Chapter 11 - FHM

26.8K 367 19
                                    

• FARRAH MAE ALONZO •

"I love you, Dave." I said after he kissed me.

Kaya lang naman niya ako hinalikan kasi nakita niyang dumaan si Ynna at Sky. Hinahalikan lang naman niya ako kapag nakikita niya si Ynna e. He never kissed me kapag kaming dalawa lang. Kaya nga gusto ko na lumalapit lagi kay Ynna para halikan man lang ako ng lalaking mahal ko.

Oo, tanga ako. Tanga ako dahil mahal na mahal ko si Dave na kahit kailan ay hindi naman ako minahal. Pero tanga din naman siya. Nagpapakatanga ako sa kanya habang siya naman ay nagpapakatanga kay Ynna. Kaya siguro kami naging magkarelasyon dahil pareho kaming tanga.

Well, Dave's hoping na magseselos kasi si Ynna after our kiss. But he was wrong, kasi hindi man lang lumingon sa gawi namin si Ynna at Sky na kasalukuyang naglalakad papuntang parking lot. Naawa ako bigla kay Dave. Kung ako nalang kasi sana ang minahal niya edi sana wala kaming problema ngayon. Bakit ba kasi lahat nalang ng tao, mapa lalaki o babae, gustong gusto si Ynna? Ano bang meron siya na wala ako? I hate her. I really really hate her.

Kakausapin ko pa sana si Dave pero paglingon ko ay bigla nalang siyang nawala sa tabi ko. Nakita ko siyang naglalakad nang papalayo sa akin. Pupunta na yata siya sa class niya since it's already past 6 PM. Puro night classes kasi ang mga kinukuha niya para mabantayan daw niya si Ynna sa umaga. Sobrang tanga lang talaga niya. Eh ni isang bahid nga ng selos eh wala pa akong nakikita sa mukha ni Ynna eh.

I wonder kung talagang nahuhulog na kaya si Ynna kay Sky? Hindi man lang niya kasi tinitignan si Dave eh. Ang alam ko ay mahal na mahal nila ni Dave ang isa't-isa noon e. Pero for some reason ay nagbreak sila. I don't know what exactly the reason is kasi hindi naman sinasabi sa akin ni Dave everytime I'm trying to ask him.

May chismosa ding nakapagsabi sa akin na ginagamit lang daw ni Sky si Ynna para pagselosin ako eh. I must be happy but fuck, minsan talaga nagseselos ako. They are very effective. I hate it. Alam ko namang ginagamit lang talaga ni Sky si Ynna at ako talaga ang mahal ni Sky dahil nakikita ko pa rin na nagnanakaw ng tingin si Sky sa akin from time to time. Pero yung mga efforts ni Sky kay Ynna are something that he never did to me noong kami pa.

Minahal ko naman si Sky. Pero as a friend nga lang. Because it's really Dave that I am in love with ever since before. Nagtatampo lang talaga siguro ako kay Sky kasi parang mas special ang treatment niya diyan kay Ynna kesa sa akin. Eh 'di ba ako ang mahal niya? Dapat ako ang mas special. Pffft.

"Fars! Di ka pa ba uuwi?" said Jenna, my team mate. One of Centuria's best volleyball players.

"Ah yeah, uuwi na din ako."

"Okay! Bye!"

"Bye!"

Naglakad na akong papuntang parking lot kung saan naghihintay sa akin ang driver ko. Dito sa ECB, bago ka pa man makarating sa parking ay madadaanan mo muna yung garden.

Nang napadaan na ako sa garden ay may narinig akong mga chismis at bulung-bulungan.

"Nagkiss si Sky at Ynna!"

"Ang sweet!"

"Grabe! Pero ang wild!"

"Pero shit! Bagay sila!"

"True! Sana sila nalang forever!"

I was alarmed with what I heard kaya naman bigla akong napalingon at naglakad papunta kung saan maraming taong nagkukumpulan at parang kilig na kilig.

And there I saw it.

FUCK!!!

They are both lying on the grass, kissing.

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon