Chapter 47 - Last Card

24.4K 345 103
                                    

A/N

Late update :< Sorry! I was about to post it on Sunday morning kaso nung pinost ko, hindi pala na-publish, na-save lang. HAHA! Eng eng si author. :P Anyway, this chapter contains 3 POVs. Enjoy :3

Almost 600K reads na, reached the highest rank so far on TeenFic at #16 and now I'm seeing my characters talk on Twitter like they are real people! Super amazing lang. hahaha! Thanks guys! You are really making me happy despite all the problems I have now. Mwaaaa :*

Mhariz ♥ / Next update: March 29/30

 

 

--

• PETER PAREDES •

 

 

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with anything in this world

 

 

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko habang pinapanuod ko ang Forevermore marathon dito sa bus na sinasakyan namin nila Caloy at Merylle papuntang airport. Damang dama ko ang sakit na nararamdaman ni Agnes nung iniwan siya ni Xander. Parang nanumbalik tuloy ang mga sakit na naramdaman ko nang iniwan ako ni Lalaine para bumalik siya kay Philippe noon.

Sinisipon na ako sa sobrang pag-iyak pero hindi ko talaga mapigilan ang luha ko sa pagtulo. Buti nalang at naalala ko na may dala pala akong gamot sa sipon, at mayroon din pala akong dalang tissue sa maleta.

Dali dali kong kinapa ang maleta ko sa ilalim ng upuan ko bago pa tuluyang mahulog ang sipon ko at bago pa ako makapagkalat ng nakakadiring sipon dito sa bus. Buti nalang din na ang lovebirds na sila Caloy at Merylle ang magkatabi sa bus kaya naman ay hindi nila nakikita ang pag-iyak ko. Narito kasi ako sa unahan nila at wala akong katabing ibang tao. Swerte nalang din siguro na medyo maluwag ang bus na nasakyan namin papuntang airport.

Kapa diyan, kapa doon. Bakit wala akong makapa? Nasaan ba yung maleta ko? Tutulo na yung sipon ko oh! Nakakahiya naman! Nang wala na talaga akong makapa ay sinilip ko na ang ilalim ng upuan ko para makita na ng malinaw kung nasaan na talaga ang maleta ko.

ANAK NG PATO!

 

 

Walang akong nakitang bag sa sahig!

 

"Caloy! Merylle! Nakita niyo ba yung bag ko?" tanong ko sa dalawang nagyayakapan sa likuran ko. Wala na akong paki kung nakakaistorbo ako sa kanila. Importante ang bag ko! Importanteng mapunasan ko ang sipon ko!

 

"Ha? Wala ho ba diyan?" tanong ni Merylle.

"Wala eh." Nagbikit-balikat ako.

 

"N-Naiwan niyo?" si Caloy.

 

"Imposible!" sagot ko. "Dala ko yun kanina eh!"

 

My Wacky Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon