Chapter 39: Lola is Here. BWAHAHAHA!

1.9K 46 4
                                    

I don't know what to do, what to think or what to say.

All that cold stares, it all have their meanings..

Natapos ang gig namin na malalaki ang ngisi nila, pinipilit ko kasing ngumiti para sa kanila pero sa totoo lang ang sakit sa panga ng pekeng ngiti.

"Ayos pala yun eh! Sarap sa feeling!" nagtutwinkle pa ang mga mata ni Aqua.

"Sus, tigas nga ng bewang mo eh." nagtawanan naman silang lahat kahit hindi naman ako nagjoke.

"Ahh. First time ko po kasing sumayaw, kaya ganun kinalabasan." nahihiyang sabi ni Aqua at kumamot sa batok niya na parang dun namumuhay ang kuto't lisa niya.

"Ayos lang. Try and try until you succeed lang yan pre, wag kang panghinaan ng loob." pangungumbinsi ni Vince at saka tumingin sakin ng malagkit.

Agad namang humarang si kuya Clint sa pagtitig ni Vince (lead guitarist) at huminto sa harap nito.

"Whatever your plan is, I'm warning you to Stop." nakacrossArms pa siya and he clenched his jaw.

"Okay okay. I know my limits. I won't, okay? I won't dare I promise that." napairap pa si Vince. At hindi ko naman alam kung ano bang pinagtatalunan nila at nagaalab ang galit nitong si kuya Clint. Hala. Mukang may war sila ni Vince ah?

"Ano ba yun?" alam ko. Tsismosa ako forever.

"Nothing," saka malapad na ngumiti ulit si kuya Clint sakin. Napakunot na lang ako ng noo at tumingin naman kay Vince nagsabi pa ko ng mahina ng 'ano yon?' nagbabakasakaling sabihin niya sakin ngunit nagkibit balikat lang siya at sumunod kay Harold na maharot. Chos lang!

Muntik na akong mapasaubsob sa mabatong daan ng matapilok ako sa maliit na bato. Kainis. Maliit na bato na nga lang siya tinatapilok pa ko. Leche siya!
Pinagaapak ko ang maliit na bato hanggang madurog yun at maging buhangin.

"Kalokohan mo talaga sa buhay oh, pati bato pinapatos mo." rinig kong boses galing sa likod ko.
Nakita ko naman na medyo nauuna na pala sakin sila kuya Clint at medyo malapit lang sakin si Aqua dahil sa mala-slow motion niyang paglalakad baka raw kasi matipalok siya. At tama nga siya na dapat dahan dahan lang kaya eto napala ko muntik na matipalok.
Sayang natuluyan ka na sana. Sabat ng kung ano sa utak ko.

"Can I have you for a while? Please? Just a little conversation." narinig ko nanaman siyang nagsasalita sa likod ko pero dedma lang ako. Sayang beauty kung haharap ako sa kanya.

"If this time is not okay for you. Maybe tommorow pwede ba? Gabi na pala kaya bukas na lang, ang tanga ko naman." humarap ako saglit sa kanya at napahampas na lang si Daylan sa noo niya at umiling iling. "Clint is looking for you Mae, Bukas please give me minute to talk, just listen what will I say okay?" sa di malaman na dahilan ay napatango ako at bigla namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Thank you! I promise that you won't regret it." bago siya umalis ay hinalikan muna niya ako sa likod ng kamay ko.

"Taena di ko nasuntok. Gago yun ah? May pahalik halik pa sa kamay eh! Bugbugin ko yun makita niya." pinatunog pa ni kuya Clint ang mga kamay niya na parang may masamang balak.

Umiling iling naman ako kasabay ng pagpikit ko rin. Nakakapagtaka na hindi ko na ramdam ang mga paa ko sa lupa.
Pagkamulat ko ay nasa balikat na pala ako ni kuya Clint at binubuhat na parang baboy.

"Ang tagal mong maglakad eh. Kaya--"

"Hindi okay lang. Ge kuya kaya mo yan. Kanina pa ako tinatamad maglakad eh kaya mabuti ngang binuhat mo ko. KtnxBye. Buhatin mo na rin ako papuntang kwarto ko ah?" Ngingiti ngiting sabi ko. Napairap na lang si kuya Clint at ngumiti. Naloloko na ata ge lang.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now