Chapter 18: First Crush

3.2K 97 1
                                    

"Hanggang kelan ba yan? Saka tuwing kelan? As much as possible gusto ko matuto agad ako ah? Gusto ko yung pinakamagaling magturo! Solo akong tuturuan pede naman di ba?" nanlilisik pa talaga yung mga mata ko para pumayag din siya.

"a-ahh. M-miss sandali lang po isa-isa lang po." tumango na lang ako at nagcross arms.

"I'm waiting." taas kilay kong sabi. Di naman talaga ako ganto no! Kinakailangan ko lang ng ganitong attitude. Hehe ^_^

"Ahhm.. pede naman po kayo magpaschedule kung kelan niyo gusto saka nandito po lahat ng mga magaling magturo sa amin." sabi niya sabay bigay sa akin ng isang list.

"Ikaw na ang pumili. Yung para sayo ay pinakamagaling sa kanila."

"Ah! Eto po magaling po talaga siya pero may problema.." tinuro niya yung pinakaunang pangalan sa list

Tinaas ko ang kilay ko.

"Ano?"

"A-ah.. Maikli lang po ang pasensya niya eh. Lalo na pag nagtuturo siya sa mga beginners pa lang."

"Magkano ang bayad? Wala akong pake basta magaling magturo pasado na." tumango tango siya. Halatang takot sa tono ng boses ko. Andito ako ngayon sa Xtreme, isang school para sa mga gustong matuto Magdrums o kaya para iimprove ang skills mo. Mukang alam niyo na nasa utak ko no?

Yung kinausap ko naman parang may kinausap sa telephone at tinatawag ata yung magtuturo sakin.

"Ah. Mam, pababa na daw siya maghintay ka lang daw po. Paguusapan niyo na lang daw po sa office niya. Tara na po punta na po tayo dun." grabe may office pa ah? Sabagay malaki laki nga naman itong Xtreme na ito.

Sumunod na lang ako, kahit papano naman may experience ako sa pagdadrums no! Nung highschool ako tinry kong maging drummer nila kuya kaya natuto ako nun pero 2 years na rin ako hindi nakakapagdrums kaya medyo limot na rin saka kaya lang ako nandito para mas maimprove yung skills kong yun. Alam niyo na, ako na lang papalit dun sa former drummer nimg banda ni kuya! :p

Alam ko naman na choosy yang si kuya Clint, gusto niya yung professional tapos syempre may itsura ayaw niya ng panget -.- Lahat kaya ng kabanda niya ang popogi tapos mga naggigym pa malamang eh may mga pandesal yung mga yun.

"Andito na po tayo." tumango na lang ako at umirap sa kanya narinig ko namang bulong niya

"sungit talaga nun. Maganda pa naman tsk!"

Well, sorry siya di niya makikita yung other side ko tse! di siya pasado sa taste ko puro hikaw akala mo babae!

Pumasok na lang ako kasi sabi niya hinatayin ko na lang sa loob.

Umupo naman ako sa malambot na sofa niya. Seriously? Eh mukang Condo kaya sa loob! Nilagyan lang ng lamesa eh! Ganito ba ang office? Tsk! Promise muka siyang condo. May Lamesa lang sa gilid at laptop tapos the rest muka ng condo may stairs pa na halata mong may kwarto sa taas. Kalakilaki namang OFFICE 'to!

"Tapos ka na bang magtingin tingin dyan? Tsk!" nagulantang naman ako sa nagsalita yung tipong napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Grabe naman! Wag kang nanggugulat dyan! Halos himatayin ako dito." tumawa naman siya.

"Hahaha! Oy tandaan mo estudyante ka dito."

"Leche! Feeling Close ka naman dyan pagusapan na nga natin." pumunta naman siya sa table niya at umupo sa swivel chair niya.

"Ganon? Di mo na pala ako naaalala ah?" aba! Malay ko dyan! Di ko nga siya mamukaan eh.

Inirapan ko lang siya.

"Okay. Okay. Di mo na ako maalala kaya magpapakilala na lang Ulit ako sayo tsk! Tae ka talaga sabi mo pa naman sakin dati ako ang first crush mo! Hmp!" nagtatampo niyang sabi. Weh? Utot niya! Niloloko pa ako neto. Pero lemme think sino nga ba ang naging first crush ko?

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon