Chapter 8 - Sword

2.2K 114 3
                                    

Comment naman po kayo sa story na ito. Hindi ko po alam kung okay ba akong magsulat ng fantasy story o hindi. Kahit maikli lang sa mga readers ko dito. Thank you. 😁

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

Do vote, comment and follow me.

¤~💞~¤

Mabilis na umalis ang mga lalaki hawak ang sugat na natamo nila mula sa akin. Pinunasan ko muna ang dagger ko bago nilagay sa bag ko. Napansin ko ang nakatingin na babaeng tinulungan ko.

"Salamat po, miss." Tumango ako at kinuha ang mga plastic na dala ko kanina. Naglakad na ako palabas ng market at baka may masalubong na naman ako at gabihin ako sa pag-uwi.

Naabutan kong may mga batang nakaupo sa may pinto ng bahay. Hindi dapat sila lumalabas kung wala silang kasamang matanda. Nakita nila akong papalapit sa kanila at sinalubong ako.

"Ate Dana mga pagkain po ba iyang dala niyo?"

"Oo. Nasaan na ang nagbabantay sa inyo at bakit hinahayaan kayong nasa labas?"

"Naglilinis po sila at nagugutom na po kami kaya naghihintay na lang po kami dito sa pinto kapag natapos na sila."

"Pumasok na kayo at maghugas ng kamay. Ipaghahanda ko kayo ng makakain."

Sumunod ang mga bata sa sinabi ko at dumeretso ako sa kusina para ilagay sa ref ang mga binili ko. Kumuha ako ng tinapay at nilagay sa plato. Dumating na ang mga bata at kumain kaya iniwan ko na sila sa kusina. Kumuha ako ng gatas at naglagay sa pinggan.

Binuksan ko ang pinto ng silid ko at sinarado ulit ito. Tingnan ko ang paligid para hanapin si Kira.

"Kira..."

Lumabas ito mula sa ilalim ng kama ko at binaba ang dala kong gatas para sa kanya. Binaba ko na rin ang bag ko sa ibabaw ng kabinet at pabagsak na humiga. Napagod ako sa araw na ito at gusto ko ng matulog agad. Pumikit ako at nakatulog.

Nagising ako sa marahan tumatama sa mukha ko. Pagdilat ko ay nakita ko si Kira. Umungol ito at tumingin sa pinto. May kumakatok na hindi ko napansin. Tumayo ako at inayos ang balabal ko sa ulo at mukha. Binuksan ko ito at nakita ang isa sa mga batang pinakain ko kanina.

"May kailangan ka ba?"

May inilabas ito mula sa likod nito at nakita kong may hawak itong bulaklak. Binigay niya ito sa akin at ngumiti.

"Salamat po kanina ate Dana. Sana po magustuhan niyo ang bulaklak."

Umalis rin ito at pumasok na muli ako sa silid ko. Kahit naudlot ang pagtulog ko dahil lang sa isang bulaklak ay hindi ko magawang mainis. Nilagay ko ito sa vase. Tumingin ako sa orasan. Mahigit dalawang oras rin ang natulog ko.

Malapit ng maghapunan at baka nandyan na si Mother Delia para makausap ko.

Nagtungo ako sa kusina na marahil ay nandoon sila para sa paghahanda ng pagkain para sa lahat. Naabutan kong maraming ginagawa. Nakita nila ako.

"Kanina ka pa ba nakauwi, Dana?"

"Opo, mother. Saan po kayo pumunta?"

"Sa bayan. Tiningnan ko kung may donation para sa bahay. Napansin kong wala ng dumadating na tulong sa atin kaya pumunta ako para makapagtanong."

Sa tingin ko ay wala silang natanggap. Naawa ako kay mother at paniguradong marami silang pinuntahan para makahingi ng tulong. Kinuha ko ang kinita ko at binigay kay mother.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now