Chapter 55: Love for Her

1.2K 36 3
                                    

Hinalkan niya muna ako ng halik sa mainit kong noo at ngumiti na lang ako sa kanya dahil feeling ko baldado ako at hindi makagalaw.

"Loko ka.. Akala mo naman makakalabas pa ako sa lagay kong ito.." mahina kong sabi. Napatawa ako ng mahina rin. Ngumiti lang siya sakin.

"Sinasabi ko lang. Baka kasi kung ano ano ang gawin mo habang wala ako--" pinutol na ni kuya Blaze ang sasabihin pa sana ni Daylan at hinila na siya upang palabasin. Nagpapapigil pa nga siya para ngumiti lang sakin. Haha kahit kelan talaga yun.

Narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pintuan. Pumikit na lang ako, nagbabakasakaling antukin.

Minasahe ko ang ulo ko dahil ang sakit talaga at nakatulong naman ito kahit kaunti lang.

"Let me." rinig kong sabi ni kuya Clint. Nasa tabi ko pala siya. Mahina akong tumango at hinayaan siyang imasahe ang ulo ko.

Dinilat ko ng konti ang mga mata ko at nakita ko namang nandun si Mama at wala ng iba.

"Mae naman eh. Alam mo naman na nagkakaganyan ang lagay mo kapag masyado kang expose sa mga computers e." paalala ni Mama sakin.

"Pero hindi naman siya computer Ma. Video Game." palusot ko pa.

Napairap siya at para bang sinasabi niya sa mga titig niya "obvious ba? Tss."

"Haha matigas lang talaga ang ulo Ma. Wala ka ng magagawa dun. Ganyan din naman ata kayo dati." sabi ng natatawang si kuya Clint.

Napaiwas na lang ng tingin si Mama at namula.

"Paki mo. Hay nako si Edwardo nagkukwento nanaman!" padabog na umalis si Mama narinig ko pa siyang tinatawag si Papa.
Haay. Kawawang Papa bugbog sarado nanaman.
Ayaw kasi ni Mama na malaman namin ang mga kalokohan niya dati dahil nahihiya siya, feeling niya daw ang dami niyang pagkakamali at ayaw niyang maramdaman yun kaya nga ayaw niya na magbanggit ng nakakahiyang bagay o kalokohan na ginawa niya dati. Ewan ko ba kay Mama dahil alam ko naman dahil sa mga kalokohan at pagkakamali niyang yun ay dun siya natuto nakapagbigay ng aral at higit sa lahat ay dahil doon ay nakilala niya ang Ama namin.

"Ano yang nginingiti ngiti mo ha? Si Daylan nanaman ba? Nakakainggit na yan ha. Siya na ang lagi mong iniisip at pinapansin." nagtatampo niyang sabi.

"Hindi ko naman kayo ipagpapalit e. Kayo pa rin ang pinakamahal kong mga lalaki sa mundo. Kayong tatlo saka si Papa." nakangiti kong sabi.

"Totoo ba yan? Baka naman sinasabi mo lang yan para mapagaan ang loob ko." ngayon nakapout naman siya at hindi mapigilang ngumiti.

"Syempre naman kuya." niyapos ko na siya at nakaradam na lang ako ng antok.

"Sweet Dreams Mae." huli kong narinig bago ko naramdaman ang antok.

***

Clint's POV

Inayos ko ang pagkakahiga ni Mae baka kasi paggising niya sumakit ang kanyang leeg. Inihiga ko siya ng maayos at kinumutan. Huli ay hinalkan ko siya sa noo at ngumiti.

Iniwan ko siya dun na mahimbing na natutulog na may ngiti sa labi.
Talaga ngang mahal na mahal niya ang lalaking iyon.

Dahan dahan kong sinarado ang pinto.

"Ma. Go to Mae's room. Please." seryosong sabi ni Blaze.

Napanguso si Mama. "Eh bakit kayo lang dapat? All boys talk 'to ganun??"

"Yeah. So go now to Mae's Room." utos ni Blaze napangusong sumunod na lang si Mama at nilock ang pintuan.

"So Jace ano bang pakay mo?" panimula ni Adam. Diretso lang ang tingin niya kay Jace (Daylan's Brother)

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now