Chapter 35: Do you like her?

2.3K 49 0
                                    

Habang nakahiga ako sa kama ko at pagulong gulong ay tinitingnan ko naman itong lalaking ito slash kahawig ko RAW!

Kahit anong titig ko eh di ko makita ang pagmumuka ko rito! Ang lalabo ata ng mga mata ng mga nagsabing kamuka ko 'to! Nagpakahirap pa akong i-operate yung printer namin (kahit na hindi ako ang gumawa). Na kailangan palang maginstall ng kung ano dun. Basta! Di ko naintindihan, si kuya Harry yung pinagprint ko, siya yung private technician namin yung mga tagagawa ng kuryente, computer basta tungkol sa electricity alam niya.

Sumuko na ako sa pagsuri sa picture na hawak ko saka itinapon ito sa basurahan...

De joke lang. Nagpakahirap ako kunin ito tapos tatapon ko lang? Ano akong timang?

Hirap kaya tawagan ni kuya Harry, daming appointments ng loko alam kasing nagtatrabaho sa SANDERSON lang naman, kaya tuloy ang daming nagpapagawa sa kanya.

Naglakbay na ulit ako sa Facebook para maghanap ng medyo hawig ko kasi kung hindi ako makakahanap ay nako! Dedlaks na ko neto. Sira ang plano at banda ni kuya Clint pagnagkataon... At hindi ko hahayaang mangyari yun, kahit magkanda labo labo ang mata ko basta makakita lang ako ng kahawig ko ay gagawin ko. Masunog at mabulag.... Ay sobra naman ata yun nuh? Wag na pala masunog at mabulag pwede pwede na yung lumabo yung mata. Dun na lang ako. Ge, hanap lang ako.

Kylie's POV

Pagkatapos ng pagkatapos ng klase ko ay agad agad akong pumunta sa room kung nasaan si Xed.

Para mukang astigin naman ang dating ko, isang strap lang ng bag ko ang nakalagay sa isang balikat ko. Diba astig naman.. diba? Nagtirik pa talaga ako ng buhok dahil ayon sa aking research ay nakakapagpaAstig kapag nakatirik ang buhok. Plus, leather jacket kahit na init na init na ako at pawis na pawis na ang kilikili ko.. Joke lang di ako pinagpapawisan promise. Sa poging kong 'to? Pinagpapawisan ang kili kili? Tol hindi, medyo lang..

Sa loob ng leather jacket ko ay puting sando para raw kapag may kaaway ka at sakto ay ganito ang porma mo ay kitang kita ang kamachohan mo kasi bago dapat magsimula ang away ay tanggalin dapat ang leather jacket saka ka makipagrambulan. Go lang hanggang mabangasan ka mas nakakaastig daw kung may sugat kapag nakikipagaway..

Yan pa lang naman ang nareresearch ko. Marami pa nga eh. Kaso di yun kasali sa gagawin ko.

Sumandal ako sa pintuan ng classroom nila at inilagay ko ang ma kamay ko sa magkabilang bulsa ng pants ko.

Talagang pinapahalata ko ang presensya ko sa iba. Dahil ayon sa aking research.. (ge ako na maraming ni-research. Talino ko nuh? Mainggit kayo dali!) .. Ay kung may hinihintay kang isang tao ay kailangan alam ng ibang tao iyon, at dapat kunwari naiinip ka na para makahalata ang ibang tao na wala ka sa mood makipagusap.

"Ehem. Ehem. Mr. Dominguez is that you?" bigla akong kinabahan dahil andito nanaman itong professor na ito. Saka ang dami kayang studyante! Nakakahiya tang*na. May klase pa pala tapos nagpapaCool pa ako, fail ang pagpapaCool ko pahiya ang inabot ko imbis na compliment.

Lumunok muna ako bago tumingin sa scary professor na ito.

Pinalabas ko pa rin ang confidence ko kanina para di halatang kinakabahan at napapahiya na ako dahil alam kog tumatawa na yung iba. Bakit ko pa kasing naisipang magpose dito sa pintuan? At talagang nagselfie pa ako sa lagay na ito, wala lang ang cool ng dating ko ngayon eh.

"Yeah? Bakit po?" inayos ko pa ang nakatirik kong buhok na matigas naman dahil sa gel na nilagay ko.

"What are you doing there? Are you waiting for someone?" tanong sakin ng baklang prof. Kaya lagi akong nagkacutting sa klase niya eh aba! Lagi kaya ako sinisimplehan niyan! Hawak dito, hawak don kung san san na humahawak! Buti nga at sa mga Biceps at Dibdib ko lang siya nakakachansing. Kung sumobra pa dun ay nako baka magkasapukan kami. Hindi naman ako makapagreport dahil ibabagsak niya daw ako sa subject niya major pa man din yun, baka di na ko papasukin ng magulang ko rito. Edi wala na ring 'Patagong sulyap kay Mae'? Hindi kasi ako makaporma dahil alam kong parang cctv yang mga kuya niyan, laging nakabantay ni hindi kumukurap. At syempre alam na alam ko yun dahil minsan na kaming nagsama. Oy, baka iniisp niyo nagtanan kaming apat ah? Yung parang close close ganun.

"No, I just want to check if this is the right room of my Girl. But I think, this is not the right room." hinawakan ko ang baba ko ng isa kong kamay at saka tumango tango.

"Wait, wait. Tama ba ang narinig ko? You're looking for a GIRL?" malisiyosong tanong niya. Akala ko lusot na. Nakita ko naman na parang tumahimik ang paligid at nakakita ako ng mga dissappointed na mga pagmumuka.

"Yeah, And she's not there so I gotta go!" huling sabi ko saka tumakbo papalayo.

Wala na akong nagawa kundi itext si Xed dahil hindi ako makatiis sa baklang yun. Yun talaga ang pinakaayaw ko eh, basta natatakot ako sa kanila hindi ko lang alam kung bakit, yung mga bakla ang tinutukoy ko ah.

To: Xed the stupido

Stupid its me, just meet me after your class in the lobby. I need to talk to you. Kahit ngayon na lang magcut ka na dyan sa baklang yan dahil wala ka ring matututunan dyan dalian mo.

SEND!

Naghintay lang ako ng ilang minuto at nakita ko na ang tumatakbong si Xed.

"Oh andito na pala ang Stupido." bati ko sa kanya na may nakakainis na ngisi. "Want a seat? Libreng libre walang bayad."

Tumango lang siya. At umupo na.

"I just wanna know if you... Do you like Mae?" mahinahon kong tanong.

Nagulat siya sa tanong ko at mabilis na umiling na may kasama pang hand gestures na ibig sabihin ay 'hindi'

"H-hindi ah! Ba-bakit mo naman nat-tanong?" palingon lingon siya kung saan saan at halatang kinakabahan dahil ilang beses na rin siyang lumunok at halatang pagpapawisan na.

"Wala lang. Kasi... Alam mo na, napapansin ko lang na ikaw lang yung lagi niyang nilalapitan at nakakausap kahit nakabantay ang alagad ng kuya niya. Saka sayo ko lang ito ipagtatapat ah?" ngumiti pa ako.

Tumango siya ng hindi nakangiti. Siguro naman kaya niyang gawin ano?

"Kasi ... Hindi ko alam kung bakit pero, hindi ko masabi kay Mae na mahal ko siya sa harapan. Alam mo na. Torpe." kunwari'y nahihiya kong sabi.

Oo alam kong pagsisinungaling lang ito pero hindi ko na ako makakapayag na wala nanaman akong gawin upang makamit ko ang kagustuhan ko. At alam kong ginagamit ko ang taong gusto ng aking minamahal...

"Uy, sandali lang. Di ba dapat ikaw ang gagawa nito? Bakit naman ipinapasa mo sakin?" naguguluhang tanong niya.

"Tutulungan mo lang naman ako. Parang eeksena ka lang tapos Boom! Ganun. Ako yung boom! Ah?"

Kahit alam kong napipilitan lang siya ay pumayag naman siya.

Umalis na ako ng pumayag na siya sa plano ko para bukas. Iniwan ko siyang magulo ang isip at nalulungkot doon sa upuan.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon