Chapter 6.2 - Hold Up

27K 391 24
                                    

[Eastville College  of Business]

Pagdating namin sa ECB. All eyes on us. Kasi ba naman, kahapon nakita nila kaming holding hands while walking. Ngayon, HHWW ulit kami. Nakakahalata na yata sila na may something na sa amin eh. Sikat na sikat pa naman kaming dalawa sa school kaya imposibleng hindi pagusapan kahit ang mga maliliit lang na kilos namin. At eto na nga, narinig ko na ang mga chismosa ng bayan.

"OMG! Si Sky at si Ynna na ba?!"

"LOOK!!! Holding hands sila!!!"

"Sinasabi ko na nga ba! Kaya di nila nagawa yung assignment before kasi iba ginagawa nila!"

"Gosh! They're so liberated!"

"Ewww! Di ba nila alam ang 3-month rule?"

"I wish I was Ynna!"

"Me too!"

"Sana ako na next sa mga naka line up kay papa Sky!"

"Ako kaya ang next!"

"Ako! Ako! Ako!"

Grabe naman itong mga babaeng ito. May pa-line up line up pang nalalaman. Ano bang kala nila kay Sky? Kuhaan ng NBI clearance?! At iniisip pa rin talaga nila na may nangyari sa amin ni Sky kaya hindi namin nagawa yung assignment. Ang dudumi talaga ng utak. Kahit naman sabihin ko sa kanila na walang nangyari, hindi rin naman sila maniniwala kaya hinayaan ko nalang. Ganito na kasi talaga yata ang naging imahe ni Janina sa kanilang lahat.

Nadaanan namin sila Farrah at Dave na nakabusangot ang mga mukha na nakatingin sa amin at sa mga kamay namin na magkahawak. Problema ng mga yun? Eh diba sila nga yung nangiwan kay Sky at Janina. Sinabihan pa nga ako nung Dave na hindi na niya ako pwede balikan dahil may girlfriend na siya eh. Tandang tanda ko pa yun. Tapos ngayon mga nakabusangot sila? Ano yun? Sila lang ang pwedeng magkaroon ng relasyon? Che!

Nakita ko namang napangisi agad itong si Sky nang nakita niya ang reaksyon nung dalawa. Mukhang tama siya dahil umepekto agad ang plano niya. Parang nagseselos talaga si Farrah. Buti naman, sana talaga maging sila na ulit ni Farrah para naman matapos na itong kontrata ko.

Nadaanan din namin ang The Vengeance na sila Erick at Dwight at tila tuwang tuwa sila sa nakikita nila. Mukhang alam nila ang naging kasunduan namin ni Sky. Malamang alam talaga nila kasi mga best friends sila ni Sky eh. Baka nga kasabwat pa sila eh.

"Here's the new couple! Woot woot!" Excited na sinabi ni Erick. Nakipag-apir si Sky sa kanya. Nginitian ko nalang siya. Tama naman diba? Alangan namang makipag-apir disapir din ako sa kanya.

"Congrats bro!" Yayakapin sana ni Dwight si Sky pero pinigilan siya nito na para bang nandidiri ito sa kanya. Ang sama talaga!

"Gross bro." Sabi ni Sky tapos nagtawanan nalang sila. Biruan lang naman pala. Masyado ko namang sineryoso. :P

"Congratulations beautiful Ynna!" Humarap sa akin si Dwight.

"Hehe. Thank you, Dwight." Nahihiya kong sinabi. Naguguluhan ako. Hindi ba nila alam na kontrata lang to?

"Don't you dare call my girl beautiful." Singit ni Sky. Tinignan ko ang mukha niya at seryoso niya itong sinabi kay Dwight. Wow ha, lakas talaga maka tunay na boyfriend. Masyadong pa-fall. Kaya maraming nauuto itong bruhong to eh. Well, not me. Oha! English yan ha!

Umatras nalang ang natatawang sila Dwight at Erick at tinaas ang dalawa nilang kamay para ipakita na hindi sila lalaban kay Sky. Nagpaalam na din silang aalis na sila para naman daw hindi na nila maistorbo ang moment namin. Moment talaga? Charing!

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon