Chapter 10: Hide and seek -.-

5.2K 107 3
                                    

Mae's POV

"Ah! Wait lang.." sabi ko.

First date ko kasi to eh. FIRST date. Kaya kinakabahan ako. Feeling ko nga baka minu-minuto ako uutot parang kinakabag ako. Tae. Wag sana ngayon! >_< Makisama kang pwet ka!

"Bakit?" Lumingon siya sakin na nakangiti. My Ghaaad! Sasabog na ko dito tapos siya relax na relax lang ha? Siguro madami na siyang experience =_=

"Ahhh. Di kasi ako sanay eh Alam mo naman na FIRST date ko toh kaya medyo ilang kasi naman tayong dalawa lang.." pinangangalandakan ko talaga yung First

"Wag kang magalala. Andito naman ako saka ang date dapat masaya. Uuwi kang may ngiti sa mga labi mo i assure you that you won't forget your first date." sabi niya sabay kindat with matching killer smile. Nakooo! Magiging sindikato to! Baka mapatay niya ako sa KILLER smile niya. ≧◇≦

"okay tatry kong pakalmahin ang sarili ko."

"Don't try. Do It."

Pinakalma ko ang sarili ko bago pa man kami makapasok sa Mall. Agad naman akong kumalma at kinalimutan kong date to para di ako kabahan. Dapat masaya lang. Tama dapat---

"Tago tayo dun dali!"

"Hu--?" Bago pa man ako makapagsalita hinila niya na ako sa isang fast food restaurant madami kasing tao. Teka nga sino ba pinagtataguan namin?

"Bakit ba tayo nagtatago?" tumingin naman ako sa kanya at muka siyang sindikato na hinihintay yung biktima niya. Hahaha!

"Huy! Pfffft! Wahahaah! Di ko na mapigilan putek! Hahahahaah!"

"Shhh! Nakita ko kasi yung isa sa mga kuya mo eh yung pinakamatangkad."

Ahh. Si Kuya Clint. Siya yung pinakabata pero siya pinakamatangkad kasi nga di ba varsity yun dati nung highschool pa lang siya at nung college din. Tapos araw araw siyang nagbabasketball, meron din kasing malapit na basketball court sa bahay namin  naglalaro siya dun kapag wala silang Gig. Si kuya Adam naman di mahilig yun, sa Babae lang mahilig yun. si kuya Blaze, sa libro naman siya mahilig. Galing mga kuya ko noh? May sari-sariling talent. Ako kaya meron din? Anong talent naman? Hindi naman ako marunong magsayaw, hindi rin ako masyadong magaling kumanta, hindi din ako marunong sa mga instruments, may utak nga ako pero tatanga tanga pa rin pero hindi naman ako Bobita. Hmmmm. Sa pagarte kaya? Wahahaah! As if naman na marunong ako -__- Sa pagdodrawing naman wala din akong future dyan! Kung hindi stick man, Bubble Man. Okay tama na sa pagiisa isa ng Hindi ko kayang gawin kasi ang alam ko lang huminga, kumain, matulog, maligo etc..

Pasensya di ko pa nadidiscover ang talent ko! Malay mo may talent pala akong magluto. Wahahahaha! Mga prito nga lang ang kaya ko eh.

"Si kuya Clint yun. Si kuya Blaze yung pinakamatalino at pinakamatino sa kanila siya yung nakasalamin. si Kuya Adam yung pinakamatanda sa kanila mapapansin mo yung playboy look niya laging may bagong porma yun pag nakakita siya ng chiks saka yung buhok niya ang lagi mong mapapansin dun lagi siyang nakahawak sa buhok niya eh. si Kuya Blaze naman laging nakaayos ng salamin niya. si kuya Clint naman kung makatakbo yun o kaya jogging lang mapapansin mong basketball player. O ang dami mo ng alam sa kanila ha? Gusto mo magkwento pa ako eh. Saka alam mo..." pabitin na sabi ko. Hahaha! Muka kasing interesadong interesado sa mga kuya ko eh.

"Ano?"

"NAKAKANGALAY DIN KAYANG TUMAYO ANO?! UPO NAMAN TAYO!" kanina pa kasi kami nakatayo dito. Halos di ko na alam kung nakailang pose ng tayo ang nagawa ko.

"Ay! Sorry naman. Masyado lang akong nagpanic nung nakita ko yung isa sa mga kuya Mo. O sige dito na lang tayo kumain kasi alam kong hinahanap ka nila. Saka hindi nila tayo mapapansin dito dun tayo oh." sabi niya. Bakit naman siya magpapanic? Pumunta kami sa may gilid dun sa may sofa.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon