Chapter 1

11.3K 52 6
                                    

A/n:First story ever.Please bear with me.

"Kim mag empake kana"sabi ni Nay Emma.

"Bakit po,Nay?"

"Nak,kailangan nating umalis para maasikaso ang bagong branch" Isa ang mga magulang ni Kim sa mga kilalang business sa Pilipinas at America.

Halos walang permanenteng bahay at mga kaibigan si Kim dahil lipat sila ng lipat taon-taon

"Pero nay,paano na ang studies ko at si Ella?"Si Ella ay ang nag-iisang kaibigan ni Kim.

"Nak,maraming mababait na bata doon sa Manila,at maraming magagandang eskwelahan doon"paliwanag ni Emma sa anak.

"Pero nay,hindi ko kayang iwan si Ella,sya lang ang kaibigan ko."sabi ni Kim.

"Ganito nalang anak,pag dating na pagdating natin sa Manila,tatawagan natin si Ella."

"Sige na nga po,basta promise po  yan ah?"sabi ni Kim.

"Oo naman anak,promise"responda ng nanay niya.

"Salamat nay!"sabi ni Kim at niyakap ang nanay nya.

"Walang anuman Kim,malakas ka kaya sa akin,ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin."sabi ng nanay nya

"Tara na dun sa taas at tutulungan nakita mag-empake ng gamit mo para makatulog kana ng maaga at maaga pa tayong aalis bukas" yaya ni Emma.

"Okay,nay"Pagkatapos ng mag-ina,ay inilagay na nila ang mga bagahe sa loob ng kotse at nag pasya na silang matulog.mga magulang ni Kim,nag-usap sila tungkol sa bagong bahay nila at ang bagong branch.

Narinig naman yun ni Kim dahil nakabukas ang pinto nya sa kwarto.Bago bumaba si Kim ay naligo na sya at tahimik na bumaba.Pababa na sana sya ng makita nya ang magulang na sobrang sweet sa isa't isa at malapit na ang mga mukha nito.Hahalik na sana ang tatay nya ng---sumigaw sya at tinakpan ang mata.Napatingin naman ang mga magulang ni Kim sa direksyon ng sigaw at tumawa ang nanay nya."

"Good Morning,anak!" bati ng nanay nya habang ang tatay naman nya ay nagkamot ng ulo at umiling.

"Ikaw talaga anak,naudlot tuloy!" sabi ng tatay nya at ginulo ang buhok nya."

"Tay naman eh! kakasuklay ko palang po ng buhok ko,ginulo nyo na" reklamo ni Kim.

"Dalaga na talaga ang baby namin" sabi ng tatay nya habang yakap sya.

"Tay naman eh!" reklamo ni Kim

"Okay...Okay" at umalis sa pagkakayakap ang kanyang ama.

"Anak mag-ready ka na at aalis na tayo maya-maya" imporma ng nanay nya.

"Pwede ko po bang bisitahin muna si Ella bago tayo umalis?" tanong ni Kim sa mga magulang.

"Sige."pagpayag ng mga magulang nya.

"Salamat po!"Pumanik na si Kim at nag palit ng pang-alis.

Pag katapos niyang magbihis,bumaba na sya at nag paalam sa kanyang mga magulang.

"Bye po Nay,Tay."paalam ni Kim at nag beso sa kanyang mga magulang.

"Anak,mag-iingat ka ah?"paalala ng nanay nya."Oo naman po nay." At umalis na papunta sa bahay ni Ella.

Sa Bahay ni Ella...

"Mahfriend,mamimiss kita."sabi ng umiiyak na si Ella.

"Ako din mahfriend,promise tatawagan kita araw-araw".Sabi ng umiiyak na ding si Kim.

"Wag mo akong kalimutan ah?"sabi ni Ella.

"Oo naman,ikaw pa na nag-iisang bestfriend ko"pag-assure ni Kim kay Ella.

Childhood Love(KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon