Chapter 42

199K 4.5K 411
                                    

42


“Jo, tama na! nakakasama sayo ang pag iyak. Naman oh.  Nakakasama yan sa baby. 5 oras ka nang iyak ng iyak. Ni hindi ka pa kumakain. Alalahanin mo naman ang baby mo.” Mari caress my back at tried her best na patigilin ako sa kaiiyak.

“Ayaw na niya talaga sa akin Mari. Sa ginawa ko parang nagmakaawa na ako para pakasalan niya but he didn’t say a word. Umalis lang siya. And it hurt so much. Ang sakit sakit pala.”

“Ano ang nangyayari dito? Bakit ka iyak ng iyak Joanne?”

“Hays.” Mari took a deep breath. “Nabasted kasi siya.”

“Anong nabasted? At nino?”

“Sino pa eh di ang dakila kong pinsan. Sinabi kasi ni Joanne na pakakasal sila ni Dave at si Dave na ang magiging ama ng anak nila. Ayaw pumayag ni JC kaya ask ni Joanne kung maibibigay ba ni JC ang pangalan niya  katulad ng gagawin ni Dave. Eh hindi sumagot si JC. Yan tuloy!!!! Hays.. Hays talaga!”

“Sis, wag mo na kasing ipilit ang sarili mo kay JC. May gf na yung tao. Baka mahal niya talaga ang gf niya kaya ganun.”
Inakbayan ako ni Johann para kumalma ako.

“Ano na lang ngayon ang gagawin ko?”


“Ito ang blade. Maglaslas ka!”

Pak!


 Binatukan ni Johann si Paolo.

“Pag yan tinotoo ni Joanne Paolo, babalatan kita ng buhay.”

“Ouch. Ngayon alam ko na na mas mahal mo si Joanne kesa sa akin na ka-share mo sa iisang placenta.”

“Ewwww. Gross!” Mari grimaced

“Ipagawa mo na nga lang kami ng sandwich.”

“Ayoko nga!” Tapos biglang nagseryoso ang mukha ni Paolo. At lumapit sa aming tatlo. Tapos tumikhim ng tatlong beses.  “Jo, biglang kapatid mo, nalulungkot din ako sa mga pangyayari pero wala na tayong magagawa kung ayaw na ni JC. Tanggapin mo na lang. Kung ayaw niya, wag niya. AT tandaan mo, kung ayaw, maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.”

“Tama. At hindi nakasalalay sa kanya ang buhay ninyong mag ina.”

“Tama. At andito kaming mga kapatid mo at tito ng anak mo para alagaan.”

“Isama mo naman ako.”

“Pati pala si Mari na bestfriend mo.”

“Kaya wag kang malungkot. Dahil tutulungan ka namin. At gagawin naming ang lahat lumigaya ka lang.”

“Amen.”

Oh ayan group hug na! Tapos nagyakapan kaming apat. Naiiyak ako na natatawa. I am so blessed na andito silang tatlo katabi ko. Kung wala sila dito baka nga naglaslas na lang ako.


,...............................................

A week after…

Felize’s  POV.

Hi! Everyone. I’m Angela Felize Bustamante, current gf ni JC. Alam ko naman na most of the readers of this story  probably hate me dahil nga parang nakikiepal ako sa relasyon ng dalawang ito. Pero wala akong magagawa napag atasan lang ako ng author na mag POV. Ayaw niya kasi ng POV ni JC. Anyway, bago ako magsimula sa aking POV ipopromote ko muna ang istorya ko nahindi pa nasisimulan ng author. Ang title po nun ay Tears of Angel. Basahin niyo huh! Thanks. 

So, saan na ba ako? Andito ako ngayon sa opisina nila JC. Office ni JC na naging office dati ni Joanne.  Nagyaya kasi itong si JC na mag out of town daw kami. At dahil isa akong dakilang gf siempre pumayag ako.  At napansin ko rin that these few days, he is not his normal self. Actually, eversince we came back, hindi na siya si JC na nakilala ko sa Timbuktu.  At hindi naman ako manhid para hindi malaman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Papahulaan ko pa ba? Alam niyo na siguro kung ano or rather sino ang nanggugulo sa isip ni JC. Ang sarap nga sabunutan di ba? Dapat tinanggap na niya na wala na si JC sa buhay niya. Joke lang! Kayo naman! Don’t worry mabait ako. Basahin niyo ang istorya ko para malaman niyo kung gaano ako kabait. Ayan na naman. Nadadivert na naman ang istorya. So ito na nga dito na kami nagkita ni JC sa office niya at ngayon nga pasakay na kami ng elevator pababa ng building. Pupunta daw kaming Baguio para makapagrelax siya. Siguro nappressure. Give the guy a break. He deserves it.  Habang nasa elevator, napansin kong spaced out si JC. Spaced out na naman si JC. Masyadong malalim ang iniisip. Kung selosa siguro akong gf baka nag away na kami kasi kasama niya ako but his mind is drifting somewhere. Nakakainsulto yun para sa isang gf di ba? Paro nga dahil sa mabait ako.. ay never mind.

Pagdating namin sa isang floor, may sumakay na dalawang employee. Yung isang employee yun ang secretary ni JC. Jane ata ang name. Mga magaganda sila. Tapos naggreet sila sa amin ni Oca. Siempre nginitian ko sila. Mabait ako eh. Pero hindi sila pinansin ni JC. Spaced out nga di ba? Kaya din siguro ayaw ng author ng POV niya kasi space out siya. Baka ang laman ng POV niya puro space. Tumawa naman kayo! Joke yun eh! 

“Jane, aattend ka sa kasal?”
I heard the other lady talking to her friend. Ang babaeng nagsalita ay mestiza, matangkad, maputi at auburn brown ang hair. Pwede ngang pangmodel eh.

“Oo naman! Kaibigan natin yung ikakasal tapos di tayo aattend? Baka kalbuhin tayo nun.” Sagot namn nung Jane na tall, morena and gorgeous.

“Oo nga. Di bali tatawagan ko na lang si Joanne na aattend tayo sa kasal. Tsaka sabi niya ready naman na daw ang mga damit natin kasi summer naman ang motif.”

“Iba talaga pag mayaman ang pakakasalan mo ano?”

“Sinabi mo pa! Ano nga oras ang kasal bukas?”

“4PM daw magsisimula para tamang tama sa sunset. Hay ang romantic talaga! Tagaytay sunset ang drama nila!”

“Oo nga di ba ang sweet?”

Nakita kong nakakunot na ang noo ni JC paglabas namin sa elevator.  At pagsakay namin sa kotse, binagsak pa niya ang pinto.

“Are you okay?”

“Yes, I am fine. I’m sorry.” Tapos pinaandar na niya ang kotse. I noticed na mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse.

“JC, I thought we are going to Baguio. Bakit nasa SLEX tayo?” Sabi ko na sa inyo spaced out siya eh.

“I changed my mind. Sa Tagaytay na lang tayo pupunta.” Tapos bumuntong hininga siya.

“Are you really okay?” Hindi siya nagsasalita. But I can see na nanggagalaiti siya. Ang higpit ng hawak niya sa steering wheel. Parang takot siya na mawalan ng control. Natatakot din ako na baka kung ano ang mangyari sa amin sa daan. AT his state,  I don’t think he is capable of driving safely.

“Dahil ba sa narinig mo kanina? Is Joanne really getting married?” With that, biglang napaswerve ang sasakyan namin. Tumili ako. Akala ko kasi katapusan ko na. Ayaw ko pang mamatay. Pero pasalamat na lang ako at walang masyadong sasakyan. Hindi kami nabangga pero tumigil siya sa gilid ng daan. Pagkatapos nun hinampas niya ang manibela. Tumahimik lang ako. Ngayon ko lang nakita si JC na ganyan. Parang naiiyak na ewan. Tapos inihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko mabasa ang  pagmumukha niya.

“I’m sorry Fille.” Tapos pinaandar niya ulit ang kotse pero this time mabagal na ang takbo namin. Baka takot din siyang mamatay.

“Do you want  to talk about it?” No answer. He just sighed.

“I really messed up this time Fille. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. I’m sorry to have confided in you but…”


“Bakit mo ba kasi tinitikis ang sarili mo? I know you still love her. Bakit mo sinasaktan ang mga damdamin niyo? And  besides magkakaanak na kayo.” Kelan kaya siya matatauhan. Nahihirapan lang sila ni Joanne dahil sa ginagawa niya.

“Fille, I can’t do that. Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo? You are my girlfriend yet, gusto mong magkabalikan kami ni Joanne? Do you really love me?” I sighed.

“I do JC. Alam kong alam mo na mahal kita and I know too that you love me. You care for me but I can feel that you love her more than you love me. And I am not that selfish na ipagkait sa inyo ang kaligayahan niyo JC. Ang pagkabuo ng pamilya niyo.” Sheet! ang bait ko talaga!

“Fille…What the!!!” Biglang nagbrake si JC at napamura. Muntik na din ako masubsob sa dashboard. Salamat sa seatbelt. Paano kasi may isang sasakyan na bigla na lang tumigil sa harapan namin. Hindi pa kami nakakarecover sa shock nung bumaba ang apat na lalaking sakay ng sasakyan. They are all wearing black pero na focus ang tingin ko   sa mga dala nilang baril. Kinabahan ako bigla. Ito na ba ang katapusan ko? Lord, wag naman po sana. Hindi pa ako nag aasawa at ni wala pa akong anak.

Maya maya tinutukan nung isang guy si JC at pinabubuksan ang pinto.

“Just calm down okay?” Tapos dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse. Nanginginig ako sa takot.  Sino ba naman ang hindi?

“JC…”

“Everything will be alright Fille.”

“Bumaba ka na dyan Cariño.” BUmaba si JC sa kotse at pinalakad siya papunta sa kotse na nangharang sa amin.

“Paano itong babae?”
Pagkasabi nung isang lalaki , tumalikod yung isa at pumunta sa starex van kung saan pinasakay si JC. Maya maya may bumaba na isang lalaking nakasumbrero at nakashades at sumampa sa driver’s seat. PInaandar niya ang sasakyan ni JC.

“Saan mo po ako dadalhin? Maawa ka sa akin.” Tapos inalis nung lalaki ang sombrero at shades niya.

“Wala kaming gagawing masama sayo. Kay relax ka lang Miss…” at tumingin siya sa akin. Hindi ko lang alam kung sino ang mas nagulat sa amin. Pero sabay na nanlaki ang aming mga mata.

“Angela!!!?”

“Johann!!!?”

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon