Chapter 12 - Siren

2K 131 4
                                    

Nakapag-update din. Dumadami na rin ang mga readers ko sa story na to. Sana suportahan niyo rin katulad ng pagsuporta sa ibang stories ko. Sana magcomment rin kayo dito. 😢

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤💞¤~

May tumutusok sa pisngi ko kaya nagising ako para tingnan kung ano ito. Ang Blue Preis. Maliwanag na rin ang buong paligid kaya napaupo ako upang tuluyan na magising ang diwa ko.

Nagising na rin ang katabi kong si Kira at pinapagpag ang mga buntot na ginawa nitong unan. Isang araw na ang lumipas at wala pa rin na magandang resulta sa paghahanap ko. Tumingin ako sa dalawang Blue Preis na kausap ko kahapon.

Sinabi nilang sasamahan nila ako. Sila ang may kasalanan kung bakit nasayang ang oras ko.

"Sinabi niyong tutulungan niyo ako kahapon."

'Natatandaan namin ang pangakong binitawan namin sayo.'

"Hinahanap ko ang mga puno ng Aven. Ituro niyo sakin kung saan ko ito makikita."

'Sumama ka sa amin at ituturo namin sayo.'

Inayos ko na ang mga gamit namin. Lumipad sila at pumunta sa masukal na daanan. Sinusundan ko kung saan sila pumupunta. Lahat ng madaanan namin ay nilalagyan ko ng palatandaan para hindi ako maligaw sa pagbabalik ko dito.

Sana naman ay alam talaga nila ang hinahanap ko. Napakalayo na ng nararating namin at hindi ko na alam kung gaano na ba ako kalayo sa labasan ng gubat.

"Alam niyo ba talaga ang sinasabi ko?"

'Sumunod ka lang sa amin at makikita mo ang hinahanap mo.'

"Ganito ba talaga kalayo ang mga puno na yon kaya hindi pa tayo nakakarating sa sinasabi niyong lugar?"

'Tagong lugar kung tumubo ang mga punong sinasabi mo. Nahihirapan din kaming matukoy kung saang bahagi ng gubat ito.'

"Akala ko ba alam niyo?"

'Ginagamit namin ang kapangyarihan namin para matukoy ang lugar. Kaya naming makita ang daloy ng tubig sa lupa at ito ang ginagamit namin para tulungan ka.'

Tumahimik ako para hindi maabala kung anuman ang sinasabi nila. Hindi ko sila maintindihan. Kinuha ko si Kira at pinasok sa bag ko. Kanina pa kaming naglalakad at siguradong pagod na ito.

Umiinit na rin ang paligid dahil sa sinag ng araw. Napansin ko ang paglamlam ng kulay ng isa sa kasama naming Blue Preis. Hindi na nito kayang lumipad ng maayos. Bago pa itong tuluyang bumagsak sa lupa ay nasalo ko siya.

"Okay ka lang ba?"

'Hindi ko na kayang magpatuloy. Nanghihina na ko.'

"Ano ang sinasabi niya?" tanong ko sa isa. Napansin ko na rin na lumalamlam na rin ang kulay niya.

'Hindi namin kayang tumagal na malayo sa tirahan namin o sa tubig. Nauubos rin ang tubig na nasa katawan namin kapag maiinit ang paligid.'

Kinuha ko ang inuman ni Kira at nilagyan ng tubig. Nilagay ko ang hawak kong Blue Preis doon. Unti-unting bumabalik ang kulay nito at nagising rin. Kinuha ko rin ang isa at nilagay rin.

"Huwag na kayong lumipad. Ako na lang ang magdadala sa inyo. I don't want to risk your health pushing your limitation just to help me."

Nakinig sila sa sinabi ko at tinuturo na lang nila kung saan kami pupunta. Paghawi ko sa malaking dahon na nakaharang sa daanan namin ay nakita ko ang hinahanap ko.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now