Chapter 9 - Almost Kiss

29.9K 482 36
                                    

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Sinabi ko na ba dati na ang bilis talaga ng panahon?

Eh kasi naman..

Isang buwan na pala ang nakalilipas simula nung pumasok ako sa ECB. Kung tutuusin ay napakaikling panahon lang ng isang buwan pero masasabi ko talagang marami nang nangyari. Parang sumakay ako sa isang roller coaster ride ng isang buong buwan. Whew!

Grabe.

Pero so far, nageenjoy naman ako.

Minsan, nakakaiyak na ewan, pero mas iniisip ko nalang ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin dito sa Maynila.

Miss na miss ko na din si papa. Ang alam ko ay binigyan siya ni Janina ng open ticket para bumisita siya sa akin dito sa Maynila kung kelan man niya gustuhin eh. Bakit kaya ayaw pa niya gamitin? Ayaw ba niya akong makita? Huhu. Baka naman ay binenta na niya yun? Tsss. *Pout*

Sa school naman ay naging mas mahinahon na ang lahat. Wala nang masyadong ganap. Nakakapagaral na ako ng matiwasay. Salamat naman.

Kasa-kasama ko pa rin ang The Royals. Medyo natututo na din ako mag English. Oh diba! Kaya ko na sila sabayan! Hehe! Pero siyempre mas magaling pa din sila. Asa pa akong mapantayan ko sila. :P

Naging mas close na din ako sa iba pang miyembro ng The Vengeance na sila Erick at Dwight. Nakakapagharutan na kami minsan. Mababait din naman pala sila. At nirerespeto nila ako bilang tao at bilang kaibigan kaya naman ay sapat na yun sa akin.

Si Sky naman, lagi pa rin akong hinahatid at sundo dito sa condo namin. Ginusto niya yun eh. Hayaan nalang natin siya. Mapapagod din naman siya at titigil din naman niya yan kapag naging sila na nung Farrah babes niya. Yuck. Eww. Parang gusto kong masuka? Hehe. Jokijoki.

Hinahatid lang niya ako pero hindi naman kami halos naguusap. Pekeng peke lang talaga ang mga pag-uusap namin. Naguusap lang kami kapag kailangan. Kapag nandiyan si Farrah niya. Kapag kailangan namin pagselosin yung Farrah niya. Yun lang.

Huling maayos na pag-uusap namin ng bruho ay doon pa sa Yakimix buffet. Ang saya saya ko nun. Hindi lang dahil sa masasarap na pagkain, kundi dahil din sa unti unti ko nang nakikilala si Sky. Mabait din pala siya at matulungin. Akalain mong binuhat pa niya ako papuntang clinic. Nakakakilig kung iisipin. Pero hanggang doon nalang pala iyon. Matatapos na pala any lahat noong araw din na iyon. Dahil pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na niya ako pinapansin man lang. Hindi talaga yata niya ako kayang gawin na kahit kaibigan man lang. Oh well. Papel. Edi wag. Che!

*Baby baby baby baby heaven sent you

Maybe maybe maybe maybe we were meant to be

Together be forever two little hearts go boom*

Merylle calling...

"Bes!!!! I miss you! Kamusta ka na?" pagbungad ko.

[Eto bes, miss na miss ko na din kayo.] Parang malungkot ang boses ni Merylle.

"Magkikita na din tayo! Konting hintay nalang! Hihi!" sinubukan kong pagaanin ang pakiramdam niya sa pamamagitan ng pagkikita namin ulit. Alam kong after this school year pa kami magkikita pero di ba mabilis lang naman ang panahon?

[Bes... Hindi umuwi si Caloy.] Ano daw? Eh ano naman kaya?

"Ha? Uuwi ba dapat siya?"

[Oo bes sabi niya sa akin uuwi siya. Pero hindi siya umuwi. Alam mo ba kung nasaan siya?] Dama ko na malungkot talaga ang boses ni Merylle.

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon