Chapter 19 - Prince

2.6K 152 39
                                    

Salamat sa paghihintay. 😊

My So Strict Boss - Book 1
You're still the one - Book 2
My Snobbish Heart - Teen Fiction

~¤💞¤~

Hindi ko makita kung saan ang labasan ng pasilyong ito. Akala ko madali lang lumabas. Gusto kong makita kung ano ang ginagawa kapag may formal training ng archery. Ngayon pa lang ako makakakita kung makakalabas lang ako dito.

Sa wakas nakita ko na ang labasan. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na kaninang narinig ko. Sino kaya ang nagsasanay?

Nagtago ako sa malaking puno ng malapit na ako. Nakita ko ang isang lalaking nagsasanay at nahihirapan sa pinapagawa sa kanya.

Nahihirapan na ako pinagtataguan ko. Umakyat ako sa puno at naghanap ng matibay na sanga para makaupo. Mas malinaw ko ng nakikita ang ginagawa nila.

"Your highness, kailangan niyo pong hawakan ng mabuti bago niyo bitawan."

"Ginagawa ko naman pero hindi talaga umaabot sa target."

"Kailangan niyo pong makinig muna bago niyo gawin. Hindi niyo po agad matutunan ang pagpana sa target kung sa akin pa lang ay hindi niyo pinapakinggan."

Tinawag ng may edad na lalaki na your highness ito? Siya ang prinsipe? Nakatalikod ito sa lugar ko kaya hindi ko siya agad nakilala. Iniwan muna nito ang tinuturuan at naiwan ang prinsipeng mag-isa.

Tinitingnan ko lang kung ano ang gagawin niya. Nakatayo lang ito ang pinagmamasdan ang panang hawak niya. Kung hindi siya magsasanay, hindi niya magagawa ang dapat niyang gawin. Kumilos na ito at tinutok ang pana sa target niya.

"Magconcentrate ka muna bago mo bitawan. Huminga ka ng malalim at titigan mo lang ang target. Huwag kang magmadali."

Sinunod niya ang sinabi ko. Naging mahinahon na siya at hindi na rin masyadong magalaw ang katawan niya. His posture remained constant and when I said 'release', he let go the arrow.

Hindi ko napigilan ngumiti dahil nagawa na niya.

"Kung sino man ang nandyan, magpakita ka!"

Hindi pa rin siya tumitigil sa kakalingon sa paligid. Hindi ba niya naisip na pwede akong nasa itaas ng puno.

"I'm here!"

"Who are you?"

Tumalon ako sa sangang pinagkakaupuan ko. Nakasunod pa rin ang tingin niya sa akin.

"I'm just a visitor. Continue your training, your highness. Don't mind that I'm here."

"What's your business in here?"

"Dana!"

Dumating na rin pala ang isang to. Ang tagal naman kasi niya kaya nag-ikot na ako.

"Di ba sinabi kong huwag kang aalis sa pinag-iwanan ko sayo! Bakit ba hindi ka marunong sumunod sa sinasabi ko?!"

Tinakpan ko ang tenga ko. Ang lapit lang niya pero kung makasigaw akala mo ang layo ko. Hindi ko aalisin ito kung hindi pa siya titigil. Napagod rin ito kakasigaw kaya tinanggal ko na.

"Tapos ka na?"

"Hindi pa ako tapos!"

Hindi niya ba napapansin na may kasama kaming ibang tao. Hindi siya nahihiya sa ginagawa niya.

"Hindi ka na naman nakikinig! Dana-"

"Why are you shouting at her like that, Zero?"

"Sino ba naman ang hindi maiinis kapag simple instruction lang hindi pa magawa ng babaeng ito! Kanina ko pa siya hinahanap, nakakahiyang paghintayin ang hari at reyna."

The Black ArcherWhere stories live. Discover now