Chapter 41 - 50%

21.7K 333 132
                                    

A/N

Okay. Hello to my super duper galuper late update. Bakit late? Eh kasi tanga tanga ang author niyo. Na-istapler ko lang naman yung daliri ko. SRSLY. Huwag kayong tumawa. Totoo yun. Nagresign na kasi ako sa job ko, at sa last day of work, hindi ko alam pero napagtripan kong paglaruan yung stapler – dulot na rin siguro ng sobrang pagkalungkot. Haha. Yun. Kaya hindi muna ako nakapag-type. Malungkot + Sugatan . =)) Anyway,  babawi naman ako. Will update faster until makahanap ulit ng bagong work. Promise yan. Thanks for understanding! Love you. 350K reads! Thank you!

May twitter na din pala si Janina F. operated by my anak @Dreamerie on wattpad. :> Check it out at @janinafortaleza on Twitter. :D Follow niyo din ako kung trip niyo lang. Hehe. Tweet tweet tayo! @mhariztan :D ♥

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Paulit-ulit kong binabasa yung note habang inaayos ko yung mga libro sa library. Hindi ko namalayan kung mabilis ba ako o mabagal dahil ang nasa utak ko lang ay ang sobrang pagka-kilig ko. Hindi ko na rin tinignan ang orasan nang natapos ako, dumiretso nalang ako ako agad doon sa couch kung saan nakasulat sa note ay doon iniwan ni Sky ang kanyang jacket para suotin ko. Napangiti nalang ako bigla nang nakita kong nag-effort pa talaga siya sa pag-tupi nito. Ang sweet talaga ni Sky. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Kainis! Nagmumukha na tuloy akong baliw dito.

Sinuot ko agad yung jacket niya. Color gray ito at malaki ito sa akin, halos parang dress ko na ito. Nung zinipper ko ito, nagmukhang ito lang ang suot ko. Hindi na kasi kita talaga yung mismong cheer leader outfit eh. Puro jacket nalang ni Sky ang nakikita. At take note, may nakasulat pang 'S. Anderson' sa likod ng jacket kaya lalo akong kinilig. Parang lumalabas kasi na pag-aari talaga ako ni Sky. Hehehe.

Mabilis akong nakauwi sa dorm na tinitirahan namin ni Shibama suot suot ang jacket. Itong si Shibama naman, hindi talaga pinalagpas ang nakita niyang suot suot ko. Bago pa ako makapagsalita ay pinangunahan na niya ako agad ng kanyang tili at tirik ng mata. Ang sakit sa tenga pero wala lang yun sa kilig na nadarama ko. Nakitili pa ako kasama niya. At ayun nga, kinwento ko na sa kanya ang lahat lahat ng nangyari. Nagpasalamat din ako sa kanya at sa kanyang medyo palpak na 'Happy Tree Friends' plan. Kahit papaano ay nakatulong din naman iyon.

Madami dami rin ang napag-kwentuhan namin ni Shibama habang kami ay nagdidinner. Pero natigil iyon nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si papa na siya namang sinagot ko agad. Syempre, papa ko yun eh.

"Hello pa! Kamusta  ka na diyan?" bungad ko.

[Ito anak. Ayos lang. Ikaw ang kamusta?!]

"Ito. Ayos lang naman ako Pa. Kasama ko naman dito si Shibama. At yung sa amin naman ni Sky, may improvement na. Sa tingin ko Pa, may pag-asa na magkaayos pa kami."

[Mabuti naman anak. Pero anak, huwag pababayaan ang pag-aaral ha? Mas importante iyon.]

"Oo naman Pa! Love you!"

[Love you more anak, pero bago mo ito ibaba, may gusto pang kumausap sa iyo. Teka, eto o.]

"Huh? Sino naman yun pa?"

[Um. Hello Ynna.] si Caloy pala.

"Caloy." Sabi ko. Durugtungan ko pa sana yung sasabihin ko pero bigla namang namatay yung cellphone ko. Low batt. Nako naman. Baka kung ano pa ang isipin ni Caloy. Baka isipin nun na ayaw ko makipag-usap sa kanya at binabaan ko siya. Lagot na.

"What happened girl?" tanong ni Shibama. Nahalata niya siguro sa mukha ko na medyo nagulat ako.

"Ah eh kasi... nawalan ako ng battery nung si Caloy na ang nasa linya. Baka isipin niya na ayaw ko siyang kausapin..."

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon