Chapter 52: Being a good Girlfriend

1.1K 31 2
                                    

Napaluha ako sa pagamin ng kanyang nararamdaman.

"Totoo ba yan? Totoo ba ang pinagsasasabi mo?" halos pahikbi kong sabi.

Niyakap niya ako ng mahigpit at wala akong ibang magawa kundi ang mapaiyak sa sobrang saya.

"Alam mo ba--"

"Hindi ko alam."

Ginulo niya ang buhok ko ng pabiro. "Loko. Alam mo ba na sobrang saya ng nararamdaman ko? Kasi sa wakas nailabas at nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin." kumikinang ang kanyang mga mata habang sinasabi yun.

"At alam mo rin ba na pareho tayo ng nararamdaman? Malamang di mo alam haha." parang nababaliw na ako dahil tumatawa ako habang umiiyak.
Hinawi niya ang buhok kong nakaharang sa aking mukha at tinabi iyon sa aking tainga.

Ngiti lang ang isinukli niya sakin at muli akong niyakap.

"Hilig mo ring yumakap ano? Ginagawa mo akong teddy bear." pero oks lang din pala. Mabango naman si Daylan halatang pinapaligo ang pabango niya.

Humalakhak siya ng mahina at saka kumalas ng pagkakayakap sa akin. "Bawal daw kiss e kasi sabi ng Papa at kuya Clint mo." ramdam ko sa ngiti niya ang sayang nararadaman niya.

"Talaga? Hindi ka ba binugbog? Alam mo na..."

"Haha. Payag na sila."

Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at napatakip ng bibig. "Weh? Di nga? Si kuya Clint? Seryoso ka ba dyan? Saka si Papa na pasimuno ng lahat?" umiling iling ako, hindi naniniwala sa kanyang sinabi.

Ngumiti lang siya at inilabas ang kanyang phone.
Nagplay siya ng video clip at binigay sa akin ang kanyang phone.

Una kong nakita ang pagmumukha niyang nakangiti habang kagat kagat ang kanyang ibabang labi, talagang nagpapogi pa siya ng konti tila nagsasalamin lang siya.

"Ang yabang mo naman dito." komento ko. Tumawa lang siya at nakinood na lang.

"Clint! Tito! Halika na kayo rito!" sigaw ni Daylan sa video.

Nakarinig ako ng mamga yapak at umupo sa sofa nila Daylan, habang si Daylan naman ata ang nagvivideo.

"Clint? Payag ka na bang maging girlfriend ko si Princess Mae Sanderson?" rinig kong boses ni Daylan.

Napairap si kuya Clint sa kawalan at dinekwatro ang mga binti itinukod niya naman ang mga siko niya sa sofa parang pinapakita niyang tamad na tamad siya. Feeling niya nasa sarili niyang bahay.

"Clint? Is it a Yes or a No?" si Daylan.

Umiwas pa ng tingin si kuya Clint at bumuntong hininga.

Tumingin siya saglit sa camera saka sumagot. "Yes. Fine. Whatever my Princess want. Tsss. But I don't like you!" nagwalk out na si kuya Clint sa video at si Papa na lang ang natira.

"Uy Clint ba't mo ako iiwan dito? Uy!" tawag ni Papa kay kuya Clint na nagwalk out.

"Pa. Hindi ka na baby ang laking gurang mo na." sigaw ni kuya Clint kahit na hindi na siya kita sa video. Ako naman ngingiti ngiti na lang dahil sa mga nasaksihan ko.

"So Tito same question." tanong ulit ni Daylan.

"Ha? Ano nga ulit yung tanong mo?" minsan talaga magkaugali sila ni Mama. Sarap pagumpugin minsan yang dalawang yan e.

"Kung payag po ba kayo sa amin ni Mae? Kung payag po kayong maging girlfriend ko siya?"

Tumingin ng seryoso si Papa sa camera at parang nakikita niya ako.

"I will say yes if you promise that you'll keep her safe and happy. Katulad ng ginagawa namin sa kanya. Papayag ako kung ipapangako mong hindi mo siya iiwan at sasaktan para sa ibang tao o kahit anong bagay. If you do then its a yes." ngumiti siya sa Camera as if he's saying it in front of me.

"Yes I promise that I'll keep her safe and happy. I'll not leave her side for others or anything in the world. I promise sir Sanderson." pormal na sabi ni Daylan.

"Well ano pa bang masasabi ko? Edi wow. Joke. Its a promise Daylan its a yes." isang matagumpay na ngiti ang ginawad niya kay Daylan. "Ipinapaubaya ko na siya sayo Daylan." tinapik niya ang balikat ni Daylan.

"Makakaasa po kayo sa akin sir." he bowed at my father as my dad walk away and bid a goodbye.

And that the video ends.

"So same question Mae. Can I be your Boyfriend?" nagaalangan niyang sagot. Siguro hindi rin siya sigurado sa sagot ko.
Pero I'm sure with this. With my feelings.

"So is it a yes or a no?" napalunok pa siya.

"Nyes." lalo lang siyang naguluhan sa sagot ko at natatawa ako sa mukhang niyang natatae na ata.

"Loko ka! Yes yun!" tumayo siya na may malaking ngiti lumayo siya sakin at nagtatatalon siya saka bumalik sa akin.
Yinakap niya ulit ako at biglaan akong binuhat.

"Whooo! Finally! I got you now. I love you Mae. I love you." ibinaba niya na ako at puro luha na pala ang pisngi niya.

"E ba't ka naiyak haha." pinunasan ko ang luha niya at titig na titig naman siya sakin habang ginagawa ko yun.

"E ba't naiyak ka rin?" ginawa niya rin ang ginawa ko.

"Paki mo ba. Tears of joy yan ng Girlfriend." masayang sabi ko. Parang dati lang ang bitter bitter ko kapag dumadating ang kaarawan kong feb. 14

Ngayon wala na akong paki kung sabihan man akong korny. Korny man ako nagmamahal lang po.



My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now