Chapter 33 - Mine

17.9K 266 67
                                    

 A/N

This chapter is Janina's current situation in NYC! :P The next chapter will be back on Ynna's POV. Whew! Nairaos din si Janina! Medyo hirap kasi ako isulat yung character ni Janina e. Sobrang attached na yata ako sa pagiging Ynna. :P Anyway, yun lang. Enjoy reading! Thank you for almost 200K reads! Kilig! Happy me! Thank YOU. ^__^

Also, the theme song for this chapter is 'Rescue Me by Divina Sisters', it's a song the about bullying. Try watching the video on the media corner. I am also part of that video. So hanapin niyo nalang kung saan ako dun. Clue: Ako yung bully. Bwahaha! :P

♥ Mhariz

--

• JANINA NICOLE FORTALEZA •

"Ang ganda ganda naman ni Riri. Kamukhang kamukha mo siya, Lalaine. Mas maganda siya doon sa Nini, yung panganay mo ba yun?"

"Ah. Oo. Bunso ko si Riri at panganay ko si Nini. Pareho naman silang maganda. Pero mas marami ngang nagsasabi na mas maganda itong si Riri."

"Kung ako sa iyo, kumare, itong si Nini nalang yung ipadala mo sa Bohol. Si Riri nalang ang dito sa Maynila. Tutal siya naman ang mas maganda. At mukhang mas mabait din siyang bata."

"Huwag naman. Si Nini naman talaga ang anak ni Philippe kaya siya ang dapat sa Maynila. At alam ko namang mamahalin ni Peter ng buong buo si Riri sa Bohol kaya ayos na din ako doon."

"Ikaw rin. Mga anak mo naman yan eh."

"Babalikan ko nalang si Riri baling araw. Sa ngayon, kay Nini ko nalang muna ibibigay lahat ng atensyon ko. Pero mahal na mahal ko si Riri..."

~

"Ynna, please! Tayo nalang ulit! Mahal na mahal kita!"

"Dave, please lang ha! May mahal na akong iba! Hindi kita mahal!"

"Ynna, please! Gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ako sa buhay mo. Hihiwalayan ko si Janina. Ikaw ang mahal ko Ynna! Ikaw lang at wala nang iba pa!"

"Dave naman, maawa ka naman sa ate ko. Mahal ka niya kaya hindi mo siya pwedeng hiwalayan! Ayokong magalit siya sa akin. Ayokong maging sanhi ng pagkakasira ng relasyon niyo! At hindi kita mahal, Dave!"

"Pero Ynna! Please Ynna! Ikaw ang mahal ko Ynna at hindi ang ate mo!"

"Hindi kita mahal Dave, doon ka na sa ate dahil sa kanya, siguradong tatanggapin ka niya. Sa akin, wala kang pag-asa. Sorry, Dave."

~

"Ynna dear! We missed you!"

"I missed you too, Karen & Debbie!"

"My god! Sana hindi na bumalik si Janina. Para tayo nalang talaga yung mag-bestfriends. You are way way way better than your sister!"

"Debbie naman, 'wag ganun. Mas okay kapag tayong lahat magkakasama. Pero in fairness, okay na din yung ngayon na tayong tatlo lang. Hahaha."

"True! Kung bumalik man siya or not, we won't care as long as we have you as our boss, Queen Ynna!"

"Love you girls! Mwah!"

~

"And our valedictorian is... Alynna Paredes! Please come up the stage and get your medals."

"Thank you, Dean!"

"Your very much welcome, Ynna! You deserve it. Sana tularan ka ng ate mo someday. Turuan mo naman siyang maging masipag kahit minsan lang."

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon