Chapter 29: Here we go again.. Uggh!

2.7K 64 0
                                    

May narinig akong nagiistrum ng gitara habang nakikipagusap ako sa isang lalaking kabibigay lang sakin ng Isang cute na cute na teddy bear pero mas cute siya! Huhuhu! Bakit kasi hindi na lang siya naging teddy bear?!

(Now Playing: Gitara by Parokya ni Edgar.)

Bakit pa kailangang magbihis?

Sayang din naman ang porma..

Lagi lang namang may sisingit

Sa t'wing tayo'y magkasama..

Napukaw ng musikang iyon ang atensyon ko.

Sino ba namang hindi mapupukaw ang atensyon dun eh sobrang lakas kaya! Tapos nasa gitna pa talaga ng school.

Bakit pa kailangan ng rosas?

kung marami namang nagaalay sayo..

Uupo na lang at aawit,

maghihintay ng pagkakataon.

Hindi ko masyadong mamukaan kung sino ba yung kumakanta dahil nasisikatan sila ng araw. Tatlo kasi sila pero isa lang ang kumakanta.

"Halika na. Hahatid na kita sa room mo." sabi ni kuya Clint na diretso lang ang tingin sakin.

"Sandali lang. Hindi pa naman ako malelate. Panoorin muna natin tong mga Gitara boys. Manliligaw ko ata eh." nakangisi kong sabi. Wala namang nagawa ang kuya ko kundi sundin ang gusto ko. Nagcross arms siya at mukhang iritado na. Awww. Wawa man. Hahahaha!

Pero sa totoo lang nangiinis lang talaga ako, ako na masama. Sineryoso naman kasi nung mga lalaki sa party ko kaya tinuloy ko na. Di ko nga alam kung saan ko ilalagay yung sandamukal na chocolates baka nga ibigay ko na lang sa mga batang kalye hayaan ko nalang sumakit ang ngipin nila. At least nagbigay ako.

Hahayaan na lang silang,

magkandarapa na manligaw sayo.

Idadaan na lang kita sa awitin kong ito..

Sabay ang tugtog nang gitara ...

Idadaan na lang.. sa gitara. ♬

Nako. Di mo ko madadaan sa gitara. Makaalis na nga wala naman palang kwenta ito nagbababad lang ata sa araw. Mabulag pa ko kakapanood sa kanila eh sobrang sikat na sikat ang araw, feeling ko nga sinag lang ng araw ang pinapanood ko.

"Kuya Clint tara na. Nakakatamad ang concert nila." sumalyap pa ako sa kinaroroonan ng Gitara boys at nagulat ako ng mawala na sila dun. May nakikita ba akong hindi nakikita ng iba? O.O

Lumapit ako sa kuya kong dala dala ang lahat ng binigay sakin kanina.

"So anong gagawin ko dito? Itatapon ko ba?" nakasimangot na sabi ni kuya Clint. Eh halos di niya nga hawakan eh.

Humarap ako sa kanya na nakapamaywang. Hindi ko alam kung bakit nagmamaldita ako sa mga kuya ko. Trip ko lang ata.

"Hmmm. Baka ipamigay ko sa mga batang kalye. Or kakainin ko na lan--"

Tingnan mo naman nagsasalita yung tao eh!

"Pamigay mo na lang. Papamigay ko na lang din sa mga tropa ko." sabi niya na nakangisi.

"Wag! Baka sabihin binigay nga sakin tapos ibabalik mo lang. Iuuwi ko pala yung mga teddy bears." akala niya makakaisa siya sakin huh! Binigay na nga sakin tapos ibabalik ko pala ano to lokohan? Tumango na lang siya pero halatang ang dami niyang binubulong.

You're just too good to be true

Can't keep my eyes off you

You're feel like heaven to touch

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now