Chapter 5 - Illegal

2.1K 119 4
                                    

Another update. Nakakatuwa na may naglalagay na ng story kong fantasy sa mga reading list nila. Salamat sa inyo at sa mga votes. Pwedeng humingi ng favor? Pwede bang makapagbasa ako ng feedbacks mula sa inyo? :)

My other stories:

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

Do vote, comment and follow me.

**************

Nagising ako sa paggalaw ni Kira sa hita ko. Napansin kong hindi na tirik ang araw at sa hula ko ay hapon na ngayon. Napahaba ang tulog ko. Tumayo na ako at pinagpag ang pang-upo ko para matanggal ang duming kumapit sa damit ko.

Umakyat ulit ako sa puno ng mansanas. Kailangan kong kumuha ng makakain namin ni Kira at babaunin dahil aabutin na kami ng gabi sa loob ng gubat. Hindi ko akalain na ganito kahirap hanapin ang mga nakuha ko ngayon. Dati naman ay natatapos ko ang paghahanap at pagkuha ng mga bagay na nasa bulletin ng buong araw at nakakauwi pa ako.

Kailangan ko lang hanapin ang dalawang prutas dahil sa mga ito ako nahihirapan. Naglalakad na kami at tumitingin ulit ako sa paligid baka makita ko ang mga hinahanap ko.

May naririnig akong kaluskos sa mga halaman. Naghanap ako ng sanga na mahaba para gawing panghawi sa mga dahon. Napansin kong umaangil si Kira kung saan nagmumula ang kaluskos. Hindi ito mga hayop na gumagala at maaaring halimaw o nilalang ito na naninirahan sa gubat.

Kumuha ako ng kutsilyo sa sinturon ko at dahan-dahan na hinawi ang mga halaman. Tiningnan ko kung ano ang kumakaluskos sa dahon at nakita kong may pugad at mga itlog dito. Kung mga itlog ang nandito ano ang gumagalaw sa halaman.

May gumalaw na naman sa halaman kaya lumayo ako at unti-unti lumabas ang ulo ng may-ari ng pugad, isang snaris. Kapag ang isang snaris ay nangitlog ay poprotektahan niya ito. Asahan mo na kapag may pugad nila ay may kalakihan rin ang snaris na nagbabantay dito. Hindi pa ako nakakakita ng pugad nila at ngayon ay kailangan kong makaalis dito.

Hindi ko pwedeng patayin ito dahil wala ng magbabantay sa mga itlog. Hindi ako pumapatay ng mga hayop o nilalang kung wala naman itong ginagawang masama.

Nakatingin lang sa amin ang snaris. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa pugad nito. Tinawag ko si Kira at sumunod ito. Alam kong hindi na kami susugurin nito kapag nakita kaming papalayo sa pugad.

Sumulyap ako sa gawi ng snaris at bumalik na ito sa pugad. Hindi ko ugaling pumatay na lang kung anuman ang makita ko sa gubat. Naninirahan sila sa gubat at kailangan rin mabuhay.

Saan ko ba makikita ang delir at gelon? Uunahin ko na lang ang gelon dahil mas madaling makita ito dahil malaking prutas ito.

Papalubog na ang araw at dumudilim na rin ang paligid. Wala na akong makikita kapag tuluyan ng gumabi. Hindi ko na maipagpapatuloy ang paghahanap ko kaya maghahanap na lang ako ng matutulugan ngayong gabi.

Nakakita ako ng malaking puno. Kinuha ko si Kira at nilagay sa bag ko, "Dito ka muna para makaakyat tayo."

Naghanap ako ng makapal at matibay na sanga at nang makahanap ako ay umupo ako at sumandal sa katawan ng puno. Sa lugar na kung nasaan ako ay makikita mo kung gaano kalawak ang gubat. Maliwanag rin dahil sa puting buwan.

Sa punong ito ako magpapalipas ng gabi. Mas delikado kapag nagtagal ako sa baba. Lumabas si Kira mula sa bag ko. Kumuha ako ng mansanas at kumain na kami. Kumuha rin ako ng lubid at itinali ang mga binti ko sa sanga ng puno para hindi ako mahulog. Kailangan kong matapos ang mga dapat kong gawin bukas.

***********

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Maliwanag na. Ginising ko rin si Kira at tinanggal na ang tali sa mga binti ko. Nilagay ko muna si Kira sa bag bago bumaba.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now