Chapter 17: Frozen.

3K 82 0
                                    

Mae's POV

Nagising ako ng mga 5:00 pm na. Tae! Di ko pa nga nasisimulan yung mga dapat kong gawin eh! Nakita ko naman si kuya Clint na nakaupo sa sofa ko at nanonood ng Frozen. Seryoso ba siya? -.-

"Oyoyoy! Hanggang ngayon ba Disney pa din pinapanood mo? Kalalaking tao mga prinsesa pinapanood! Saka san mo naman nakuha yan?" sabi ko.

"Oh! Gising ka na pala! Ah. Nakita kong nakasingit dito kaya tinry ko panoorin. Maganda naman eh ang cute ni Elsa! @.@"

"Hay nako! Bakla ka ata eh! Bukod sa pambata yan pambabae yan noh!"

"At least naman may mapanood ako. Ang papanget kasi ng iba mong cds."

Actually ayaw ni kuya Clint na mga Action movies, gusto niya yung mga Musical. Ewan ko dyan bading ata.

"Nga pala. Tulungan mo nga ako dito please?" nagpaawa effect pa ako para syempre matapos ko na to.

"Ahhh. Mamaya na. Kung gusto mo nandyan naman si Adam at Blaze." Kaya nga siya ang kinukumbinsi ko kasi siya gusto kong tumulong sakin!

"Kaya nga ikaw ang kinukumbinsi ko eh! Ayoko ngang magpatulong dun sa dalawang yun! Di kami bati!" sabi ko sabay Cross arms.

"Okay. Okay. Tatapusin ko lang ito. Nahanap na nila si Elsa oh!" sabi niya ng di nakatingin sakin. Tutok na tutok siya sa pinapanood niya kaya nakinood na lang din ako kasi di ko pa yan napapanood pinabili ko lang kasi sabi maganda daw pero wala akong time para mapanood.

"Waaaah! Ang ganda ng buhok ni Elsa! Gagayahin ko yan bukas!" detetminado kong sabi. Magpapaayos na lang ako kay Mama Mahilig kasi yun magayos lalo na ng buhok.

"Sabi ko sayo eh! Cute si Elsa!"

Nainggit ako sa buhok ni Elsa ang ganda sumusunod sa bawat galaw niya.. musta naman yung akin? -.-

Well, cartoon lang naman yan eh. Walang ganyan sa realidad noh! Masyadong Perfect para maging totoo.

"Kuya aminin mo nga Bakla ka ba? Ang hilig hilig mo sa mga ganyan eh. Pramis satin lang 'to kapag sinabi mong bakla ka nga!" tinaas ko pa yung isa kong kamay na parang napanata ako sa kanya. Bigla naman siyang tumawa.

"Mukha ba akong nagjoke? Seryoso ako uy!"sabi ko kasi di pa rin siya tapos tumawa.

"Hahaha! Ako? Bakla?? Hahaha! I love Music kasi. Saka ang ganda kaya ng Kanta sikat kaya yan sa Youtube madami pa ngang nagcocover ng kantang yun eh pati mga artista nakijoin na rin." tumango tango naman ako. Okay confirmed na hindi siya Bakla. Saka di naman ako Computer addict kaya di ako updated sa mga nangyayari sa social media. "Saka kaya nga ako may Banda kasi nga di ba I Love Music. At ako din ang Vocalist kaya mahal ko ang musika."

Eh bakit naman ako di ako magaling kumanta pero mahal ko ang Music! Purkit magaling kumanta mahal na ang musika? Pede bang gusto lang talagang kumanta?

"Ahhh. Kuya Ano na nga palang balita sa banda niyo? Di na ako updated ah? Wala ka ng sinasabi sakin." bigla naman siyang napayuko at napawi ang ngiti niya kanina lang eh abot langit.

"Bakit may problema ba sa banda niyo ngayon?" nagaalalang sabi ko. Kaya pala minsan nagkukulong lang siya sa kwarto niya.

"Ahh. Di mo na yun problema noh! Sa amin na yun." sabi niya at pinilit na ngumiti. Meron nga.

"Tell me. I am your sister remember? I want to know kasi mahal kita. Di mo kelangan ngumiti kung di ka naman masaya." and i hugged him. Bigla naman akong nakaramdam ng patak ng luha sa likuran ko. Naiyak ang kuya Clint ko...

Haharapin ko na sana siya pero he insist.

"No! I badly need hug. Thank you Princess.." sabi niya. Bago siya kumawala sa yakap ko, pinunasan muna niya yung mga luha niya.

"Ang Banda kasi namin... madidisband siya kung di agad kami makahanap ng bagong drummer within next week. We badly need a drummer kung hindi wala na ang Demonic Band. At ayokong mangyari sa banda ko yun. Si Francis kasi eh nangibang bansa at nagquit na kasi daw may iba pa raw siyang kelangang buhayin.." i smile. Next week pa naman pal eh.

"Oh? Eh ba't problemadong problemado ka? Yun lang pala eh."

"Hindi LANG yun Mae. We need a Professional not just a rookie. Pasikat na ang banda namin kaya kelangan namin ng isang drummer na mas magaling sa former drummer namin."

"I'll help." nabigla naman siya at nagthank you na.

Okay may 1 week pa naman ako eh. Sa dinami dami ng tinulong ni kuya Clint sakin dapat matulungan ko na din siya.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now