Chapter 25 - Cliff

1.5K 115 27
                                    

Sorry sa matagal na update. Enjoy this chapter and continue supporting my stories. Thank you.

~°~

Nagmadali akong mahanap ang mga ingredients sa ginawa kong healing potion noon. Nabasa ko iyon sa isa sa mga nahiram kong libro kay Lolo Warren na kayang magpagaling sa katulad ng sakit ng asawa ni Manong Gardo. Ang mahirap lang sa paghahanap ko, hindi lang sa iisang lugar nakikita ang iba sa dapat kong hanapin kaya dapat kong mapuntahan ang lahat ng posibleng lugar na pwedeng pagtubuan ng mga halaman.

Pipilitin kong makuha lahat ng kailangan ko sa loob ng dalawang araw. Hindi kakayanin ng simpleng gamot ang sakit nito.

"Master, ano po ang hinahanap natin?"

"Isang bulaklak na iba't iba ang kulay ng petals. Tumutubo ito malapit sa mga bangin."

Kaya dumeretso kami sa bangin na alam ko. Sana makakita ako. Nakarating kami sa sinasabi ko at lumapit ako sa bangin dahil sa gilid nito tumutubo ang halaman. Lumalakas ang hangin kaya umatras ako at lumayo. Kung hindi ako mag-iingat, pwede akong mahulog.

"Master, bakit hindi pa po natin hinahanap ang bulaklak?"

"Delikado kapag nagtagal tayo malapit sa bangin. Sa lakas ng hangin, pwede tayong matangay at mahulog. Hintayin natin na humina para makalapit tayo."

"Hindi po ba kailangan nating magmadali, master?"

"Wala tayong magagawa, Kira. Hindi natin kakayanin ang lakas ng hangin. Mas mabuti pa ang mag-ingat. Gagawa na lang ako ng paraan na mapadali ang iba pa nating hahanapin."

Ilang oras na kaming naghihintay pero malakas pa rin ang hangin. Hindi ako maghihintay ng ganito katagal kung imposibleng makita ko ang halaman. Dito ko ito nakita at sana dinggin ng goddess ang dasal ko.

Nang humina na ang hangin, mabilis ako lumapit para tingnan kung makikita ko ang bulaklak. Sa gilid ng bangin ay may halamang nakatubo doon. Nagpasalamat ako sa goddess. Kinuha ko ang lubid at tinali sa puno. Kailangang kong bumaba.

Malapit na ako ng humangin ng malakas. Napakapit ako ng mahigpit sa lubid para hindi malaglag. Nang humina, binilisan kong kunin ito kaso humangin na naman at nagtagal na ito. Ang hirap humawak sa lubid at kinakabahan ako na baka maputol o matanggal sa pagkakatali kung hindi ko pa bibilisan na makaakyat.

"Master!"

Hindi ko magawang tumingin sa itaas. Nahihirapan na akong humawak. Hindi ako pwedeng mahulog sa bangin. Marami pa akong gustong gawin at tulungan. Kailangan pa ako ni Mother Delia.

"Master!"

"K-Kira...Nahihirapan akong kumapit sa lubid..."

Paunti-unting lumiliit ang lubid na nahahawakan ko.

"Kira!"

Nahulog na ako at pinikit ang mga mata ko. Ayokong makita kung ano ang kahuhulugan ko pero bigla naramdaman kong hindi ko na ramdam ang pressure ng pagkahulog ko sa bangin. Pagmulat ko ay puting balahibo ang nahawakan ko at napakapit ako.

"Master!"

Hindi ko mabuksan ang mata ko. Tumigil na ang paggalaw ng nakasalo sakin kaya tinignan ko ang paligid. Nasa lupa na ulit kami. Si Kira ang sumalo sakin. Nanlambot ako dahil muntik na akong mamatay. Kung wala siya, siguradong hindi ko na kayang gumawa ng paraan para makaligtas. Yumakap ako sa kanya.

"Kira! Salamat sa pagligtas sa akin."

"Huwag po kayong magpasalamat. Lahat ay gagawin ko para sa inyo, Master."

The Black ArcherWhere stories live. Discover now