Chapter 14 - News

2.3K 128 7
                                    

Anong masasabi niyo kay Dana?

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤💞¤~

Nakalahati ko na ang mga tindahan sa Desre. Wala pa naman nakakakita sa akin o napapadaan sa mga lugar na hinihintuan ko. Marami pa akong kailangan mapuntahan at hindi ko kailangan ng istorbo sa ginagawa ko.

May narinig akong kaluskos malapit sakin. May nakita akong lugar na pwede kong pagtaguan hanggang hindi ko pa nalalaman kung ano yon. Sinilip ko kung ano ito at nakita ang mga nagbabantay sa Desre. Mga bayarang tao upang hindi manakawan ang mga tao dito. Pinapaswelduhan ng namamahala dito para mapangalagaan ang seguridad nila.

Sila rin ang mga nakikita ko noon kapag binabalik ko ang mga buwis na kinukuha lang ng mga opisyal. Sila ang yumayaman at ang mga tao dito ang naghihirap. Hindi ko alam kung may nakakaalam sa mga ginagawa nila pero alam ko ang mga ginagawa nilang pag-aabuso sa mga tao.

Hindi pa naman nila ako nakikita at wala akong balak magpahuli sa kanila. Dumaan ako sa madilim na eskinita na pinagtataguan ko. May mga basura na nakatambak dito. Nahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong dumadaing sa likod ko. May natamaan ako habang naglalakad pero inakala ko na basura lang ito.

Hinanap ko kung saan nagmumula iyon. Nakita ko ang dalawang tao na nakahiga sa sahig. May konting ilaw sa lugar nila kaya nakita ko agad sila. Ang isa ay hindi nalalayo sa edad ko at ang isa naman ay bata pa. Lumapit ako pero natakot sila ng makita ako.

"Hindi ko kayo sasaktan."

Hindi pa rin sila naniniwala. Nakatingin sila sa pana na nakasabit sa balikat ko. Inalis ko ito at hinayaan na nasa sahig.

"See, I have no weapon. Gusto ko lang malaman kung okay lang kayo."

Wala ng takot ng makikit sa kanila. Nakalapit ako at hinawakan ang bata. Hinahawakan ang paa nito at baka ito ang natamaan ko kanina. Nasaktan siya. Tiningnan ko sila at napansin ang sira nilang damit at madumi ito. Mga palaboy sila sa Desre. Hindi dapat sila manatili dito at mapapahamak sila. Parehas pa naman din silang babae at mapagsamantalahan o lokohin sila ng ibang tao.

Nakatingin sila sa akin, "Ikaw po ba si Black Archer, Ate?"tanong ng bata.

Ngayon ko lang naalala na suot ko po ang damit ko bilang Black Archer at may gagawin pa ko. Hindi na dapat ako magtagal dito. Kumuha ako ng pera sa bag ko at binigay sa kanila. Ito muna ang maitutulong ko sa kanila.

"Bumili kayo ng makakain at damit. Huwag kayong sasama sa kahit kanino, maliwanag ba?" Tumango sila at tumayo ako. Kinuha ko ang pana sa sahig at sinabit sa balikat ko. Tumingin ako sa kanila. Hahanapin ko kayo at hindi na kayo babalik sa madilim na lugar na to.

Hindi ko na sinabi ito pero pinapangako ko. Iuuwi ko sila. Lumabas ako sa eskinita na iyon at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Natapos ko ito at umuwi sa bahay.

~¤💞¤~

Sabay kaming pumunta sa Desre ni Anna. Wala munang akong gagawin ngayon at maglilibot lang. Marami na akong naipon at masusustentuhan pa ang mga pangangailangan namin. Kahit wala akong trabaho ngayon. Hindi ko pa rin iniwan ang pana ko. Mas panatag ako kung may dala akong ganito kapag lumalabas. Iniwan ko ang binigay ni Manong Gardo. Hindi ko pa ito kailangan sa ngayon.

Nakarating kami sa Desre pero may mga taong nag-uusap. Hindi ko pinansin pero may nakadikit sa pader na nakapagpahinto sakin.

"Bakit ka huminto, Dana?" Hindi ko pinansin si Anna at lumapit doon.

The Black ArcherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora