Chapter 20

256K 4.3K 96
                                    

Thank you so much Ella for the cover. 

20


“Alam mo Joanne, ang engot engot mo talaga!” Kanina pa ako sinesermonan ni Mari. Andito siya ngayon sa condo ko at kumakain ng tacos na ginawa ko habang nanonood sa tv ko. At habang ginagawa niya yun, sinesermonan niya ako. At alam niyo kung ano ang kinagagalit niya? Tungkol kay Oca. Walang utang na loob! Hehehe

“Hays…” Wala na akong masabi. Naiirita na ang tenga ko kakapakinig sa kanya.

“Bakit mo ginawa yun? You’ve just dumped an opportunity of a lifetime. Hindi ka ba nanghihinayang? Wala ka nang mahahanap pang iba. Nag iisa lang si Oca sa buong mundo, or baka sa buong universe pa. Anong pumasok sa dyan sa kukote mo at ginawa mo yun?” See? Kung kayo sa case ko siguro pinalayas niyo na siya. Pero dahil sa mabait akong kaibigan hindi ko yun ginawa.

Mari, ginawa ko lang ang tama.”

“Ano ang tama  sa ginawa mo? Nagtapat sayo yung tao tapos sinabihan mong hindi siya totoo? Are you nuts?”

“Mari, alam mo sa simula pa lang na hindi naman talaga seryoso si Oca. You’ve witnessed it yourself. Naglalaro lang siya. I have no reason to believe in him.”

“OO nga. Alam ko sa simula hindi talaga seryoso yung tao. Pero ilang buwan na din yun Joanne, paano kung in the process eh nagustuhan ka nga niya talaga? Paano kung nadevelop siya sayo? Paano kung totoo yung sinasabi niya?” Abogado ba siya ni OCa?

“Impossible yun Mari. I barely know him.” Hay naku! Bakit ba si Oca ang pinagtatanggol niya? Di ba ako ang kaibigan niya?

“It’s not impossible Jo. Look, you told me that he told you that hindi siya nanliligaw, which is obvious kasi halata namang habulin siya ng mga babae but still he courted you.”

“You cannot consider it courting Mari.”

“Ano ang tawag mo sa pagiinvite niya sayo sa dinner, pagbibigay ng flower, paghahatid sayo, pagpapaalam na mag aout of the country at pagbibigay sayo ng pasalubong from Malaysia after mo siyang binasted? Ano ang tawag mo dun?” Feeling ko gusto na akong hampasin ni Mari. Hindi ko din alam kung bakit nanggagalaiti siya na parang abogado ni Oca.

“Mari, he invited me to dinner, give me  flowers na complimentary ng hotel at sinundo ako only once. At yun ang time na nag overtime ako kasi may pinapatapos siya sa akin. At ang pagpapaalam niya sa akin at pagbibigay ng pasalubong was because he assumed na kami na. Why are you counting everything that he did?”

“Are you dense? Didn’t you see that lahat ng ginawa niya, nag exert ng effort yung tao? Are you blind?” I don’t know why she can’t get it over with. Parang siya naman ang nawalan ng lalaki. At di ba nakapila ito kay Oca? Bakit ngayon bakit ipinagduldulan niya si Oca sa akin?

“Mari, any man would exert an effort para lang makuha ang intensiyon ng isang babae. Seryoso man siya sa babae o hindi. That’s their nature.”

“But Oca is not the type to exert an effort for a girl Jo. Can’t you see it?”

“Of course I see it. I am a challenge for him so napag isip isip niya that he needed an extra effort in order to get me.”

“And why would he do that? Why would he pursue you? Bakit kailangang ikaw if he can have any girl he want?”

“Because I pose as a challenge for him Mari.”

“No Jo, you are no longer a challenge for him. He had you already so wala nang rason para I pursue ka niya. Kung yun lang ang gusto niya, nakuha na niya yun. Wala na siyang rason para habol habulin ka pa!”

“Meron Mari. Because ako ang babaeng nagustuhan niya na hindi nakakandarapa sa kanya. I am the only girl he knew who doesn’t like him back.”


Is that so? Totoo ba yun? Hindi mo siya gusto?”
Tinaasan niya ako ng kilay.

“Of course not!  He is not serious with me, bakit ako papatol sa kanya?” My answer is too quick. Too quick even for me to believe.

You know Jo, para sayo lahat ng lalaki ay hindi seryoso. Hindi lahat ng lalaki ganun. Pero its your decision and I am your friend. So siguro kahit ano pa ang sasabihin ko, knowing how hard headed you are ay hindi mo pa din pakikinggan.  I just hope that  you will not regret this decision.” She then smiled at me sadly. Ahhhhhh….pinagulo lang niya lalo ang isip ko.

A/N: Cover courtesy of Ella/Demisse

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon