Chapter 26 - Dream

2.7K 141 88
                                    

Enjoy this chapter.

~○~

Ang sakit ng ulo ko. Hindi rin nakakatulong ang mabilis na pagpaandar ng sasakyan ng prinsipe. Bakit ba sila nagmamadali kung lagnat lang naman ang sakit ko?

Ayoko sa ospital dahil paniguradong ipapatanggal nila ng balabal ko sa ulo kaya sa bahay na lang ako magpapagaling. Lagi naman ganito at si Mother Delia lang ang nag-aasikaso sakin kapag nagkakasakit ako.

Nakarating na kami at lumabas na ako. Kahit nahihilo na ako ay pinilit kong maglakad mag-isa kahit nagprisinta silang tulungan ako.

"Alalayan ka na namin, Dana."

"Okay lang ako. Kaya ko pang makarating sa kwarto ko. Pwede na kayong umuwi sa palasyo."

"Hindi kami makakauwi kung alam namin na may sakit ka."

"Simpleng lagnat lang ito at walang namamatay sa ganito."

"Paano kung lumala? Huwag mo kaming piliting umalis kung hindi kami mapalagay kung magaling ka na."

Ayoko ng makipag-away kay Zero. Nakakapagod siyang kausap. Hindi pa rin ako nagpatulong sa kanila.

Nakasalubong namin sa Anna at lumapit,"Anong nanagyari kay Dana."

"May lagnat."

Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman na mainit.

"Pupunta lang ako sa kwarto ko."

Pinigilan ni Anna ang dalawa na sumunod pa sakin. Nakapasok na ako at sinarado ang pinto. Nagpakita na si Kira at lumapit.

"Master, gusto niyo bang pagalingin ko kayo?"

"Hindi mo pwedeng gawin yan. Magtataka sila kung bakit bigla akong gumaling."

"Nahihirapan po kayo sa sakit niyo."

"Lagnat lang to. Hindi ako mamamatay sa simpleng sakit kaya huwag ka ng mag-alala, Kira."

Nakapagpalit na ako ng marinig kong may kumatok sa pinto, "Dana, papasukin mo ako anak."

Lumapit agad ako para pagbuksan siya. Pumasok si Mother Delia na may dalang maliit na palanggana na may bimpo.

"May sakit ka daw sabi ni Anna."

"Lagnat lang po."

"Hindi mo dapat sinasawalang bahala ang simpleng lagnat, Dana. Maaring yan lumalala kung di pa naagapan."

"Sorry po."

"Umupo ka na at pupunasan kita."

Sinunod ko siya at umupo ito sa gilid ng kama ko. Tinanggal niya ang telang nakatabing sa ulo ko at hinayaang bumagsak ang buhok ko. Inayos niya ito at tinanggal ang mga nakaharang na ilang hibla nito sa mukha ko. Pinigaan ang bimpo at sinimulan na akong punasan.

"Hindi mo dapat pinapagod ang sarili mo anak. Nagkakasakit ka na dahil hindi na kaya ng katawan mo."

"Gusto ko po kasing makatulong kaya kahit alam kong masama na ang pakiramdam ko, gagawin ko pa din po."

"Alam kong hindi mo kayang hindi tumulong sa mga kabayan natin pero sana huwag umabot sa ganito na ikaw na ang nagkakasakit."

"Sorry po, Mother Delia."

Itinabi niya ang bimpo at pinahiga ako. Nakatingin siya sa akin na parang may gustong sabihin. Hinaplos niya ang buhok ko at unti-unti akong inaantok.

"Matulog ka na muna. Ipaghahanda kita ng makakain para lumakas ka, Dana."

Hindi na ako nakasagot at tuluyan na akong nakatulog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Black ArcherWhere stories live. Discover now