Chapter 20 - Reason

2.7K 161 32
                                    

Salamat sa paghihintay. :) Pasensya na kung may makita kayo wrong spelling o grammar.

My So Strict Boss - Book 1
You're Still The One - Book 2
My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤¤~

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kung hindi siya ang prinsipe, hindi agad ang isasagot ko. Marami akong dapat gawin sa Gleon kaysa magtagal rito. Marami siyang mapagpipilian na pwedeng magturo sa kanya na bihasa sa pagpana. Wala rin naman akong formal training at natuto lang ako sa sariling kong sikap na matutong ipagtanggol ang sarili ko at ihanda sa mga pwedeng mangyari sa akin at sa pamilya ko.

Alam ko lang ang pakiramdam na nahihirapan sa simula kaya madali niyang magawa ang sinasabi ko. Sa tingin ko mas magiging magaling siya kung makikinig siya. Iyon ang nakikita kong problema sa kanya.

"Ikaw na lang ang magturo sa akin, Dana."

Hindi na siguro masamang tumanggi. Hindi ako mapaparusahan kung sakaling hindi ko tanggapin ang alok niya. Maraming gustong magturo sa kaniya at hindi ako kawalan sa kanya.

"Your highness-"

"Mahal na prinsipe, pinapatawag na po kayo ng reyna."

"Mamaya mo na lang sagutin ang tinanong ko sayo."

Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming naglalakad. Hindi ko maiwasang mailang. Hindi ako komportableng may humahawak sa akin lalo na ng isang lalaki.

Nilagpasan namin ang babaeng tumawag sa amin at napatingin sa kamay namin. Hindi ko gusto ang tingin niya sa amin lalo na sa akin. Gusto kong hatakin ang kamay ko pero ayoko naman na mabastos ang prinsipe.

Nakarating na kami at nakaupo na silang lahat at kami na lang ang hinihintay. Nandito na rin si Zero. Hindi ko alam kung ano ng ang iniisip niya at napatingin siya sa kamay namin. Baka katulad rin siya ng ibang mag-isip.

Wala akong pakialam sa iniisip niya basta huwag lang siyang magkakamaling magsalita ng hindi maganda at makalimutan ko kung sino siya.

"Umupo na rin kayo, Dreiron."

Binitawan ako ng prinsipe at pinaghila ako ng upuan sa tabi niya. Ganito ba talaga siya sa mga bisita nila. Hindi na ako magtataka kung marami ang magkakagusto sa kanya. Napakagentleman niya.

"Huwag kang mahiya sa amin, Dana. Kumain ka lang at alam namin na gutom na kayo ni Zero."

"Salamat po, your highness."

Napakabait ng reyna. Napakagaan niyang kasama at hindi ako naiilang kapag siya ang kumakausap sakin. Kahit titigan niya ako hindi ko naramdaman iyon kabaliktaran ng hari na hindi ako makatagal.

"Nakilala mo ba ang iyong pamilya?"

"H-Hindi po."

"Paano ka napunta sa bahay na tinutuluyan mo?"

"Sabi po sa akin ng nagpalaki sa akin na nakita po ako sa isang gubat na hindi madalas puntahan ng mga tao. May mga taong nanghuhuli ng hayop ang nakakita po sa akin at dinala ako sa bahay ampunan ng walang naghahanap sa akin."

Hindi ko na malunok ang kinakain ko. Nawalan na ako ng gana.

"Bakit may suot ka laging balabal sa ulo mo at nakatakip ang kalahati ng mukha mo?"

Napatingin ako kay Zero. Sa lahat ng mga pwede niyang itanong ito pa ang nahihirapan akong sagutin.

"Ayokong makita ng ibang tao ang mukha ko."

"Ano ba ang tinatago mo?"

"Hindi ko kailangan magpaliwanag sayo."

Natigilan ako sa sinabi ko. Nakalimutan kong kasama namin ang royal family. Nakita ko ang pagngisi niya. Sinadya niya ito. Gumaganti ba siya? Wala naman akong ginawa sa kanya para gawin ito.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now