Tres

35.7K 303 14
                                    

Nakatitig pa rin si Drew kay Vanessa na nasa counter, umoorder ng inumin. Kulang na lang ay matunaw si Vanessa sa mga nanlalaking mata ni Drew.

Naramdaman ni Vanessa na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa kung saan andoon si Drew. Nagtama ang mga mata nila.

Sabay bukas ng pinto ng coffee shop, at pumasok ang hangin. Nag-slow mo ang lahat, unti-unting hinahangin ang buhok ni Vanessa.

Hindi na kumukurap si Drew. Para sa kanya, si Vanessa ay isang dyosa na bumaba sa lupa.

Tulalang-tulala si Drew. Biglang nginitian siya ni Vanessa. Hindi na naman maipaliwanag ni Drew ang naramdaman. Biglang may mainit sa kanya. Pero pinagpapawisan naman siya. Kasabay ng pagkalabog ng dibdib niya. Ang bilis. Ang lakas. Tug tug tug tug tug tug…

Muling hinarap ni Vanessa ang barista sabay abot ng bayad. Nang sinuklian siya, gumulong ang 10 pisong barya ni Vanessa. Papunta sa table nina Drew, Arkin, Dion at Girlie.

Tatayo sana si Arkin para pulutin pero sisikuhin siya ni Drew at siya ang nagmadaling humabol sa barya na gumulong. Pero hinabol din ito ni Vanessa. Nagkauntugan sila. Natawa si Vanessa sabay sapo sa noo. Si Drew… mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib. Parang may tumatakbong kabayo. Humagikgik si Vanessa sabay pulot sa barya. Nag-tama ang kanilang mga kamay.

Ang lambot ng kanyang palad…

Parang nang-init si Drew, napatitig siya sa cleavage ni Vanessa. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at halos nakadikit na ang kanilang mga mukha.

Pinagpapawisan si Drew. Natuyo ang lalamuna. Napalunok. Ang lusog ng dibdib! Ang lambot din siguro nito!

Biglang hinawakan ni Vanessa ang mukha ni Drew, inilayo ang pagkakatingin ni Drew sa harapan nito. Ang akala ni Drew, magagalit si Vanessa. Pero ngumiti lang si Vanessa. At unti-unting nilalapit ni Vanessa ang kanyang mukha kay Drew.

Hindi makapaniwala si Drew!

Ano nangyayari? Hahalikan ba niya ako? Solid! Sabi ko na type din niya ako…

Naghihintay si Drew sa lips ni Vanessa. Siguradong mas malambot to sa kamay niya. At kasing lambot ng dibdib!

Biglang

Why you gotta be so rude? Don’t you know I’m human too?

Nagising si Joe sa alarm ng phone niya. Nakahiga si Drew sa kanyang kama, nakanguso na parang suso. Tulo ang laway. Pero may naramdaman si Drew sa shorts – basa! At hindi laway ang dahilan ng pagkabasa ng shorts niya!

Doon lang narealize ni Drew – panaginip lang ang lahat. Isang pantasya na naman. Sayang!

Ilang Linggo na ang nakalipas mula noong unang nakita ni Drew si Vanessa at halos gabi gabi na lang niya itong napapanaginipan. At tuwing umaga, ang kama ni Drew, laging may mantsa!

***

Pasukan na. Naghihintay sina Camille, Arkin at Dion kay Drew sa loob ng campus. Si Girlie, naka-ankla kay Dion. Napaisip si Camille, “So, kasama na ba namin lagi tong babaeng to?”

“Mac! Nasaan na ba si Drew?” Tanong ni Dion .  

“Bakit ako tinatanong nyo?” Masungit pa rin si Camille.

“Kayo naman lagi magkasabay pumasok. Bakit hindi mo kasama?”

Heto na si Drew, nakasuot ng shades, ayos na ayos ang naka-gel na buhok. Lahat ng mga babaeng high school students na nadadaanan niya ay napapalingon sa kanya.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Camille.

“Wala lang, taas kasi ng sikat ng araw eh.”

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon