Chapter 14 - Honesty

24.2K 380 51
                                    

• ALYNNA MARIE PAREDES •

[Wednesday Night]

Uuwi na sana ako nang hinila ako bigla ni Sky sa isang classroom na walang laman. Ang dilim dilim naman dito. Nakakatakot. Buti nalang at hindi ako takot masyado sa mga multo. Hindi rin naman kasi sila totoo eh. Che!

Halos wala nang estudyante dahil gabi na rin. Ewan ko ba dito kay Sky, pwede namang ipagpabukas ang book report na ito dahil next week pa naman talaga yun eh. At yung practice practice na sinasabi niya, next month pa nga yata yung competition na yun eh. Atat masyado! Hayst. Ang akala ko noong una ay siya yung ayaw sumali sa pageant tapos ngayon siya yung gustong gustong magpractice. Tss. Pageant boy.

Oo, iniiwasan ko talaga si Sky. Ang akala ako kasi ay kapag iniwasan ko siya ay hindi na ako susugurin pa ni Farrah. Sabi kasi ni Shibama ay konsensyahin ko siya eh. Baklang yun talaga. Tignan mo, ako tuloy yung bugbog sarado ngayon! Hmp!

Tumingin ako sa gawi ni Sky at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Kung bakit? Kasi lumuluha pa rin pala ako. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basang basa ito ng mga luha ko kanina noong sinabunutan at dinaganan ako ni Farrah. Anyare? Never ending ang tears ko! Gripo lang? Magartista kaya ako pag-graduate? Hmm.

Ah! Masyado kasi yata akong nadala sa pinanuod sa akin ni Shibama noon!

*Flashback*

Pagpasok ko palang ng condo ay binungad na ako ng sangkatutak na tanong ni Shibama.

"Saan ka nanggaling?" Hala ka. Daig pa si pala kung makatanong!

"Umm.. MoA?"

"Anong ginawa niyo?"

"Ice skating?"

"Yun lang?"

"Kumain din sa Chinese Restaurant."

"Bakit kayo nag-away?" p-paanong?! Mind reader!

"A-Away? Hindi ah."

"Eh bakit ka nakataxi?"

"Pag nakataxi nag-away agad?"

"Ynna, I'm serious." wow. Sky, ikaw ba yan? Makaserious!

"Nauna lang ako umuwi." pagsisinungaling ko.

"Eh bakit sira na yang make-up mo sa mata?"

Ay. Oo nga pala. Hindi ko na nga pala tinignan ang pagmumukha ko nung umalis ako. Masyado na kasi akong nadala ng mga emosyon ko nung mga oras na yun. Siguradong sira na ang make-up ko. Malamang ay talagang malalaman ni Shibama kung may nangyari dahil pamilyar na siya sa mukha ko dahil siya ang laging nagmamake-up sa akin. At bilang kaibigan ay kilalang kilala na rin niya ang pag-uugali ko. Alam na niya kung nagsasabi ako ng totoo o nagsisinungaling lang ako.

"Ewan." sinubukan ko pa ring paniwalain siya. Nagkibit balikat ako.

"You can't lie to me Alynna girl. Just tell me why."

Katahimikan...

Bakit ang seryoso niya? Naaalala ko tuloy si Sky bigla.

Sasabihin ko ba o hindi?

'Wag nalang kasi baka maawa lang siya sa akin.

Tsss! Siya nalang nga ang kakampi ko eh!

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon