Chapter 12: True feelings.

3.9K 78 1
                                    

Mae's POV

Nasa bahay na ako at may himala ata kasi walang sumalubong na tatlong lalaki samin. o.O

Nakakapagtataka? Nagtip toe pa nga kami ni Mama kasi akala namin eh nakaabang na sina kuya sa Front Door kaya nagtiptoe kami ni Mama sa Back Door, pero pagpasok namin ang tahitahimik ng bahay at wala sa Front door sila kuya si Papa alam naman naming busy yun kelangan niya kasi ngayon na makipagcooperate sa isang client para makapagnegotiate na sila sa companya namin.

"Asan kaya ang mga kuya mo?" tanong sakin ni Mama. Malay ko! Eh magkasama kaya kami! Pano ko malalaman?

"Hindi ko din alam. Baka hinahanap pa din ako. Pero well, buti nga yun para makapagpahinga na rin tayo at wala pang leksyon ngayon. Saka Ma, Nagtataka ako kung bakit nila ako hinahanap eh di ba nagpaalam.ka?"

Bigla naman siyang nagpawis kahit na airconed ang bahay namin. At bigla na rin siya namutla.

Sabi na at di nagpaalam si Mama eh -.-

"A-ahh. T-tara inaantok na ako o-o! Pwew!" sabay karipas niya ng takbo sa kwarto niya.

Tss. Naglakad na lang ako sa kwarto ko para magpahinga na rin kumain nanaman kami ni Mama dun kila Daylan kaya busog na ako. Saka may pasok kaya ako bukas! Linggo na nga ngayon eh. Masyadong maraming nangyari nung sabado! At di ko namalayan na may pasok papala ako. 5 araw na lang Party ko na.. Sa totoo lang sabado siya icecelebrate pero friday talaga ang birthday ko. Siyempre may pasok kasi ako ng friday at kung friday ko icelebrate take note February 14-Valentines Day. Baka di magpunta sa party ko ang ibang mga magsyota! Syempre magdedate yang mga yan! Hindi naman ako bitter syempre alam ko yan kahit mayaman kami hindi naman ako ganun kainosente may alam pa rin ako sa mundo kahit papano kasi hindi naman all-girls school ang pinapasukan ko. Pinilit nga ako nila kuya na sa all-girls school na lang daw ako magaral syempre tumanggi ako. Ayoko nga dun! Puro Bitch, Brat at hindi mawawala ang mga Nerds. Wag na lang noh! Wala atang matinong tao dun tapos pagnakakakita pa ng lalaki nagwawala na. -__-

Kaya ako na ang pumili ng School ko. Syempre kung saan ang Bestie kong si Angel dun ako. Pareho kami ng Course na kinuha pareho kaming Tourism, Flight stewardess.

By the Way, 2nd year college na po ako di ba nga mag-18 na nga ako? Saka si kuya Clint naman 4th year college na ngayon gagraduate na siya sa March siguro magtatayo yan ng sarili niyang restaurant culinary kasi kinuha niya basta yung cooking. si Kuya Adam Engineer. Si kuya Blaze Doctor. Ang tatalino talaga nila ako? wag niyo.ng tanungin hindi naman ako matalino pero hindi rin ako bobita . Sadyang hindi ako kasing tatalino nila kuya.

Average lang ako sila higher average.

***

Pinatay ko na ang alarm clock ko kasi sobramg ingay. Bumangon na din ako at naligo kasi hindi na ako makatulog grabe inaantok pa ako.

"Yaawwn!" kinusot ko ang mata ko para magising ako ng konti.

Habang nagshashower ako nakapikit pa rin ako inaantok pa talaga ngayon! Gusto ko umabsent malapit nanaman birthday ko eh.. Hehe ginawang excuse daw ba yung birthday ^_^v

Nang narealize ko na 6:30 na, (nakita ko kasi sa orasan ko sa loob ng banyo) Agad agad akong tumayo at naligo. Papagalitan ako ng Prof ko neto eh! Pinakaayaw ko pa naman yung first subject ko dahil sa prof na yun! Ako kasi laging pinagiinitan! Umagang umaga ako binubulyawan! Ganun yun eh kaya lagi na langbakong nagmamadali 7:00 kasi ang pasok ko.

"Taeness. Ano ba naman to sumasakto yung katamaran ko sa panget na prof! Aist!" sabi ko

Habang nagbibihis na ng Damit ko. Pink Blouse lang saka Jeans. Wala namang uniform eh saka kahit anong suutin mo pwede bawal nga lang yung masyadong revealing, yung tipong konting galaw mo lang mapupunit na yung damit mo o kaya yung mga parang nakabra't panty ka na lang.

Bumaba na ako para kumain ayoko ngang mamatay sa gutom! Konti lang naman ang dala ko kasi halos nasa locker ko lahat ng gamit ko. Cellphone At pera lang dala ko kasi minsan pag may pinapagawa sa school ko na mismo ginagawa para wala ng daladala pa.

"Goodmorning Princess!" sabi ng mga kuya ko at isa isa silang humalik sa noo ko pwera lang kay kuya clint sa cheeks siya nahalik sakin.

"Morning! :D Ang ganda ata ng umaga niyo ah?" nakalimutan na ata nila yung ginawa namin kahapon ni Mama. Sana nga.. @.@

"Oo. Masaya talaga wag mo ng itanong hehe." sabi ni kuya Clint.Kahapon pa ako nagtataka sa kanila ha?

"Tara na kuya Clint!" sabi ko kasi parehas lang kami ng University na pinapasukan.

"Okay! Coming up! Mauna ka na muna may nakalimutan lang ako eh." tumango na lang ako at sumakay na lang sa kotse ni kuya Clint.

Binuksan ko yung Aircon at tinutok sakin. Tutulog muna ako malayo layo naman yung school eh kaya iidlip lang ako ng sandali..

...

"Princess nandito na tayo dalian mo! 6:45 na!" nabigla naman ako kaya napamulat at napatayo agad ako. Sumakit tuloy yung ulo ko.

Si Kuya kasi eh!

"haist! Wag mambibigla naman oh! Sakit tuloy ng ulo ko!"

"Hala! Sorry! Tara dalhin na lang kitang Clinic!" at ayun na nga sabi ko wag na akong buhatin binuhat pa rin ako papuntang clinic baka daw kasilalong sumakit ang ulo ko pag naglakad pa ko.

Nilagyan na lang ako Nurse ng ointment at minassage ko na lang yung ulo ko. Nabigla lang daw yung system ko kaya sumakit yung ulo ko.

"Thank you po!" ngumiti na lang at tumango yung nurse. Halatang may Crush kay kuya Clint eh!

Hinatid na lang ako ni kuya Clint sa Room ko at bawat madadaanan naming babae halos hindi na tanggalin ang titig sa kuya ko.

"Hayy nako! ArAw araw na lang silang ganyan di na nagsasawa!" sabi ko

"Hayyy.. hirap talaga maging gwapo ano?" sabi niya sabay hagalpak.ng tawa. Yabang.

Pumasok na ako ng Room ko at nagpaalam na sa kuya ko. May klase din yan!

"MAE! muntik ka ng malate ah! Buti na lang napaaga ka ng 5 mins! Kung hindi kukuyugin ka nanaman ng panget na prof na iyon!" siya ang bestfriend ko. Siya lang yung nagiisang tapat sakin madami kasi dyan gust lang akong maging bestfriend para sa kasikatan at pera ko. Si Angel lang ang natatangi sa kanila wala siyang kelangan sakin ang gusto niya lang talaga ang maging Bestfriend ako. Siya si Angel Villanueva at may kuya din yan kaso Graduate na si Sean Antoine Villanueva. Ang galing ngang magdrums yun eh! May banda kasi yung kuya ni Angel at papasikat na yun kasabay ng pagsikat ng banda ni kuya Clint. Mas matanda lang yung Sean kay kuya Clint ng 1 year kakagraduate lang ni Sean last year kaya magkakompitensya sila sa banda lalo na at parehong school ang pinasukan nila. Ang pangalan ng banda nila Sean ay Angel's Band kila kuya Demonic Band. O diba pangalan pa lang magkasalungat na.

"Oo nga eh. Ano bang meron ngayon at parang ang daming kumpulan dito?" napansin ko kasi pagkapasok ko na kumpol kumpol yung mga tao may pinauusapan yata.

"Ahhh. May nagtransfer daw kasing Gwapong lalaki. Kaya ayan pinagtsitsismisan nila. Nung sabado pa yan mga tsimosa talaga! Ang bilis ng balita sa kanila."

Seriously? May magtatransfer pa ba sa ganitong panahon? Eh magmamarch nA kaya!

"Balita ko ang pangalan niya..."

"MAE! Sabi ko sayo nagtransfer na ako eh *wink*" O.O

Lumapit siya sakin at yumakap.

"KILALA MO SIYA?!" sigaw na sabi ni Angel. Grabe sabog na eardrums ko. -.-

"Ahh. Oo nga pala suitor ako ni Mae."

There faces is just like this → O.O *Gulp* bago pa pala matapos ang year na ito may di inaasahang mangyayari...

A/N:

Angel Villanueva in Multimedia ---> (Nozomi Sasaki)

Kung gusto niyo lang maimagine kung anong itsura niya ayan naglagay ako ng pic :D

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now