Chapter 50: Invisible Date

1.6K 33 10
                                    

Mga 1:15 pm ako nakarating sa plaza. Hingal na hingal pa akong umupo sa mga benches dun.
Kukuhanin ko pa lang ang cellphone ko para magtext ng may humawak sa balikat ko.

"Ay tae!" lumingon ako sa gumulat sakin at buti na lang si Daylan lang iyon.

"Akala mo mga kuya mo no?" halos mamilipit na siya kakatawa habang nakaupo sa tabi ko.
Ako naman ay todo simangot sa ginawa niya. Halos di ko na nga alam kung san ako pumupunta kanina e! Para lang makapunta rito. Taena talaga tong lalaking ito ano?

"Tawa tawa ka pa dyan ah! Etong sayo!" sinuntok ko siya sa tiyan niya at tumigil na siya kakatawa.

"Kunwari ka pa e. May nalaman ka pang pasuntok suntok sa tiyan ko. Nahihiya ka lang sakin e, gusto mo lang hawakan abs ko nu?" naniningkit ang mga mata niya tila tinutukso ako, malaki rin ang kanyang ngiti sa kanyang mukha.

Napairap ako sa kanya "Tse! Assuming kang hayop ka!" ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya hindi ako makatingin sa kanya.

Kunwari pa siyang napabuntong hininga. "Dapat sinasabi mo na lang pinapahirapan mo pa sarili mo. Yieeh!" sinundot sundot niya pa ang tagiliran ko. "Akin na nga yang kamay mo."

Kinuha niya ang kamay ko at bigla ko yung hinila ng pinapunta niya yun sa bandang tiyan niya.

"Watdahek?! Bastos ka talagang hayop ka!"

"Hindi ako hayop Mae. Bagay ako. Bagay ako sayo. Yieeh! Hahahah." napanguso nanaman ako dahil sa pinipigilan kong ngiti.

Tssss. Kahit na sobrang lumang luma na nung sinabi niya feeling ko kakarinig ko pa lang nun.

"Korny mo." sabi ko, pinipigilan pa rin ang ngiti.

"Sus. Napapangiti ka na nga oh." sabi niya. Ang laki nanaman ng ngisi niya at pati ang mata niya napapangiti rin.

"Nakakainis ka alam mo ba yun." ngayon hindi ko na pinigilan ang pagngiti dahil masakit sa panga.

"Hindi. Nakakainis pala ako?" kunwaring inosente niyang sabi. Tinuro niya pa ang sarili niya. "Kung nakakainis ako sayo. Ayaw mo na ba sa akin? Dahil nakakainis ako?"

Oo nakakainis ka nga pero gusto ko ang ugali mong yun. Umiling na lang ako at ngumiti.

"Daylan halika rito!" hinila ko na agad si Daylan dahil nakita ko ang mukha ni kuya Blaze. Nagtatago kami ngayon sa may mga puno.

"Game na. Dito na ba?"

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Ha? Anong dito? Anong game?" kumunot ang noo ko sa kanya.

"Sabi mo halikan tayo. Kaya tayo nagtatago sa puno diba?" sabi niya habang ngumunguso.
Napahilamos na lang ako ng mukha at napasimangot.

"Tae ka! Alam kong narinig mo kung anong sinabi ko. Halikan ka dyan! Ayan halikan mo yung puno!" ingungudngod ko na sana ang mukha niya kaso napagisip isip kong baka masugatan ang mukha niya. Kasalanan ko pa.
Kaya konting inches na lang ay magkakhalikan na talaga sila ng puno.

"Muntik na yun ah. Akala ko talaga makikipaghalikan na talaga ako sa puno." sabi niya.

"Kaya wag mo akong iinisin dahil iba ang nagagawa ko."

"Sorry na boss." yumuko pa siya na parang ako ang bossing niya. Tinaas ko ang kilay ko at nagcross arm.

"Aba dapat lang."

"Pero pwede po bang manligaw ang alipin sa boss niya?" tila nagtataka niyang sabi. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Ay sorry boss. Mali atang magtanong sa boss ko." yumuko siya. At kita ko. Kitang kita ko ang ngisi niya kahit na nakayuko ang walangya na to.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon