Chapter 7 - Phone Call

22.9K 338 19
                                    

WOAH.

Nasa Fitness First kami ngayon ni Shibama.

Ang ganda ganda pala dito. Sobrang laki ng puwesto. Hindi ko inakala na may gym pala na umaabot nga dalawang floors. Kumpleto ang mga gym equipments. May mga panglalaki at pambabae. Meron din sauna at steam room sa mga tamad siguro magexercise. Meron din yoga room sa mga gustong magpakagoma. Meron din dance studio sa gustong gumiling at sumayaw habang nagbuburn ng calories. Ang ganda talaga. Meron pang libreng kape, chaa at internet. Sabeh! Ang ganda talaga ng buhay ng mga mayayaman. Napakaswerte ko na nararanasan ko itong lahat.

Inikot ko ang tingin ko sa buong gym. Ang gwagwapo ng mga lalaki! Ang dami nilang mga abs! Totoo palang nakakaakit ang mga ito! Lalo na yung isa banda sa gilid oh! G-W-A-P-O. Tisoy na tisoy! Pwede! Hihihi! OMG haliparot hormones! Magsitigil kayo!!! Nakakakilabot!

Pero bakit naman kaya ako dinala dito ni Shibama? Ang alam ko ay kailangan kong pumunta sa gym thrice a week. Ginagawa ko naman iyon. Dinadala kasi ako ni Shibama lagi sa gym ng condo namin. Pero ngayon, bakit kaya kami nandito sa Fitness First? Hmm.

"Shibs, bakit tayo nandito?" Tanong ko.

"You'll workout! You're becoming super thin na kaya! You have to workout and be fit, girl!"

"Eh di ba pangpapayat ang work out?"

"Meron din namang pangpagain noh!"

 

"Ay talaga?"

 

"Yup!"

 

"Kaya ba tayo nandito?"

 

"Correct! You're here to gain weight! Kasi kapag pinabayaan lang kita sa gym natin sa condo on your own, lalo ka lang papayat."

 

"So nakakataba dito?"

 

"Hahaha!! You're funny! Of course not. We are here to meet your trainer!"

 

"Wow. May trainer trainer pa?! Parang aso lang?!"

 

"Yup! Parang doggies! hihihi! See that super gwapo boy there? He is Dylan Carlos. He is Janina's personal fitness trainer." Tinuro niya sa akin yung lalaking nakita ko kanina na nagbubuhat ng barbel. Yung lalaking pinagnanasaan ko kanina!!! Wow. Siya trainer ko? Hayahay! Pero baka naman hindi ako makapagconcentrate. Gwapo eh! Hehehe.

"Wow." Ito lang ang nasabi ko.

"True! Super wow! Fafa kung fafa!" Dagdag ni Shibama. 

"Fafa nga." Pagsang-ayon ko sa kanya habang nakatingin pa rin kay Dylan. Para kaming baliw!

"Riiiiight giiiiirrrlll!" Dagdag ulit ni Shibama sabay kagat pa ng labi niya. Hanep! Hahaha!

Tinignan ko ang trainer ko hanggang sa nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin.

Waaaah. I die.

Joke. Hehe.

Landi! Grr!

Lumalapit na siya papunta sa kinatatayuan namin ni Shibama.

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon