Chapter 10 - Leader

2.1K 108 4
                                    

Marami na rin ang nag-add nito. Salamat sa pagbabasa. Comment naman dyan, please?😘

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Tern Fiction

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Pagkatapos namin makikain kay Ate Belle, nagpaalam na akong aalis. Nagawa ko na siyang tulungan makahanap ng trabaho. Mas safe siya dito. Kailangan ko ng umalis at hindi ako gabihin sa daan.

"Ate Belle, aalis na po ako."

"Sandali lang, Dana. Saan ka pupunta?"

"Sa Seran. Pasabi na lang kay Mother Delia na ilang araw akong hindi makakauwi."

"Anong gagawin mo sa Seran, Dana? Gagawin mo talaga ang sinabi mo noon?"

"Opo. Mas kailangan na po namin ngayon itong gagawin ko kaysa noon."

Umalis na ako at nagtungo sa bayan ng Seran. Hindi nila ako mapipigilan sa gusto ko. Uunahin ko muna ang maaaring kitain ko para hindi magutom ang mga kasama ko sa bahay at hindi na rin mahirapan si Mother Delia sa paghahanap ng donasyon sa ibang tao.

Sumakay na ako dahil aabutin ako ng gabi bago pa ako makarating doon. Mabuti na lang at nadala ko ang lahat ng mga kailangan ko. Tiningnan ko ang dala kong bag para masigurong kumpleto ito. Bigla na lang lumabas ang ulo ni Kira kaya bigla kong binaba ito. Napatingin sa akin ang driver na pampublikong sasakyan na sinakyan ko.

Sana naman ay hindi niya nakita si Kira. Tiningnan ko kung nakatingin siya. Kinuha ko ulit ang bag at patagong ipinapasok ang ulo nito sa loob. Paano kaya nakapasok ito sa bag ko.

Ilang oras rin akong nasa biyahe at ibinaba niya ako sa pasukan ng bayan. Hindi na nito ako maihahatid sa loob ng bayan. Nagbayad ako at kinuha ang lahat ng gamit ko.

Mahabang lakaran bago ko makarating sa bayan. Tama lang ang naging desisyon kong sumakay. Wala naman akong nakakasabay sa paglakad at iyon ang pinagtatakahan ko. Nasaan na ang mga tao dito.

Nakarating na rin ako at nakita ang mga taong nagsama sama sa plaza. May nakita akong mga kawal ng palasyo at mga sorcerer na nasa harapan. Anong ginagawa nila sa bayan na ito? Lumapit ako para makinig kung anuman ang sinasabi nila.

"Nandito na ba ang lahat ng tao ng bayan na ito?"

Sumang-ayon ang lahat. Tinitigan ko ang suot ng taong nagsalita. Sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad namin pero ang suot nito ay para na sa may mataas na katungkulan.

"Nandito kami upang pasukin ang gubat na matatagpuan sa inyong bayan. May hinahanap kami kaya sana ay payagan niyo kaming makapasok."

Ano kaya ang hinahanap nila? Mahalaga siguro dahil nagpunta pa silang lahat para mahanap ito.

"If someone wants to join us, they will get a reward from the palace."

Umalis na ako at wala naman pala akong mapapakinabangan sa kanila. Hindi naman nila sinabi kung ano ang hinahanap nila. Naghanap ako ng bilihan ng malaking bag na paglalagyan ko ng mga Aven na makukuha ko. Dapat ay matibay at makapal para hindi agad masira.

Nakahanap ako at nang masigurado ko matibay ito ay naghanap naman ako ng bilihan ng pagkain at kakailanganin ko. Aabutin ako ng ilang araw sa paghahanap ng puno nito dahil hindi pa ako nakakapasok sa gubat ng bayan.

Nakarating ako sa pasukan ng gubat at may mga kawal na nakabantay. Nandoon rin ang pinuno nila na tumitingin sa mga gusto sumali sa kanila. May nakita akong larawan ng isang bulaklak na pinapakita nila sa mga tao. Iyon ba ang hinahanap nila?

The Black ArcherWhere stories live. Discover now