Chapter 18 - Invitation

2.6K 147 35
                                    

Thank you sa mga comments niyo. 😊

~¤💞¤~

Tinakasan ko siya para hindi ko makasama pero nakakagawa pa rin ng paraan ang isang to. Tiningnan ko ang dinadaanan namin para hindi ako maobligadong kausapin siya. Hindi niya ba maintindihan na ayokong makasama ang isang mayabang na katulad niya.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?"

Hindi ko kinibo. Bahala siyang magsalita sa harap. Hinawakan ko si Kira. Kahit hindi siya nakikita ng kasama ko para malibang sa matagal na biyahe. Okay lang sana kung ang maghahatid sa akin ay ang lalaki kanina kaso napalitan ng hindi ko nalalaman.

Hindi kasi ito nagsasalita buong biyahe kaya mas magandang ito na lang ang naghatid sana sakin kaysa sa kanya.

"Miss! Hindi ako pumayag na ihatid ka para lang tumahimik dyan at hindi makikinig sa sabihin ko!"

"Kalalaki mong tao, ang daldal mo."

Itinigil niya ang sasakyan at masamang tumingin sakin. Nagsasabi lang ako ng totoo kaya huwag siyang masaktan. Kaya ayokong tumagal na kasama ito sa ugaling gustong nasusunod sa lahat ng bagay.

"Miss, hindi ako nakikipagbiruan sayo. Inutusan ako ng royal family na papuntahin ka sa palasyo. That was an order, you can't ignore their invitation."

"Anong dahilan kung bakit ako pinapapunta?"

"Alam nilang ikaw ang nakakuha ng lunas sa karamdaman ng reyna kaya gusto ka nilang makita."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi na dapat ako pumunta doon. Sila ang inutusan na kunin ang bulaklak at ang reward lang naman ang kailangan ko kaya kinuha ko ito. Sinabi na lang sana niya na siya ang nakakuha. Wala naman akong pakialam kung gawin niya yon. Basta binayaran nila ako.

"Ikaw ba ang nagsabi sa kanila?"

Siya naman ang tumahimik. Kapag kailangan magsalita, nanahimik. Kaya nakakawalang ganang kausap siya. Alam ko na tama ang hinala ko. May binigay siyang papel at kinuha ko.

May seal ito ng royal family. Parang ayoko ng buksan para hindi masira. Gusto kong itabi at itago. Nilagay ko sa bag. Bumiyahe ulit kami.

"Hindi mo ba bubuksan?"

"Ayoko."

"Paano mo malalaman kung kailan ka pinapapunta kung hindi mo bubuksan at babasahin?"

"Kaya nga nandito ka para sunduin ako at dalhin sa palasyo."

Halata naman kasi niya. Hindi siya mismo ang uutusan kung hindi sinabi ng royal family na papuntahin agad ako. Ang pagbibigay lang ng invitation ang formal na pag-aanyaya sa akin nila.

"Sarcastic girl..."

"Boastful man..."

Sinabi ko ng malakas para malaman niya ang ugali na meron siya. Alam kong sarcastic ako sa mga ayaw kong makausap. Ngayon lang yata nasabihan ang taong ito na mayabang siya kaya pinahinto na naman niya ang sasakyan.

"Shut up! Kung hindi ka lang babae, pinatulan na kita."

"Bakit hindi mo gawin?."

Nahampas niya ang manibela. Nagpipigil ito sa balak gawin. Ilang minuto ang lumipat, bumalik rin siya sa dati at pinaandar ang sasakyan na parang walang nangyari. Madali pala siyang mainis sa mga simpleng salita lang na hindi niya nagugustuhan.

Ituro ko kung saan niya ako ihahatid. Ginabi na kami at nakita ko si Mother Delia na naghihintay sa pintuan. Lumabas ako ng sasakyan at lumapit sa kanya.

The Black ArcherWhere stories live. Discover now