Chapter 21

252K 4.9K 228
                                    

21. Lunchdate

“Excuse me. What floor is JC Cariño’s Office?”I looked at the woman in front of me. She is beautiful. Sexy, elegant at napaghahalatang mayaman. Sa tindig pa lang makikita mo nang may class siya. Ang kinis pa ng kutis. Siguro artista siya or model. Tumaas ang kilay niya. Siguro nahalata na hindi ko siya sinagot at pinagmasdan ko lang siya. Kakaiba kasi ang ganda niya. Hindi naman sa natotomboy ako, pero gusto kong maging siya. Gusto kong maging kasingganda niya. 

“Excuse me...”

“8th floor Ma’am.” Ano kaya ang kailangan nito kay Oca ganito kaaga? Alas nuwebe pa lang ng umaga. Kakapasok ko lang at siya kaagad ang nakita ko.

“Thank you.” At naglakad na siya papuntang elevator. Yung guard, yung receptionist, yung janitor at pati yung langgam nakatulala sa kanya habang naglalakad siya. Parang sa lakad niya sinasabi niyang, you should stop whatever you’re doing because I’m walking. Ganun kalakas ang hatak ng babaeng yun, ganun kalakas ang charisma niya. She walked like she owns the whole building and the whole Metro Manila.

It’s been a week since nangyari ang usapan namin ni Oca and since then hindi na siya nagparamdam sa akin. Hindi naman sa hinahanap hanap ko siya, nagkukwento lang ako sa inyo kasi alam kong namimiss niyo siya Well, siguro naisip niya na wala talaga siyang mapapala sa akin kasi hindi niya ako maloloko.  Umakyat na ako sa floor namin at nagsimulang magwork.

“Hi Joanne!”

“O bakit andito ka na? Sobrang maaga naman ata para magyaya kang maglunch.” 11:30 pa lang kasi at usually si Jane hindi pumupunta dito kung hindi maglulunch.

“Wala lang. Naiirita lang kasi ako doon sa taas.”

“So kung naiirita ka dito ka pupunta? At bakit ka naman naiirita?”

“Eh kasi naman noh! Ang aga aga may naglalandian doon sa office ni Sir JC.”   Sabi pa ni Jane na nakasimangot. 

“Huh? Sino naman?” Biglang singit ni Yanyan. Si Yanyan talaga kung tsismis ang bilis bilis. Tsk tsk.

“Kasi ganito yun.” At umupo si Jane sa upuan na nasa harap ko. “Kaninang mga 9:30 may dumating na magandang babae sa office at hinahanap si Sir JC. Si Yvette daw siya. So in short pinapasok ko siya kasi nga sabi ni Sir JC papasukin ko daw. Tapos yun na simula nun di na sila tumigil sa paglalandian. Nakakairita lang.” Sabi pa ni Jane na nagpapout.

“Bakit ka naman naiirita? Kasi nagseselos ka? Kasi type mo si Sir.”

“Psssshhh. Yanyan ano ka ba! Ang ingay ingay mo talaga. Oo type ko si sir pero di ako nagseselos?”

“Eh bakit ka nga naiirita?” Sabi pa ni Yanyan na mukhang inip na inip na kasi nambibitin si Jane.

“Eh kasi nakakainis eh. Di ako makapag concentrate sa pagtatrabaho. Kaya nakakainis.” Sabay dabog,

“Bakit nga!?” Gustong gusto nang batukan ni Yanyan si Jane pero nagpipigil lang siya dahil hindi pa natatapos ni Jane ang kwento niya.

“Eh kasi di ko matapos tapos yung work ko kasi nadidistract ako. Di ko mapigilan na silipin sila habang naglalandian! Grabe pala talaga! Siguro yummy talaga makahalik si Sir.” And she giggles. Adik! ang adik lang.  Pero si Oca may kahalikan? 

“Gagah!” Sabay batok ni Yanyan kay Jane. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana kanina ka pa nagsabi sa amin at makita din namin. Naku napakaselfish mo talaga.”

“Aba malay ko ba na gusto mo din manilip.” Jane said giggling.

“Ano pang hinihintay mo dyan?” Tumayo na si Yanyan.

“Di nga sisilipin mo sila Sir?  Tara!” 

“Anya! Tara na.” Tinawag ni Yanyan si Anya na nasa kabilang side ng office.

Mga gagah talaga ang mga to. Ang babastos. Sisilipin talaga nila sila Oca? Oh my! Sasama ako!!!!!!!!

“Ikaw Joanne di ka ba sasama?” Yaya pa ni Jane sa akin.

“Ayoko nga! Di naman ako kasing perv niyo noh! Ayokong manilip noh.” “Tssss…”Ang plastic ko talaga.

“Anong maninilip? Maglulunch kaya tayo! Quarter to 12 na kaya. Sino ngayon ang perv? Ha? Ha?” Tapos nagtawanan silang tatlo.

“Oi Yanyan akala ko talaga sisilipan mo sila Sir.”

“Jane di ko gawain yun. Gawain mo yun.” Tapos nagtawanan kami.  Ang aadik lang.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon