Chapter 25: Make her Happy

2.5K 78 1
                                    

"Waaaah! Sino kaya ang hinihintay ng Hot na guy na iyon?! OmyGosssh! Makalaglag panty ang hotness niya grabe!!" sabi ng isang babaeng hula ko gagradute na. Kinagat niya pa ng todo ang labi niya.

"Gossh! Is he available?? Wala na akong pakialam kung meron man!" tumili pa ang babae.

Kalalantod naman nitong mga ito. May gwapo daw kasi sa gate at kaiingay nila at todo tili pa.

Wala ako sa mood ngayon kaya tuloy tuloy lang ako maglakad papuntang gate. Siguro naman nakaabang na yung kotse ni kuya Clint.

"Hoy. Ako na maghahatid sayo." sabi ng lalaking nasa likuran ko. Hindi ko yun pinansin dahil baka hindi naman pala ako ang kinakausap edi lugi pa ako?

Nagtuloy tuloy lang ako lumakad papuntang gate at hindi ko nakita ang kotse ni kuya Clint.

"Mamaya pa yun dadating no. Kaya ako na maghahatid sayo. Nageffort pa akong pumunta dito o. Tapos dedma ang kagwapuhan ko?" lumingon ako sa likod dahil mukang ako naman ang kinakausap niya.

"Ano-" eto ba yung nageffort? Eh nakasando at short pants lang siya eh! Pambahay lang nga yung suot niya! Tapos ano tong pinagsasabi niyang effort?!

"Ano tapos ka na bang tumitig sa katawan ko? Ikaw lang pinapakitaan ko niyan." pagmamalaki niya. Pinakita niya pa ang muscles niya. Hot pala siya kahit papano 'no?

Bakat na bakat ang 6 pack abs niya na hula ko ay galing sa pag-gygym, at nakabalandra rin ang biceps niya. The hell! At nakuha niya pang magsuot ng ganyan sa harap ng maraming babae ha?!

Hinila ko na agad siya dahil pinagpipyestahan na siya ng tingin ng mga babae at mga beki. Habulin ng bebot ang isang ito! -_-

"Kung gusto mo akong ihatid dalian mo." hinila ko pa siya ng todo para makatakas na kami sa mga bebot na kanina pa nakatitig sa kanya.

"Saka bakit ba nakasando ka lang? Alam mo bang marami ng nakatitig sayo? Sa susunod nga magbalot balot ka ha!" pangaral ko sa kanya.

"Aww.. natouch ako sa pagiging protective ng Girlfriend ko. How touching nakakaiyak." nagkunwari pa siyang umiyak. Binitawan ko siya.

"Excuse Me?" nagcross-arms ako at pinagtaasan siya ng kilay.

"Sabi ko nga, nililigawan pa lang." nakanguso niyang sabi at nagiwas ng tingin. Inilahad niya naman yung kamay niya sakin.

"O ano yan?" nagtataka kong tanong.

"Hawakan mo na lang ulit, hindi na ako iimik promise." nakapout pa rin siya at medyo namumula na din.

"Ang kapal din talaga ng muka mo no? Asa ka!!" nagmartsa ako papunta kung saan lang, nanghuhula kung anong kotse ba ang gamit niya kaso napansin kong di naman siya sumasabay sa lakad ko.

"Hoy. Gumalaw ka dyan." sabi ko.

"Di ko kasi alam kung san ka papunta eh. Eto lang naman ang kotse ko oh." turo niya sa kotseng sinasandalan niya.

Bwiset. Napahiya pa ako dun ah?

Nahihiya akong lumapit sa kotse niya at binuksan ang front seat pero nakalock.

"Maghintay ka kasi. Parang araw araw may gera eh madaling madali ka." pinatunog na niya ang sasakyan at binuksan ko na ulit ang front seat.

Nakabusangot akong umupo at tumingin sa bintana ng kotse niya.

"Wala kang balak kausapin ako?"

Pagkatapos mo akong pahiyain?!

"Ihatid mo na lang ako." narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Sorry na. Hindi ko to paaandarin hangga't di mo ako pinapatawad." kaya pala parang di kami gumagalaw yun pala hindi pala talaga naandar.  ̄︿ ̄

Aircon lang kasi ang iniintindi ko kapag nasakay ako ng kotse.

"k. Paandarin mo ng letse ka!"

Hindi niya pa rin pinapaandar at nairita na talaga ako.

"Papaandarin mo ito o bababa ako." hinawakan ko ang handle at akmang bubuksan, pero hindi siya natakot sa banta ko.

"Hindi mo pa ako napapatawad eh. Sorry na kasi. Hindi na po mauulit promise! Hindi na ako magsasando dahil tamad akong magpalit ng damit-"

"Dahil tamad ka lang magpalit ng damit kaya nakasando ka?" mariin kong sabi.

At napalunok siya na parang natakot sa akin.

"H-hindi na po mauulit promise! Magpapakabait na po ako!" natatakot niyang sabi.

"Pwes, iuuwi mo na ako. Ngayon din!" Agad agad niyang binuksan ang makina ng kotse.

"Aye! Aye! Master!"

"Good." tinapik tapik ko ang ulo niya na parang alagang aso. Napangiti na lang ako dahil nakakaenjoy pala na may alagang asong ganito kalaki XD

"At least you're happy now. Kahit magmukang tanga o panget ako sa harap ng maraming tao, gagawin ko mapasaya ka lang. Makita ko lang yang nakakabulag mong mga ngiti. Hahaha!" binatukan ko nga ayos na sana eh. Nilagyan pa ng tawa. Tawanan ba naman ako?!

"Pero seryoso, hindi lang nakakasilaw ang ngiti mo, Nakakabulag kasi. Nabulag nga ako eh, wala na akong ibang makita bukod sayo." natameme ako sa sinabi niya at sinabi kong gisingin niya na lang ako kung nandun na kami sa bahay namin. Ayoko ng makipagusap baka wala lang akong masabi.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now