Chapter 17 - Portrait

2.2K 140 11
                                    

Happy Valentine's Day...❤

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤💞¤~

Sumama ako sa kanila. Ang limang lalaki ay pinagtulungan na buhatin at sinama na rin. Nakita ko ang mga sasakyan na ginamit ng mga kawal para makarating dito. Binuksan niya ang pintuan sa likod.

"Pwede bang ako lang ang umupo dito?"

"Sige. Pumasok ka na sa loob."

Pumasok ako sa loob, "Ako na lang ang magsasara ng pinto."

Hinayaan niya ako. Tinawag ko si Kira para makasakay rin. Naramdaman ko may katabi na ako at sinarado ito. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nila. Tumingin ako sa likod at sumusunod ang isa pang sasakyan.

Mabuti naman at magkaiba kami ng sasakyan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong gumanti kung itutuloy nila ang pananakit sakin. Hindi ko ugaling magpatalo sa kahit kanino.

Nagtagal ang biyahe namin. Hindi pa ako nakakarating sa lugar na ito. Malayo sa mga pinupuntahan ko. May nakikita na akong mga buildings sa mga nadadaanan namin.

Sa tingin ko ito ang sinasabi ni Lolo Warren na sentro ng lahat ng lungsod, ang Retron. Lahat ng mga kailangan mo ay makikita mo dito. Mga bagay na hindi mo na kailangan hanapin dahil dito dinadala ng iba't ibang lungsod ang mga nakukuhang kagamitan o kayamanan ng bawat lungsod.

Nandito rin ang mga office ng mga iba't ibang tanggapan. Huminto ang sasakyan sa isang malaking building. Kusa na akong bumaba para mapalabas ko rin si Kira.

"Sumunod ka sa akin. Naghihintay na sila sa loob."

Pumasok kami sa isang pinto at nakita na may mga tao rin ang nasa loob nito. Hindi ko pa nakikita ang taong gusto ko ng makita. Ang taong nagreklamo sakin na siyang naglagay sa akin sa sitwasyong ito.

"Nasaan na po ang nagrereklamo sakin?"

"Pupunta na rin ito. Hihintayin na lang natin para masimulan na paglilitis sa gulong ginawa mo sa Desre."

Pinigilan ko ang sarili kong hindi na sumagot sa taong namumuno sa paglilitis na ito. Ayoko sa tono ng pananalita niya. Alam kong may kinampihan na siya bago pa magsimula ito pero hindi ako papayag.

Dumating na rin ang hinihintay namin. Napakaformal pa nito sa suot na parang kagalang galang pero masama naman ang ugali at tinatago sa lahat para panigan siya.

"Pinapunta ka namin dito dahil gusto ng taong nireklamo mo."

"Hindi dapat siya pinagbibigyan. Kaya ang lakas ng loob niyang gumawa ng bagay na hindi tama."

Hindi ko na napigilan ang sumabat sa mga sinabi niya, "If I would try to kill you right now, would you demand to protect you from me?"

"Of course! Hindi ko hahayaan na hindi ka maparusahan sa gagawin mo."

"Exactly! Inutusan mo ng mga tauhan mo na patahimikin ako kaya walang kang magagawa kundi umupo dyan, itikom ang bibig mo at magbilang ka na ng oras mo dahil ikaw ang makukulong ngayon at hindi ako."

Pinatigil na kami. Kailangan pag-usapan muna ang unang kaso sakin bago ang binibintang ko sa kaniya.

"Totoo bang pinagbantaan mo siya para makahingi ka ng pera?"

"Yes."

"Sabi ko sa inyo. Ikulong niyo ang babaeng yan! Hindi na dapat kumakalat sa daan ang katulad niya."

"Manahimik ka! Hindi kita tinatanong ngayon. Kung gusto mong magsalita, kapag ikaw na ang tinanong."

Tumingin ulit ito sa akin, "Bakit mo ginawa mo yon?"

The Black ArcherUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum