Chapter 3 - The Forest

2.5K 147 3
                                    

Another update for this story. Nakakatuwa na may nagbabasa na rin ng fantasy story ko. Alam kong hindi pa maganda ang takbo ng story na ito pero marami pa akong naiisip na mangyayari dito. Leave comments and suggestions sa mga readers ko. My other stories:

My So Strict Boss - Romance

My Snobbish Heart - Teen Fiction

Do vote, comment and follow me.

************

Lahat ng tao ay iniisip na mahihina ang mga babae. Hindi nila alam na may mga bagay na kaya nila na kaya rin ng mga babae. May mga bagay naman na kaya ng babae pero hindi kaya ng mga lalaki. Ang mga pagiisip kasi ng mga lalaki na sila lang ang malakas at walang karapatan na gawin ng isang babae ang kaya nilang gawin.

Ayoko sa lahat sa mga ganoong tao. Puro salita wala naman sa gawa. Nakahanap na rin ng katapat ang lalaking minaliit ang kakayahan ko kanina. Kayabangan lang ang pinaiiral pero duwag naman.

Tiningnan ko ang mga request na kinuha ko. Simple lang naman ang mga pinapahuli. Mga hayop na makikita sa gubat na malapit sa bayang ito. Iilan lang ang may lakas ng loob na pumasok rito dahil marami na ang hindi nakakabalik.

Napansin kong may katagalan na ang mga nakuha kong mga request at hindi pa ito kinukuha ninuman simula ng ipaskil ito dahil wala pang bakas na kinuha ito sa pagkakasabit sa bulletin board. Naalala ko na naman yung lalaking namamahala sa mga ito. Kung hihintayin pa niyang kuhanin ng mga sinasabi niyang mga taong dapat tumanggap nito ay mapag-iiwan na ito ng bagong mission o request na sinasabit sa bulletin board.

Inilagay ko na ang mga ito sa bag kung saan nakalagay yung mga pinaayos kong mga patalim ko kay manong Gardo at nagsimula na akong maglakad pabalik sa bahay.

Mabuti na lang ay maaga pa para hindi ako gabihin sa daan. May mga nakakasabay akong sasakyan na sobrang bilis kung magpatakbo. Akala mo sa kanila ang kalsada. Butasin ko kaya ang mga gulong ng sasakyan nila para maglakad sila pauwi.

"MISS!" May narinig akong sumigaw pero hindi ko pinansin. Baka hindi naman ako ang tinatawag.

"MISS NA MAY TAKIP SA MUKHA!" hindi ko pa rin pinansin dahil wala akong balak makipag-usap sa mga taong walang alam sa buhay kundi gumastos na hindi nila pinaghirapan.

"Ang sungit naman nito pare. Akala mo maganda hindi naman" bubulong pa pero naririnig ko naman. Patamaan ko kaya sila ng kutsilyo ko. Sila na lang ang pagpraktisan ko kung matalim na ba ang mga ito

"MISS TUMINGIN KA NAMAN DITO!" Naiirita na ako sa mga ito. Tumigil ako at tumigil na rin ang sasakyan nila.

Hindi ako nagsalita at tiningnan sila ng masama. Kapag hindi importante ang sasabihin nila ay hindi na ako magpipigil na patamaan talaga sila ng mga kutsilyo ko.

"Miss gusto mong sumama sa amin. Ihahatid ka na namin sa inyo." Ano tingin nila sa akin, TANGA!? Akala ba nila isa akong babaeng pwede nilang magawan ng masama. Bago pa nila magawa sa akin ang iniisip nila ay uunahan ko na sila.

Nilabas ko ang pana ko at kumuha ng isang palaso. Tinutok ko sa sa kanila ito, "Kung ayaw niyong basagin ko ang salamin ng sasakyan niyo ay umalis na kayo."

Tumawa sila. Akala ba nila ay hindi ko totohanin ang mga sinabi ko. Hindi ako nagbibiro at lahat ng sinasabi ko ay ginagawa ko. Tinira ko ang pana ko at nabutas ang salamin ng sasakyan nila sa harap at tumama sa upuan. Malapit sa mukha ng nagmamaneho sa sasakyan na kanina pa tawag ng tawag sa akin.

"Gusto niyo bang ipatama ko na to sa ulo niyo kapag hindi pa kayo umalis pagkabilang ko ng tatlo. Isa...Dalawa...Tat-" hindi ko pa natatapos ang pagbibilang ay nauna na ang sasakyan nila sa akin. Duwag! Simpleng palaso lang natakot na.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now