Chapter 20: Queen Joyce Parisian

3.1K 80 1
                                    

A.N.

Joyce ➠ ➠ ➠ (Kanna Mori)

May picture siya sa Multimedia.


Agad agad namang bumalik si Kylie na may dala dalang dalawang ice cream at pareho ng flavor.

"Hoy. Sabi ko isa lang!" umirap pa ako at nagcross arms.

"Bakit sinabi ko bang sayo itong isa? Alam ko naman kasing madamot ka kaya bumili na rin ako ng akin." aba't! Kelan pa naging mautak itong isang ito? Iinggitin ko sana eh *sigh* palpak ang evil plan ko -3-

"Aba aba ha? Infairness sayo, nagiging mautak ka na ah? Dati rati kawawang kawawa ka sakin at uto uto. Ngayon nagimprove ka na ah." sabi ko sabay tapik sa balikat niya at kuha ng ice cream sa kanya.

"Syempre ako pa!" kumindat pa siya sakin.

"o sya sya. Kuha mo na ako ng Kutsara." utos ko sa kanya saka ko binuksan yung TV niya nasa salas niya kami ngayon mamaya na ulit ako magpapraktis.

"Grabe ha? Di ka na naawa sakin. Pagkatapos kita bilhan niyan." tinuro turo niya pa yung ice cream ko.

"Ikaw naman ang nagdesisyon saka di naman kita pinipilit kusa ka kayang lumayas dyan kaya panindigan mo na ikuha mo ako ng kutsara!" pasigaw na utos ko.

"Opo MA'AM! Nahiya naman po ako kasi bahay ko ito." he smirk. Tumawa na lang ako yung devilish laugh dahil nautusan ko nanaman siya. Kaya ko yan nagustuhan eh, wala akong pinoproblema pinapasa ko kasi sa kanya haha! Lalo na kapag mahihirap ang assignment. Matalino naman yan eh Bobo nga lang pagdating sakin. ˋ0ˊ

Oo na. Alam kong ang Mean ko sa kanya, bakit mabait ba siya sakin? Di naman ah!

Kinuha ko muna yung laptop niya. Alam ko ang FC ko, e nakakatamad manood eh napakatagal pang kumuha ng kutsara ni Kylie akala mo naman eh kay layo layo ng kusina niya.

"Ang bait ah? Walang password ang laptop." nasabi ko na lang. Sila kuya kasi may password pang nalalaman sa mga laptop nila ayaw pa ipahiram sakin. Naku kung alam ko lang baka puro porn yon lalong lalo na si kuya Adam ewan ko lang kay kuya Blaze masyadong seryoso yun eh pero syempre lalaki din siya alam kong may pangangailangan din yun. Haha! O sya tama na nga ang usapan ganon.

Nagopen ako ng FB ko kasi may wifi naman siya.

"Ano yan ah?!" sigaw niya. Kung makasigaw parang babae eh. Nakakabingi. -.-

"Ito naman. Parang hinihiram lang eh. Wag kang magalala di ko gagalawin yung videos." baka may porn eh.

"Hoy, hoy! Wala akong porn dyan pinagiisip mo ha! Buksan mo pa." naku kung alam ko lang dalawa laptop neto yung isa ang may password kasi andun ang porn niya. Alam ko ugali ng Kurimaw na 'to.

Kinuha ko na lang ang kutsara sa kanya at nagsimulang lantakan ang ice cream ko.

"Wala raw porn. Kung alam ko lang may extra laptop ka." bigla naman siyang namula meaning tama ako. Haha! Ang dali dali naman niyang basahin.

"D-di no!" pagdideny niya eh halatang halata na ho. Wag na lalong ipahalata.

Nagkibit balikat lang ako. Nananahimik na nga ako eh ayaw pang maniwala na naniniwala nga ako sa kanya.

"Wala nga sabi akong porn dun!" pamimilit niya pa.

"Wala akong sinasabing meron ah? Sabi ko lang may other laptop ka." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya at tuloy tuloy lang ako sa pagkain ng ice cream di bale ng tumaba at least hindi gutom.

"Tsss.. Eh mukang di ka naman naniniwala sakin eh."

Pano naman ako maniniwala eh di naman siya kapanipaniwala. Diba? Diba?

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now