Chapter 16 - Invisibility

2.2K 137 17
                                    

Salamat sa mga comment niyo last chapter.😊

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤💞¤~

May mahalaga akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga sinabi nila. Hindi ako natatakot na bigla na lang may susulpot sa harapan ko para hulihin ako. Baka siya pa ang mahuli sa ginawa niya sa bata.

Pag-uwi naman ay nagkulong na ako sa kwarto. Mas mahalagang malaman ko ang tungkol kay Kira. Lumaki na naman ito at hindi na niya kayang magtago sa ilalim ng kama. Hindi na siya pwede dito.

Sleirion

Binuklat ko ang libro. Sa simula nito ay may mga picture ng mga kalahi ni Kira. Iba-iba ang bilang ng mga buntot nila. Pero iisa lang ang kulay nila. Ang buong katawan ay kulay puti at ang dulo ng mga buntot, tenga at paa nila ay itim.

Nilaktawan ko ang kasaysayan ng lahi nila at hinanap ko ang mga kakayahan nila. Sa susunod ko na lang babasahin ng buo pero ngayon kailangan kong malaman ano pa ang kaya niyang gawin at may walong buntot pa niya ang hindi ko pa alam kung ano ang pwede pa niyang magawa.

May nakita akong nakalist na mga common na nagagawa ng isang sleirion.

1. Fire
2.Water
3.Earth
4.Air
5.Thunder
6.Shadow
7.Communication
8.Invisibility
9.Healing
10.Speed

Ito lang ang nakasulat at hindi ko alam kung ito na ba ang sagot sa mga katanungan ko. Maaari na isa o higit pa sa mga nakasulat ay kaya ni Kira pero paano ang iba. Umakyat siya sa kama at lumapit sa akin. Hinawakan ko ang ulo nito at nagustuhan niya. Humahaba na rin ang balahibo niya sa katawan.

Tinanggal ko ang balabal ko. Binaba ko muna ang libro sa tabi at binuhat ito. Para sa isang mythical creature na halos katulad na ng isang guardian ay napakaamo nito sa akin. Natitigan ko ang mata nito. Noong una ko siya nakita ay dilaw ang mata niya pero ngayon nakikita ko ang kulay ng mata ko sa kanya.

"Ikaw ang una kong naging kaibigan, Kira. I will protect you from other people who wants you for your powers."

Pinagdikit ko ang noo namin. Kinukos nito ang ulo sa noo ko at dinilaan ang pisngi ko. Napangiti ako sa ginawa niya at binaba siya sa kama ko. Natigilan ako ng marinig na may nagbubukas ng pinto ng kwarto ko.

Hinablot ko ang balabal ko at nilagay sa ulo ko. Wala na akong oras para ayusin ng bumukas ang pinto at sumilip si Anna. Nakalimutan kong isarado ang pinto.

"Dana, may dala akong pagkain. Kumain ka na."

"Ibaba mo diyan at umalis ka na!"

Hindi ko mahanap si Kira. Saan siya nagpunta? Hindi ko na napansin kung saan siya nagtago. Bigla na lang pumapasok si Anna ng hindi man lang kumakatok.

"S-Sige. Pasensya na kung naabala kita. Aalis na ko."

Narinig kong sumara na ang pinto. Sinigurado ko ng nakasarado ito. Hinanap ko si Kira pero hindi ko siya makita.

"Kira..."

May naramdaman akong dumikit sa binti ko. Lumuhod ako at kinapa kung anuman iyon.

"Kira..."

May pakiramdam na ako na ang hinahanap ko ang paulit-ulit na dumidikit sa binti ko. Nang mahawakan ko na ito ay nagpakita ito.

Napansin ko na nawala na ang ilaw sa isa sa buntot nito. Kaya niyang maging invisible. Nagawa niya ang isa sa mga common na nagagawa ng kalahi niya. Kung kaya na niya ito noon pa. Matagal ko na siyang hinayaan na sumama sa akin.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now