kasing pangarap na maging isang drummer ng banda... Dati kasi ayaw nila kuya dahil bata pa raw ako at all boys daw kasi yun; kaya nga naging crush ko si Kylie kasi drummer siya; gustong gusto ko nga sakalin si Kylie nung mga panahong yun eh.

Kaya simula nun sinabi ko sa langit at hangin habang nakataas pa ang dalawa kong kamay.

"Lalaki rin ako! Yung height ah? Hindi yung boy. Basta! Tatanda rin ako katulad ng mga kuya ko! Magiging drummer balang araw, sisikat at hahangaan ng lahat! WHOOO! Sarap ng hangin makahiga muna."

At saka humiga ako sa damuhan buti na lang at walang tae ng aso kundi baka maligo ako ng 10 beses.

Naggawa pa talaga ako ng sarili kong sign para naman hindi kahiya hiya. Puno nga isang long bond paper eh sabi nga ni mama bakit daw hindi buong manila paper ang pinuno ko? Nahiya pa raw ako may pambili naman daw siya. Luka talaga yun. -__-

Nilagyan ko na ng pirma ang papel upang maging opisyal na kagawad-- este myembro ng banda.

For the first time of my life ay bubuksan ko ang facebook ko na mahigit ng isang oras. Infairness ang daming friend requests at sabog ang notif. 1000000 joke. Kahapon lang ako nagbukas neto 1000 lang madalas games lang. Hindi ko syempre pinapansin utot nila magsariling sikap sila sa game nila noh! Pinapansin ko lang yung mga naglilike at nagcocomment sa mga MAGAGANDA kong pictures. Ayoko ngang magpost ng panget alam kong lalait laitin lang ako tse! Wag na uy. Baka pagnilait ko kayo baka pati tumbong niyo ngumawa.

Binisita ko ang profile ko at wala namang kakaiba kundi sa isang ito na kalokalike ko raw? Anong kalokohan ito? At talagang shinare pa sakin ah? Di na sila nahiya.

NakaCollage yung picture naming dalawa pero lalaki siya eh, tapos kamuka ko raw?

Tinignan ko pang mabuti ang pagmumuka ng lalakig ito... At ... Tengene. Me kembel ete eke eh! (Translation: Tengene. May kambal ata ako ah! XD)

OMyGosh! Siya na ang sagot sa kaninang bright, shining, shimmering, and splendid idea ko!

Author's POV

Napaaga ang update kasi walang assignment! Hehe! XD

Pero baka may update bukas kasi napapaaga rin ang idea ko.

Nasa multimedia yung KUNWARING kamuka ni Mae. XD imaginin niyo na lang na magkamuka. Yung Aqua.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now