Chapter 60: Hate vs Love?

2.2K 41 4
                                    

2 years and 5 months and 4 weeks and 3 days and 10 hours and 4 minutes and 2 seconds later..

(wahaha pampahaba lang :P ito na nga lang.)

2 years later...

"Asan ba yung Daylan na yun?! Ang aga aga wala sa pamamahay namin?!" inis kong sabi.

Ilang months na rin kasi kaming naglilive in ni Daylan. Walang milagrong nagaganap ah? Baka kasi kung ano ano pinagiisip niyo.

Pinili kong sa village kami maglive in ni Daylan dahil ang boring naman kung sa condo kami.

Lumabas ako para magpalamig ng ulo. Kalalabas ko pa lang at hindi pa ako nakakalanghap ng sariwang hangin ay sinalubong na agad ako ng mga batang naglalaro.

"Goodmorning po ate Mae!" sabay sabay nilang bati sa akin.

"Goodmorning din. Ang aga aga ang dudungis niyo na, di pa ata kayo nakakapagalmusal." pangaral ko.

Napanguso sila. "Ang aga aga rin ate Mae tapos pangaral niyo pa ang babati sa amin. Daig niyo pa ang nanay namin. Hahaha. Sige po laro muna kami, si kuya Daylan po madaling araw pa lang umalis na e. Hindi po namin alam kung saan po siya nagpunta." namula si Yan-yan, ang pinakabibo at pinakamakulit sa kanila.

"Ganun? O sige lakad na maglaro na kayo." ngumiti ako sa kanila bago sila tumakbo papuntang parke.

Hindi pa pala ako nagigising umalis na siya?! At saan naman yun nagpunta?! Pasalamat siya at napatawad ko na siya sa pagalis niya dahil pinagluto niya ako ng umagahan.

Kanina ay sinubukan kong tawagan si Daylan pero hindi naman niya sinasagot, tinitext ko rin siya ng maraming beses pero ni isa ay wala siyang reply. Nakakainis dahil hindi naman siya ganto sakin. Dati kahit tuldok ang itext ko magrereply siya.
Lagi siyang tumatawag sakin para i-check kung okay ba ako.

Nagbihis ako at naligo para pumunta sa trabaho. Nagtataka nga ako dahil sabi ng boss namin hanggang 12 lang daw ang time ko at 7 ang pasok ko. Eh 6 pa lang naman at walking distance lang ang office na pinapasukan ko.

Maaga akong natapos sa pagtatrabaho dahil magaan lang ang binigay sakin ngayon pinagayos lang ako ng papeles, 1 oras ko lang yun ginawa. Tinanong ko pa ang manager kung may iba pa ba akong gagawin pero ang sabi niya yun lang daw kitakits na lang daw bukas. Mula sa entrance ay hindi na nila ako tinantanan ng ngiti at congratulations.

Kahit nagtataka ay nagpasalamat na lang ako at ngumiti. Ang wirdo ng mga tao ngayon ah.

Lalo akong nagtaka ng pagtapak ko sa village ay wala ni isang tao sa paligid, andun lang yung guard at binati ako. Bakit nawala ang mga tao? Nakakatakot tuloy. Pinagtaasan ako ng balahibo dahil mukhang haunted village ngayon iyong village namin dahil tanging hangin lang ang nagpaparamdam sa akin.

Nagmadali akong pumasok sa bahay namin at inilock ang pinto. Malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Bakit naman ganun katahimik?" sabi ko sa sarili ko. Inilabas ko ang cellphone ko para itext si Daylan. Nanginginig akong pumindot.. Bigla kong nabitawan ang aking cellphone ng may kumatok sa pintuan.

Sinilip ko muna sa peephole kung sino iyon at nakita ko ang kapitbahay namin na si Gail na ngiting ngiti.

Binuksan ko lang ng bahagya ang pinto dahil hindi naman kami masyadong close nitong si Gail.

"Hi!" bati niya.

Ngumiti naman ako. "Hello. May kailangan ka po ba?" tanong ko.

May inilahad siyang isang picture ni Daylan na nasa bar at nagsasayaw.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now